Chapter 6 Nasa Tabi Mo Na Pala Isang taon na rin ang nakalipas simula noong umalis si Jiro. Nakikibalita na lang kaming mga kaibigan niya sa pamamagitan ng f*******:. Maganda naman daw ang buhay niya sa Manila. At nagkita na pala rin sila no'ng Avegail. Sana lang talaga, gumawa ng paraan si Jiro na hindi siya pakawalan ni Avegail. "Ang dami naman nating gagawin!" Reklamong anas ni Vladimir hanggang ngayon. Kanina pa iyan nagrereklamo ukol sa mga projects kanina sa Science at Makabayan. May reports kasi kami tungkol sa Periodic Table of Elements. Kailangan ay may mai-present kami na visual aids tatlong araw mula ngayon. Bukod pa ang written report na ipapasa namin pagkatapos pa ng reporting. Ngayon lang na may libreng oras kami para gawin iyon. Bukod pa diyan, gagawa pa kami ng assignme

