Chapter 14

6268 Words

Makoy?" Kasabay ng aking pagkagulat ang pagliyab ko sa sobrang galit nang malamang si Makoy ang magiging personal driver ni Daddy. Nakuha pa niyang ngumiti sa akin na para bang normal lang ang lahat. Ni hindi ko siya nakitaan ng pagkagulat nang makita ako at napag-alamang anak ako ng taong pagsisilbihan niya. Para bang napaghandaan na niya ang muli naming paghaharap. Hindi man lang siya nao-awkward. Ang kapal lang talaga ng pagmumukha na daig pa ang balat ng isang nag-uulyaning ng kalabaw. Dahil sa sobrang galit ko sa kanya ay hindi ko napigil ang aking kamao na lumanding sa kanyang mukha. Putok ang kanyang labi. Tumulo ang sariwang dugo. Hindi naman ako ganoon kaliksi kumilos at alam kong kayang-kaya naman niyang ilagan o kaya ay sanggain ang suntok kong iyon subalit hindi niya ginawa.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD