Chapter 4

6427 Words
Nagising na ang diwa ko ngunit nananatili pa ring nakapikit ang aking mga mata. Mabigat pa rin ang buo kong katawan na para bang may nakadagan na sako-sakong bigas dito. Ilang sandali pa'y may naririnig akong mga boses na sumisigaw ng saklolo at pilit na kumakawala sa nasusunog na lugar na iyon na hindi ko malaman kung saan at ano iyon. Basta ang sa tingin ko parang nasa loob iyon ng isang malaking sasakyan o hindi naman kaya'y nasa loob ng isang gusali. Kitang-kita ko ang mga taong nagdidileryo na sa sobrang takot habang tinutupok ng apoy ang kanilang mga katawan na siyang naghatid sa aking sa labis na pagkagimbal at takot. Gusto ko man silang tulungan ngunit mas nanaig ang kagustuhan kong mailigtas ang aking sarili. Hanggang sa naramdaman kong bumagsak kami sa katubigan at lumubog kami pailalim. Sa sobrang dami ng tubig na pumasok sa aking lalamunan ay hirap na akong huminga. Labis na ang sigaw ko ngunit wala namang boses na lumalabas sa aking bibig. Grabe na ang pangingisay ko na para bang isdang nahuli sa lambat ng isang mangingisda. Iyong pakiramdam na wala na akong choice kundi tanggapin ang nalalapit kong katapusan. Nananatili parin akong nakapikit at ang diwa ko na kanina lang ay gising, ngayon, unti-unti na itong nilalamon ng kawalan kung hindi lang sa mga kamay na sapilitang pinabukaka ang aking bibig at agarang pagdampi ng maiinit na mga labi rito. Apat na beses ding binubugahan ng hangin ang aking bibig at pina-pump ang aking dibdib hanggang sa naisuka ko ang maraming tubig na aking nainum. Nagising ako ngunit ganoon na lamang ang aking pagwawala nang manumbalik sa akin ang isang trahedyang hindi ko maisalarawan basta ang alam ko kabilang ako doon. "Saklolo! Tulungan nyo ako! Ahhhhh!" ang malakas kong sigaw habang naglulupasay na parang sinaniban ng isang masamang ispiritu. Dilat na dilat ang mga mata ko pero wala naman akong nakikita maliban na lamang sa isang nag-aalab na apoy na pumapalibot sa akin. Naramdaman kong may matitigas na braso ang yumakap sa akin para siguro pakalmahin ako pero hindi naging sapat ang lakas niya para pigilin ako kaya hayun, magkasamang suntok at sampal ang inabot niya sa akin hanggang sa dumapo ang isang malutong na sampal sa aking pisngi na sa sobrang lakas noon pakiwari ko'y nalaglag ang aking panga at natanggal lahat ng tutuli ko sa tainga. Subalit iyon naman ang nagpabalik sa akin sa katinuan. May ilang minuto rin akong natutulala habang nakayuko at maya-maya lang , "A-ayos ka lang ba, Jeric?" untag sa akin ng isang boses. Nasa tono nito ang labis na pag-aalala. Nang mag-angat ako ng tingin, si Makoy ang tumambad sa akin. Siyempre nagulat ako, paano ba naman, unang beses kong narinig na binanggit niya ang aking pangalan. Hindi rin salubong ang kanyang mga kilay na kadalasang nangyayari kapag kami ay magkaharap sa kanilang bahay. Ngayon ko lang nakitang napakaamo ng kanyang mukha. Halos naiiyak na ito sa sobrang pag-aalala habang nakatitig sa akin. Kulang na lang yakapin niya ako at buhatin. Doon ko napansin ang ganda ng kanyang mga mata at kung paano ito makatitig. Iyon bang parang nangungusap. "A-ayos lang ako. Huwag mo na akong aalalahanin!" ang mahinahong sagot ko naman. Unang beses naming magkausap nang maayos. "Kaya sa susunod mag-iingat ka. Hindi iyan swimming pool. Ilog iyan. Asahang may parte diyan na bigla na lamang lumalalim na hindi inaasahan!" Iyon lang at tumalikod na siya. Natahimik na lang ako habang pinagmamasdan siyang papalayo dahil tama naman ang kanyang sinabi. Nasa ganoon naman akong pagtitig sa kanya nang bigla siyang lumingon sa aking kinaroroonan. Agad ko namang ibinaling sa ibang direksiyon ang aking paningin baka mahuli niyang nakatitig ako sa kanya. Baka kung ano pa ang isipin ng loko. "Umuwi na kayo Jayson baka may mangyaring masama na naman sa inyo. Malalagot ka mamaya pag-uwi!" Sabi lang nito. Saka tumalikod na ulit. Saka ko lang napansing nasa likuran ko si Jayson. Nakahalukipkip sa puno. Namumutla sa sobrang takot. Parang nagi-guilty at hindi makatinging ng deretso sa akin. "So-sorry Jeric!" ang sabi niya. Nakatuon ang paningin niya sa mga daliri niya sa kamay na kanyang nilaro-laro "Para saan?" naguguluhan kong tanong sa kanya. "Ako kasi ang dahilan ng kamuntikan mo ng pagkalunod. Kung hindi lang kay Kuya, marahil..." "Iyon ba? Huwag mo nang isipin 'yon. Hindi mo naman kasalanan, aksidente lang kaya ang lahat!" "Hindi! Kasalanan ko talaga. Kung hindi lang sana kita pinagtaguan at nagkunwaring nalunod, hindi mo naman gagawing pumunta sa malalim na bahagi ng ilog para hanapin ako. Ang totoo kasi niyan, noong sumisid tayong pareho agad din akong umahon at nagtungo sa pampang para panoorin ang magiging reaksiyon mo kung aakalain mong nalunod ako" Bumuntong-hininga ako. Siyempre sa loob ko naiinis ako sa ginawa niya. Buwis-buhay kaya ang ginawa ko ngunit iyon pala prank lang ang lahat. Pero naisip ko ring isip-bata pa si Jayson. May kabulastugan pang nalalaman. Hindi rin naman niya sukat akalain na pupunta talaga ako sa malalim para hanapin siya. Isa pa, ako ang nakaisip sa paligsahang iyon. Aksidente lang ang lahat kaya walang dapat na sisisihin sa nangyari. Iyon din ang sinabi ko sa kanya kaya nawala na ang guilt at hiya niya sa akin kaya naging maayos na ulit ang lahat. Hindi na namin nagawang makapamigwit ng isda dahil nagmamadali na kaming umuwi alisunod sa utos ni Makoy. "Natatakot pa din ako Jeric!" bulalas niya nang tinatahak na namin ang daan pauwi. "Kanino?" tanong ko. "Kay Nanay. Minsan na din kasi akong muntikang malunod sa ilog kaya pinagbawalan na niya akong maligo basta hindi kasama si Kuya Makoy. At ngayong ikaw naman ang kamuntikan, tiyak lagot ako kapag malaman niya. Narinig mo naman siguro ang sinabi sa akin ni Kuya Makoy kanina na malalagot ako!" "Akong bahala sa'yo. At tinitiyak kong hindi ka mapapgalitan!" paniniyak ko sa kanya. Sa tuwa niya'y napayakap siya sa akin nang mahigpit. Alam ko ang ganoong pakiramdam. Minsan kasi noong namasyal kami sa may burol, naingganyo ako na mamitas ng bunga ng manga na walang paalam. Wala din naman kasi roon ang may-ari kaya nanguha na ako nang bongga na para bang ako ang nagmamay-ari ng punong iyon. Ngunit ang hindi namin alam nandoon lang pala sa ibaba ng burol ang tunay na may-ari na matagal ng nagmamasid sa amin. At ganoon na lamang ang pagkagulat ko ng sumigaw siya habang iniisa-isa kong isinilid sa bulsa ang napipitas kong bunga. Matangkad kasi ako kaya nakaya kung abutin ang mga sangang hitik sa bunga. At sa sobrang takot namin ni Jayson, hindi kami nakagalaw na mistulang nakatirik na kandila. Ngunit ang ikimangha ko ay inako niya ang kasalanang obvious naman na ako ang gumawa. "Patawarin nyo po ako, Mang Doming. Ako po kasi ang nag-utos sa pinsan ko na manguha ng bunga ng manga dahil mas matangkad siya sa akin. Kaya ako po ang pagalitan ninyo dahil napag-utusan ko lang siya!" Ang pagdipensa ni Jayson sa akin. Mabuti na lamang dahil mabait iyong matanda kaya, "Sa susunod kung may gusto kayo, abay magpaalam kayo ha? Hindi ko naman iyan