"Ric, nakita mo ba ang short kong ma—?" Hindi na naituloy ni Makoy ang sasabihin nang makita niyang hawak-hawak ko ang nakabuklat niyang pitaka at tinitignan ang larawang nakasuksok doon. Ako man ay hindi alam kung paano ko sisimulan ang sasabihin. Para kasing nanuyot ang aking lalamunan. Bakas sa kanyang mukha ang pagkagulat. Napaplunok siya ng laway. Tumayo ako mula sa kinauupuang maliit na bangko upang harapin siya. Subalit nag-uunahan na ang aking mga luha sa pagbagsak bago pa man ako nakapagsalita. "M-Mak, gusto ko lang malaman ang totoo. M-May nararamdaman ka rin ba sa akin?" sa garalgal kong boses. Hindi siya sumagot bagkus isang napakalalim na hininga ang kanyang pinakawalan. Muli akong nagsalita. "Wala naman akong planong guluhin kayo, e. Ang gusto ko lang namang malaman kung

