Chapter 2
Hindi Ko Na Alam
Naalimpungatan akong bigla sa lamig ng aircon dito sa sala ni Irwin. May comforter man na tumatalukbong sa hubad kong katawan ay hindi nito napapawi ang ginaw na nararamdaman ko. Umupo nang maayos at napabuntong-hininga nang malalim. Madalas, kapag nagsisiping kami ni Irwin ay iniiwan niya akongy nakahiga rito sa sofa bed niya. Pagkatapos naming gawin iyon ay hiwalay kami ng tinutulugan.
Sumulyap ako sa nakasaradong pintuan ng kuwarto niya. I wondered if he's still sleeping or awake now. Hinanap ng mga mata ko ang damit ko. Napangiwi ako nang maisip ko kung susuotin ko ang mga iyon. Ayoko. I should find my real decent clothes. Noong gumalaw ako nang bahagya ay napangiwi na naman ako nang maramdaman ko ang paghapdi ng pagitan ko. I couldn't mentally count how many times my bode made multiple orgasms beneath him. I just found myself drained and tired. My body recognized Irwin's playful lips already.
Sanay na ako na maraming beses namin itong ginagawa. Awa ng Diyos ay hindi pa ako nabubuntis. He always withdrew everytime we did that. Masakit iyon sa akin kasi ayaw niya naman akong mabuntis. Alam ko na iyon at nakasaad iyon sa kasunduan namin. Pero...ang bigat pa rin sa dibdib. Kikilos na sana ako para hanapin ang bag ko ngunit natigil ako nang marinig ko ang pagbukas ng pinto ng kuwarto ni Irwin. Nang balingan ko siya ay nakita kong nakalabas na siya at nakapostura na. Suot niya ang kulay dirty-white naming polo ng university. Bigla na naman akong nanliit at nakaramdam ng kahihiyan kasi ako ay nakahubad pa rin. Tinalukbong ko lalo ang comforter dala ng pagkapahiya. Sa pagyuko ko ay nakita ko ang pagkunot niya ng noo.
"Take a bath now. You're gonna be late," malamig ngunit malumunay na aniya. Sanay na akong walang bahid sa kaniya pero pinipiga pa rin ang dibdib ko.
I gathered all my strength to gaze at him. His hair is bit wet now, halatang bagong ligo. Nasisinghot ko ang scent ng kaniyang pabango. Hindi ganoong katapang.
"W-what do you want for breakfast, Irwin?" sanay na ako sa litanya kong ito ngunit gusto ko pa ring subukang itanong sa kaniya sapagkat kung hindi niya kayang mag-alala sa akin, p'wes ako, hindi ko kaya.
Naglakad lang siya at lalagpasan talaga ako pero tinawag ko ulit ang pangalan niya.
"Irwin---"
"Don't prepare any f*****g breakfast for me, Melissa," he icily said without turning his back on me. "I'm not hungry."
Mariin kong nakagat ang labi ko dahil tumindi ang pagkalat ng kirot sa puso ko. Maging sa palad ko ay naramdaman ko ang masakit na kuryente na iyon.
"Nga pala," sa wakas ay nilingon niya ako. "'Yong bayad ko sa 'yo, nasa account mo na. Just withdraw it whenever the day you want." Malamig ang tingin niya sa akin.
Naghalukipkip siya, hindi nagbabago ang tingin sa akin. "Melissa, don't made such an effort to please me. It is very, very, futile. You are working for me to pleasure me by means of your body and moans. I don't the other things. Alright?" Mahalay niya akong nginisihan. His pair of ebony eyes roamed in my naked body. Kinilabutan ako sa ginagawa niya.
Walang ngiti akong tumango. Gusto kong maluha ngunit pinipigilan ko. Kaunting tulak pa ay papatak na 'tong luha ko. But know it's non-sense especially in front of this cold-hearted and merciless man. For him, I am just his paid s*x servant. He's not my Irwin. He's a horndog asshole. Isang hayok na hayok sa s*x. f**k.
I heard him cussed harshly, then, looked away. "Wear your damn clothes, mademoiselle. We will see each other later---"
"Pupunta ako ng Sitio Maestranza, Irwin," pagputol ko sa kaniya. Aagd siyang nanahimik sa sinabi ko. Remember the place, Irwin?
Napatikhim siya. "Gagabihin ka ro'n?"
Kaswal akong tumango. "Oo. Bukas na ako makakauwi."
Tumahimik siya at naglihis ng tingin. Pagkatapos niyang mag-isip nang malalim ay kaswal din siyang napatango.
"G-gusto kang makita ni Mama," pabulong kong pahabol. Napatitig na naman siya sa akin nang wala sa oras. Kahit papano'y alam kong may respeto pa rin si Irwin sa Mama ko. Na naroon pa rin ang Irwin na kababata ko. Kaya lang sa pagkakataong ito ay nagiging dominante ang pagiging masama niya.
Huminga siya nang malalim. "I don't have time. Just give my regards to your mother," huli niyang salita bago siya lumisan.
Nang tuluyan nang sumara ang pinto ay kumawala na ang mga maiinit na likido na kaninang-kanina ko pa pinipigilan. Panay lang ang pagpalis ko sa mga luha habang iniisip kung ano'ng nangyari kanina. Nkung ano'ng nangyari sa aming dalawa. We didn't make love, like the usual wish that I really want from the bottom of my heart. We're just doing s*x. Sa kabila naman ng lahat ng ito, mahal na mahal ko ang taong iyon. Nakaya kong lunukin ang lahat ng ito, makasama ko siya. Pero, alam ko ring hindi niya ako papaniwalaan. Dahil para sa kaniya, kaya ko lang ito ginagawa dahil pera lang ang habol ko sa kaniya.
Nilinis ko ang pad niya matapos ko ring linisin ang sarili ko. Tiniyak ko na may hindi maamoy na galing sa aming dalawa kapag may bisita si Irwin. I cooked a lunch for him. It's Saturday today and I know the usual Irwin. Hindi siya masyadong kapag Sabado. Kaya, kahit na ayaw niya ay pinili ko pa ring magluto. Ayaw kong nagugutom siya.
Noong nakaalis na ako ay dumiretso ako sa pinakamalapit na Automated Teller Machine. Nag-init agad ang mga mata ko habang wini-withdraw ang perang sinahod ko sa kaniya. Punyeta naman. Tuwing ginagawa ko talaga ito, diring-diri ako sa sarili ko. Alam kong siya ang nag-alok nito noon pero hindi ko pa rin maiwasan. Ito na yata ang desisyon na pinaka-mababaw na desisyon na nagawa ko. Pero ito rin ang siyang bumubuhay sa akin at makakapitan ko. Hindi pera ang dahilan. Ito na lang ang nakikita kong dahilan para lagi akong nasa tabi ni Irwin. Iyong alam ko na ako pa rin ang uuwian niya sa kabila ng lahat ng kabalastugan na gagawin niya. Iyong alam ko na may involved at existence pa rin ako sa buhay niya kahit na alam kong baka wala na. At para na rin maibalik ko ang pagmamahal niya na naglaho na parang bula.
Tumungo na ako sa terminal ng mga bus. Hinanap ko agad ang pangalan ng bus at ang signboard na namay nakalagay na, "SITIO MAESTRANZA". Mabuti na lang ay hindi ako nahirapan dahil sa pagsigaw ng konduktor. Bitbit ko ang bag ko sa school ay umakayat na ako ng bus. Nang makapagbayad ako ay ay napagpasyahan konbg matulog na muna at magsalpak sa magkabilang tainga ng kulay violet kong earphone at makinig ng music. May kalayuan din kasi ang Maestranza mula sa Maynila. Aabutin din ng dalawa o tatlong oras.
Nagising na lang ako nang maramdaman ko ang lamig na dumampi sa balat ko. Pasimple akong tumingin sa nakabukas na binatana sa tabi ko. Nanubig bigla ang mga mata ko habang nakikita kong lumalampas sa paningin ko ang pine trees ng Maestranza na siyang bumabati sa akin. I miss my childhood! I miss everything! Sitio Maestranza is my home. It has a big contribution in my past experience. Dito na ako nagkamuwang at lumaki. At dito ko rin nakilala ang taong minamahal ko nang lubusan.
Iginala ko ang aking paningin. Tuwing bumabalik ako rito ay hindi ko mapigilang manibago. Ang dating mga palayan kung saan kami malayang naghahabulan, naglalaro at naggagala ay kinatitirikan ngayon ng mga subdivision ng isang kilalang mayaman na negosyante. Naroon pa rin naman ang mga dating lugar kung saan kami nakakapamasyal. Ngunit siguro, may mga bagay talaga na hindi permanente. Walang permanente sa mundo. Kung gusto nating makasabay sa pag-unlad, handa dapat tayo sa pagbabago. Kahit na may mga pagbabago na masakit at hindi natin kayang tanggapin nang madali. Na puwedeng ikasira ng pagkatao natin.
