Ang larawan namin nina Daddy at Mommy na kuha sa isang airport ang siyang nagpabalik ng tuluyan sa aking mga nawalang ala-ala. Iyon iyong pupunta kami kina lolo at lola sa Laoag para makipista. Subalit sa kasamaang palad nag-crush ang sinakyan naming eroplano at bumagsak iyon sa karagatan na hindi namin alam kung saan. Bigla akong nanginig at nabalot sa takot ang buo kong katawan nang manariwa sa aking isip ang kalunus-lunos na pangyayaring iyon. Tandang-tanda ko na kung paano tupukin ng apoy ang ilang kasamahan naming pasahero. Nagsisigaw na humihingi ng saklolo kahit na alam naming wala ng pag-asang may makatutulong sa amin sa lagay na iyon. Hanggang sa dahan-dahan nang lumubog sa katubigan iyong eroplano. Yakap-yakap ako no'n nina Mommy at Daddy. Hindi nila alintana ang kung ano-ano

