Chapter 5 Nakahanda Ako Buwan na ng Pebrero at ito para sa akin ang pinakaabala kong panahon. Nasa bahay ako at gumagawa ng chocolate upang iregalo kay Jiro. Parang ritwal na para sa akin na gawan siya nang ganito tuwing sasapit ang araw na ito. Hindi naman kasi mahirap magustuhan si Jiro, e. Matalino, guwapo, mabait, matulungin at matikas. Lahat na yata ng qualities ng isang lalake na puwedeng magustuhan, nasa kaniya na. Ang mahirap na nga lang, iyong malapit nga siya sa akin, pero pakiramdam ko, ang layo pa rin niya. Iyong kailangan ay maghirap talaga ako kahit na kaibigan niya ako, dumaan sa maliit na butas ng karayom at gumawa ng matinding effort para makuha ko ang atensyon niya at mapansin bilang babae, hindi biulang kaibigan niya. Matagal ko na itong ginagawa pero hindi ako makaram