Tumigil din ang bus sa bayan. Maliit lang ang pamayanan ng Maestranza. Bahagya man itong tago sa kabihasnan, ngunit hindi ito magpapahuli pagdating sa komersyo at negosyo. Marahil nga lang, pinapanatali rito ang pagiging agrikultura ng lugar. Pagkababa ko ng bus bitbit ang mga dalahin ko ay tumambad sa akin ang malaking tarpaulin na nakadikit sa gitna ng plaza. It's a thankful message from the Mayor of this town. Kung gano'n, si Mayor Vergara pa rin pala ang alkalde ng bayang ito.
Sumakay na ako ng tricycle papuntang bahay. Sinabi ko lang ang apelyedo namin at napagtanto ng driver na panganay ako ni Mama. Ganoon talaga sa bayan na iyon. Halos lahat ng tao ay magkakakilala. Kaya alam namin kung may estranghero o bagong lipat sa amin. Nang maglakbay ang mga mata ko ay tumama ang mga ito sa pamilyar na eskuwelahan. Iyon ang Mataas na Paaralan ng Sitio Maestranza. Mas lalo ko lang tuloy gustong maiyak. Tuwing napapadpad talaga ako rito, hindi ko rin maiwasang maalala ang mga masasayang alaala buhat ng kahapon. At alam kong maitatago ko na lamang iyon sa puso ko sa maraming taon.
Humimpil na rin ang tricycle sa tapat ng aming bahay. Pagbukas pa lang ng gate ay tumambad sa akin ang nakatungkod na si Mama, tila kanina pa roon naghihintay. Alam niya kasi ang oras ng uwi. Nasabi ko kanina pagkababa ko sa plaza. Kumunot ang noo niya nang noong binuksan ko ang gate, tila pinapakiramdaman kung sino'ng pumasok. Noong mapagtanto niya na ako iyon, sinalubong niya agad ako ng isang mainit at mahigpit na yakap.
"Na-miss ko ang baby ko," malambing niyang sabi nang humiwalay ng pagkakayakap sa akin. Nangingiti ako habang kinakapa niya ang buong mukha ko. Kinuha ko ang dalawa niyang kamay at iginiya iyon sa magkabila kong pisngi.
Sumikip ang dibdib ko habang pinagmamasdan si Mama. Hindi na siya nakakakita ngayon dala ng aksidente na naranasan niya noon. Kilala si Mama bilang mananahi sa Maestranza. Noong kalakasan ng kaniyang katawan ay siya ang isa sa pinagkakatiwalaan pagdating sa pagtahi ng mga sirang damit ng mga tao rito noon. Siya rin ang gumagawa ng gowns na ginagamit ng mga maykaya at mayayamang tao rito. Ilan sa mga kilala niyang parokyano ay ang pamilyang Vergara at Fontanilla. Katunayan, iyong suot ni Mayor Vergara sa nakita ko kanina sa billboard sa may plaza ay ilan sa mga gawa ni Mama. Napapikit ako sa init ng mga palad niya. I miss Mama's comforting and caring aura.
Inalalayan ko si Mama na pumasok sa loob ng two-storey naming bahay na pinundar nila Mama at Papa noong bata pa ako. Hindi pa rin pala nababago ang ayos ng aming malaking bahay sa nakalipas na mga taon. Hayun pa rin na bubungad ang bilog na couch at sofa sa may living room, ang makina niya sa pananahi na ibinili ni Papa noong nabubuhay pa ito, ang malaking lamesa na yari sa mahogany at pininturahan ng varnish, at ang kusina namin sa dulo ng bahat na natatakpan ng embroided na kurtina.
Huminga ako nang malalim. May kalahati sa akin na masaya dahil nandito na 'ko sa comfort zone ko. Ngunit, may kalahati rin ng pagkatao ko unti-unting gumuguho sapagkat maraming alaala ang pinagsaluhan namnin ni Irwin dito.
Inalalayan ko si Mama na nakaupo sa hapag. "'Ma, dinadalaw po ba kayo madalas ni Manang Lisa rito?" tanong ko, nakatingin sa likod niya.
Dumiretso ako sa ref at kinuha ang pitsel sa loob noon.
"Oo," masigla niyang sagot. "Alam mo ba, may bago ka nang pamangkin sa kaniya? Nanganak na si Evelyn! Ang Kuya Joey mo, hayun, tuwang-tuwa. Hindi na nga halos daw mabitawan ang anak niya, e," sa pagkukuwento ni Mama ay batid kong masaya talaga siya para kina Ate Eve. Pinsan ko si Ate Evelyn at panganay siya ni Manang Lisa na kapatid ni Mama. Mas matanda si Manang Lisa kay Mama.
Napangiti ako nang makarating sa lamesa at nagsalin ng tubig mula sa pitsel sa baso at iniabot ko ang isa kay Mama. Tumama naman ang mga mata ko sa nakatakip na adobong sitaw. Talagang naghanda pa si Mama ng pagkain para sa akin.
Noong tinanggap naman niya iyon ay nagsalin naman ako ng akin at uminom. "Dadaan po 'ko ro'n para mangamusta."
"E, ikaw, kumusta ka na? Nakakakain ka pa ba ng tatlong beses sa isang araw? Nakakatulog ka ba nang maayos? Hindi ka ba nahihirapan sa Maynila?"
Bigla akong natigil sa pag-inom at tumawa nang malakas sa sunud-sunod na tanong ni Mama. "'Ma, isa-isa lang." naaaliw ko siyang tinignan sa gitna ng pagtawa ko.
Siya ngayon ang ngumiti.
"Okay naman po 'ko. M-maayos po ako ro'n. P-pati pag-aaral ko, maayos naman. Actually, magiging Dean's List by this sem." iyon ay kung hindi hinarangan ni Irwin ang free scholarship grant ko. Hindi ko tuloy alam kung tama pa ba itong pagsisnungaling ko kay Mama.
"Talaga?" magkahalong mangha at galak niyang tanong. "Naku! Sabi ko na nga ba, e! Magiging isa kang magaling na engineer balang araw! Sayang. Sana, nandito ang ama mo para makita niya ang paglaki mo," biglang lumungkot ang boses niya sa huli.
Nanghina ako nang mabanggit niya si Papa. Matagal nang wala si Papa. Anim na taon pa lang ako noong mamatay siya. Na-diagnose kasi si Papa na may stage four liver cancer. Ilang taon din kaming nagdalamhati noon. Si Mama ang agad na hindi naka-recover dahil sa labis na pagmamahal kay Papa. Akala ko nga, noong mga panahon na lugmok at nangungulila siya kay Papa ay papabayaan na niya ako at babalewalain. Na nakalimutan niyang may anak pa pala siya. Pero, noong nakita kong makakaahon na siya ay siya na ang nagtaguyod sa akin sa pag-aaral ko. Madalas ay sa kuwento na lang niya idinadaan ang pagka-miss niya kay Papa. Kay Papa rin ako na-inspire maging Engineer dahil iyon ay trabaho ni Papa noon.
"Nga pala, kumusta naman si Irwin? Wala na 'kong nababalitaan sa batang iyon, ah? T'wing dumadalaw ka naman dito, hindi ka naman nagkukuwento sa kan'ya. May...problema ba kayo ni Irwin, ha, anak?"
Natulala ako sa sumunod niyang tanong. Hindi ko iyon inaasahan. Nakakahalata na ba si Mama? Kailan ba iyong huli na naikuwento ko sa kaniya si Irwin? Matagal na ba iyon? Alam kong maganda ang naging reputasyon ni Irwin kay Mama dahil nakita ni Mama kung gaano kabuting tao si Irwin. Ngunit...noon iyon. Noong hindi pa siya namumulat sa kamunduhan ng Maynila.
"W-wala po, a-ah?" napamura ako sa isip ko sa pag-utal-utal ko. "Ano ba kayo, a-ayos lang kami." Muntik pa akong napangiwi dahil nauutal na naman ako. s**t naman!
"Talaga?" tanong niya, tinitimbang ang magiging sagot ko.
"Naman po," sinikap kong maging tuwid ang sagot ko. Mabuti naman at mukhang napapaniwala ko siya sa kasinungalingan ko. "Ay, Ma, sandali lang..."
Mabilis akong tumayo at dinampot ang brown kong leather bag. Hinalughog ko ang wallet ko at nang makita ko iyon, dinukot ko ang limang tig-iisang libong piso.
"Ma," kinuha ko ang kamay niya at bninuka ang nakakuyom niyang palad. Pinatong ko ang perang hawak ko at kinuyom muli ang kamay niya.
"A-ano ito?" takang tanong ni Mama, hinimas-himas ang hawak.
"M-ma, s-sahod ko po." Nanubig agad ang gilid ng mga mata ko pagkabanggit ko noon. Gusto ko tuloy isuka ang perang ito. Ang mga perang nanggaling sa laman ko.
Nakita kong nagsalubong ang mga kilay niya. "S-sahod? T-teka, may part time ka?"
Opo. Sa katawan ni Irwin. Pinilig ko agad ang ulo ko sa naisip ko. Buwisit. "O-opo. C-call center po ako sa isang BPO Company sa Manila." Kinagat ko ang ibabang labi nang mariin. Dudugo na talaga ito kapag pinagpatuloy ko ang kasinungalingan na ito. Ayoko mang magsinungaling kay Mama, pero hindi ko magawa!
Lumambot agad ang hitsura niya at halos mabitawan niya ang perang hawak. "Anak naman, sabi ko sa 'yo, kaya kong buhayin ang sarili ko. Magkasalo naman kami ni Manang Lisa mo sa pagpapalago ng babuyan. Kaya na no'ng suportahan at tustusan ang mga pangangailangan mo sa pag-aaral. Gusto kong pag-aaral na lang ang isipin mo. Ang maging isang tanyag na inihenyera, iyon ang gusto ko para sa 'yo. Hindi mo na kailangan pang magtrabaho at isipin ako."
"M-Ma..." lumunok ako upang pigilan ang panginginig ng boses ko. Pinalis ko agad ang isang luha na tumakas sa mata ko. "H'wag parating ako lang. Isipin n'yo rin ang sarili n'yo." Hinaplos-haplos ko ang kamay niya na makinis at pinisil iyon. Sa kabila ng lahat, hindi kita ang bakas ng pagtanda kay Mama. Thirty-two na siya pero mukha siyang twenty-five.
"P-pangako, Ma, 'pag naka-graduate ako at nakapasok sa isang magandang kompanya, kukuha po ako ng doktor para sa mga mata n'yo. Pangako 'yan, Ma. Magsisikap akong maka-graduate."
Namasa-masa na ang mga nakapikit na mata ni Ma. "I-ikaw talaga," mangiyak-ngiyak niyang sambit. "P-pasensya ka na, huh? I-inutil kasi si Mama, e. Dapat ako ang naghahanap ng pera sa ating dalawa. Napaka-walang silbi ko talaga---"
"Ma!" Nanlalaki ang mga mata ko. "H'wag n'yong ibaba ang sarili n'yo, please. H'wag n'yo namang gawing mahirap sa akin ito!" basag na ang boses ko at nagsimulang humagulhol.
Naramdaman ko ang init ng mga bisig niya. Kinulong ako nito at napasubsob sa kaniyang dibdib. Parehas na pala kaming humihikbi. Ako nang kusang humiwalay sa kaniya mula sa pagkakayakap at pinalis ang mga luhang tumutulo sa kaniya.
Isang maliit na ngiti ang binigay ko sa kaniya. "'Ma, kaunting tiis na lang. Makakaahon din tayo. Kayo. Ako." tumango siya nang marahan bilang tugon.
Habang ginagawa ko iyon ay napadapo ang tingin ko sa mga naka-display na frame na nakasabit sa pader ng aming bahay. Litrato namin iyon ni Mama no'ng graduation ko sa Grade 12. Sa tabi namin ay ang lalakeng akala kong puwede kong madependahan sa lahat ng oras. Ang taong akala ko ay kaya kong takbuhan, hindi sa pera, kundi bilang siya. Akala ko, makakasama ko siya sa lahat ng oras. Ngunit, ano'ng pinaranas sa akin? Kahihiyan at kababawan sa sarili. Pero, sino ba'ng niloko ko? Ginusto ko rin naman ito. Kahit alam kong gipit na ako, malaya ko pa ring sinunod ang puso ko para sa kaniya. Alam kong maraming paraan pero siya pa rin ang pinili ko.
Ano'ng dapat kong gawin, Irwin Joseff, para maibalik sa akin ang pagmamahal mo na nawala? Ano'ng dapat kong gawin para hindi ko maramdaman nag-iisa ako kahit na nand'yan ka? Please, Irwin, sabihin mo na sa akin, kasi hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko na talaga alam!