"Mas mabuti ng ako ang tinamaan ng suntok na iyon at hindi si Jeric. Dahil kapag ginawa mo iyondoble ang sakit na hatid no'n sa akin at baka makalimutan kong magkapatid tayo!" "Bakit ganyan na lang ang pagmamalaskit mo sa kanya? At pati ang pagiging magkapatid natin ay kaya mong isakripisyo at isantabi? "Iyan ay dahil sa mahal ko siya Kuya!" Umaalingawngaw ang katahimikan. Dinig ko pa ang pagbugso ng hangin sa aming pagitan. Namilog ang mga mata ni Makoy. Napalunok si Jayson. Nagulat ako. Mali. Gulat na gulat. Kaytagal na rin ng panahon na magkasama kami ni Jayson ay kung bakit hindi ko man lang iyon nararamdaman. Naging manhid na ba ako? O masyado lang akong nabulag sa pagmamahal ko kay Makoy. "Alam mo ba iyang sinasabi mo Jayson? Isa ka ring binabae?" Gumuhit ang gitla sa noo ni Mako