ipagdadamot eh. Sa tanda kong ito at bungi pa, hindi ko mauubos ang mga iyan!" At dinagdagan pa ng matanda ang mga nakuha naming mangga. Isang maliit lang naman na bagay kung tutuusin pero sa tulad kong unang beses na makaranas na may taong handang umako sa maling nagawa na hindi man lang alintana ang magiging dulot nito sa kanya, aba'y hindi iyon matatawaran ng anomang yaman sa mundo. "Bakit ka nga pala mukhang takot na takot ka kanina nang magising ka? Sumisigaw ka pa ng saklolo kahit na alam naman nating ligtas ka na. At napansin ko ring may kakaiba sa mga ikinikilos mo. Iyon bang parang may nakikita kang kahindik-hindik na pangyayari at ninanais mong makawala?" ang pag-iiba ni Jayson. Napansin din pala niya iyon kanina matapos kong magising sa isang bangongot. "Hindi ko rin matiyak kung anong nangyari e. Basta ang natatandaan ko, nakita ko ang aking sarili sa loob ng isang parang lumiliyab na sasakyan. Tinutupok kaming lahat sa nag-aalab na apoy. Para kasing totoo ang lahat!" "H-hindi kaya may kinalaman iyon sa nangyari sa'yo?" "A-anong ibig mong sabihin?" "Na baka bago ka namin matagpuan ni Kuya sa dalampasigan ay naaksidente ka na siyang dahilan ng pagkawala ng iyong ala-ala. Marahil nakasakay ka sa isang eroplano o kaya'y sa barko!" "Pero bakit may naalala parin ako? Diba kapag nagka-amnesia ang isang tao burado lahat ng ala-ala niya?" "Iyan ang kadalasang alam natin. Pero noong isang araw, matapos kung makuha ang aking report card sa pinapasukan kong eskwelahan sa bayan ay naisipan kong mag-internet at nagresearch ng kaunti tungkol sa amnesia!" Kwento niya. "Tapos?" nagkainteres ako sa sinabi. "Napag-alaman kong maraming uri pala ang amnesia ngunit hindi ko na inalam pa ang iba dahil mas natuon ako sa kalagayan mo. Retrograde amnesia ang meron ka Jeric. Isang uri na kung saan may bahagi o pangyayari ng iyong nakaraan ang hindi mo na maalala pa at meron din namang natatandaan mo pa gaya na lamang ng iyong pangalan, edad ang mukha ng mga magulang mo at maging ang marangya mong buhay. Sa edad mo ngayon, maaring kalahati ng iyong memorya ang nawala o mas higit pa. At ang naiwan ay 25 na pursiyento na lamang mula sa kabuuan nito. At ang kadalasang sanhi nito ay ang pagkabagok ng ulo mula sa isang aksidente!" "Ganun ba? E may lunas naman ba daw?" "Ummm, ayon doon sa nabasa ko, kadalasan naman daw sa lahat ng forms ng amnesia ay nagagamot nang kusa sa paglipas ng panahon. Pero pwede ring sa pamamagitan ng theraphy kaya lang kailangang gastusan!" Napabuntong-hininga na lamang ako matapos kong marinig ang kwento niya. Ang totoo niyan gusto ko na talagang gumaling agad para makabalik na ako sa pamilya ko kaso wala naman akong pera para sa therphy. Ibig sabihin kailangan kong magtiyaga sa paghihintay kung kailan bumalik ang aking memorya. Sa ngayon kailangan ko ng i-carrier ang pagiging promdi. Kailangan ko ng matutunan ang mamuhay ng payak. Walang celphone, sasakyan at lalong walang gadgets. Higit sa lahat kailangan kong kumayod para magkapera. "Huwag kang mag-alala andito naman kami, e. Kami na muna ang magiging pamilya mo habang nagpapagaling ka pa" alo niya sa akin nang mapansin ang kalungkutan sa aking mukha na halos naiiyak na. Hinawakan niya ang isa kong kamay at damang-dama ko naman kung gaano siya katotoo sa kanyang sinabi. May sinseridad. At kahit paano naging daan naman iyon para maging panatag ang aking kalooban. At iyon ang takbo ng aming usapan hanggang makarating kami ng bahay. Sa araw na iyon sinimulan kong gawin ang laging sinasabi sa akin ni Makoy na kailangan kong makibagay sa kanila. Kailangan kong i-adopt ang sarili sa bagong mundong ginagalawan ko. Dahil kahit abot-langit pa ang pagrereklamo ko wala din naman akong choice kundi ang tanggapin na ganoon na ang magiging lifestyle ko habang doon ako sa kanila nakatira. Lalo lang kaming mag-aaway na parang aso't pusa kung lagi kong itataas ang pride ko. At noong makita ko siyang nakaupo habang tinitimpla ang tunog ng kanyang gitara sa silong ng manga ay nilapitan ko siya para magpasalamat na sa ikalawang pagkakataon sinagip na naman niya ang buhay ko. Hindi ko maitatwa na sa kabila ng kagaspangan niya sa akin malaki ang naging utang na loob ko sa kanya. Kaya kahit susumpingin siya ng kanyang tupak ay kailangan kung magpakumbaba at pakitunguhan siya nang maayos. Pakonswelo ko na lamang sa pagiging superhero niya sa buhay ko kuno. "Wow! Magdadalawang linggo ka na rito pero ngayon ko lng yata narinig ang katagang iyan ah?" Pang-aasar niya sa akin. Ngunit hindi ko naman pinatulan. "Pasensiya ka na kung ngayon lang ako nakapagpasalamat alam mo naman siguro na hindi naging maganda ang una nating pagtatagpo" turan ko. Tumigil siya sa kanyang ginagawa. Humarap siya sa akin. "S-sorry din. Naging mayabang kasi ang dating mo sa akin kaya ganoon na lamang ang galit ko sa'yo. Ayaw ko kasi sa mga taong hambog at mapagmataas" ang deretsahan niyang sabi. Hindi na ako umimik dahil alam kong ganoon naman talaga ang ipinakita ko sa kanila. "Sana lang maka-adjust ka na dito sa amin. Kahit mahirap lang kami, welcome na welcome ka dito!" At inilahad niya ang isa niyang palad sa akin. Masaya ko din naman iyong tinanggap dahil hudyat na iyon sa bagong simula namin ni Makoy bilang magkaibigan. At iyon ang simula ng aming magandang samahan. Nagkwentuhan kami. Halos lahat ng paksa ng aming usapan ay tungkol sa kanya dahil wala din naman akong masyadong maikukuwento tungkol sa aking sarili. Nalaman kong hanggang sa first semester lang ng college ang inabot niya sa kursong Accountancy sa state University ng kanilang probinsiya dahil namatay ang kanyang ama sa kumplikasyon sa puso. Sa ngayon, nagtatrabaho siya bilang tindero ng karne sa palengke sa bayan. Ang kinikita niya ang siyang ginagamit niya para maigapang ang pamilya sa hirap. Tumutulong din siya sa pagpapaaral kay Jayson sa hayskul na ngayo'y kaga-graduate lang. Halos wala nang matira pa sa kanya kaya ang pangarap niyang makapagtapos ng kolehiyo ay isinasantabi na muna niya. Sapat lang kasi ang kita niya para sa kanilang tatlo. At doon ko naisipan na kailangan ko ring magtrabaho para kahit papaano makatulong ako sa mga gastusin sa bahay. Kaya lang wala akong ideya kung anong trabaho ang papasukin ko. Wala din naman kasing mga mall doon na pwede kong aplayan. "Marunong ka bang kumanta?" pag-iiba niya. Mukhang napansin kasi niyang patungo na sa pagiging dramatic ang laman ng usapan namin. Ganoon naman talaga ang mga lalaki. Ayaw sa mga ganoong usapin. "Marunong naman pero hindi ganoon kagaling!" sagot ko. "Pa-sample nga diyan!" "Huwag na. Baka ulanin pa tayo. Hindi nga kagalingan eh!" "E di, mas mabuti. El Nino pa naman!" biro niya na sinabayan ng pagtawa. Doon ko napansin na ang cute pala niya kapag ngumingiti. Hindi ko tuloy maiwasang titigan ang kanyang kabuuan. Gwapo si Makoy. Hindi man ganoon katangos ang kanyang ilong pero bawing-bawi naman ito sa ganda ng kanyang mga mata na pawang laging nangungusap. May dimple din siya sa kaliwang pisngi na lalong nakadagdag sa kanyang pagiging cute. Manipis ang kanyang labi na mamulamula. May porma din ang kanyang katawan. Halatang batak sa trabaho. Siguro kung kumpleto lang siya sa gamit lalo na sa mga damit ay talagang hayop siya kung pumorma. "Bakit Jeric?" tanong niya noong mapansing pasimple ko siyang tinititigan. "Ha? W-wala. Ikaw na lang kasi ang kumanta!" nauutal kong tugon. Nahuli ba naman niya akong nakatitig sa kanya. Pero wala namang ibig sabihin ang pagtitig kong iyon. Bagama't aminado akong gwapo siya, wala namang halong feelings iyon. Hindi kaya siya pasok sa standards ko. "Sana iba naman yong kantahin mo. Iyong bago!" hirit ko. "E, sa makaluma ang mga gusto ko. Doon may hugot. Sagad sa buto 'yong mga lyrics. E, 'yong mga kanta ngayon halos wala ng mga meaning. Parang puro sigaw na lang" "Kailangan pa ba talagang may ganoon? Iyong may hugot? Hindi ba pwedeng kumanta na lang?" "Siyempre naman lalo na kapag inlove ka!" Napa-"waaaah" na lang ako sa kanyang sinabi. Hindi ko inaasahan na ganoon ang isasagot niya sa akin. Kaya, "Ibig sabihin inlove ka?" tudyo ko. Siya nama'y napapakamot sa kanyang ulo. Napayuko. Parang nahiya ba sa kanyang sinabi na maging siya, hindi inaaasahang iyon ang lalabas sa kanyang bibig. "Natural lang naman sa atin ang mainlove diba. Sino bang hindi?" Wika niya. "Ikaw ba, naranasan mo ng mainlove?" Naloko na. Bakit dumako na sa lovelife ang aming usapan? "Ako?" Tinuro ko ang aking sarili. "Hindi, iyang punong manga sa likod mo. Siyempre ikaw. Tayo lang kaya ang nandito!" nang-iinis niyang tinuran. "Hindi ko alam" Sagot ko. "Bakit hindi mo alam?" tanong niya ulit. Ngayon ko lang nalaman na mahiling makipagbangkaan pala itong si Makoy taliwas sa pagkakakilala ko sa kanya nang una na tahimik lang at alof. Iyon bang parang may sariling mundo. "May amnesia nga ako diba? Wala akong maalala kung ako ba ay nainlove na!" Pagdadahilan ko. Hindi ko naman kasi pwedeng sabihing OO dahil alam kong magtatanong ulit siya kung sino at baka madulas pa ako at masabi kong sa lalaki ako na-inlove at hindi sa babae. Wala pa naman akong balak na mag-out sa kanila. "Kunsabagay" ang pagsang-ayon naman niya. At sinimulan na niyang tipain ang gitara at sa tunog pa lang nito, alam kong isang kabaduyang kanta na naman ang kanyang kakantahin. Parang gusto ko tuloy sabihin na, "Wala na bang iba?" Pero sinarili ko na lang baka kasi mapikon siya sa akin. At kinanta niya ulit iyong kantang kinanta niya kaninang umaga. Naisip kong ano kayang mayroon sa kantang iyon na kung bakit iyon ang pabalik-balik niyang kantahin. HINDI KO NA SANA PINAGMASDAN ANG IYONG GANDA AT HINDI NARIN PINANSIN PA BAWAT NGITI MONG GAYUMA Aba at sa akin pa talaga siya nakatingin ha. Iyon bang parang ako iyong pinaghahandugan niya ng kanta. Kaso hindi ako makasakay sa kanta eh. Hindi ko talaga feel. Kung "Chandelier" pa iyon, naku uunahan ko na siyang bumirit. Ngunit laking gulat ko naman nang bigla siyang tumigil sa pagkanta at nagtanong ng, "Ano ba ang katangian na gusto mo sa taong mamahalin mo, Ric?" Nasamid naman ako sa tanong niyang iyon. Hindi ko naman kasi inaasahan na sa dami ng pwedeng itanong iyon pa talaga. Ano to programang BOTTOMLINE lang ni Boy Abunda? o kaya'y TONIGHT WITH ARNOLD CLAVIO? "Siyempre dapat iyong mahal ako. Maganda. Sexy at mayaman!" Ang sabi ko sa kanya. Totoo naman talaga na ang taong gusto ko ay dapat iyong mahal ako maliban na lang sa binanggit kong sexy at maganda. Siyempre, hindi iyon totoo. Alangan namang sabihin ko sa kanyang gwapo at macho e di buking ako? At nakita kong parang aalma siya sa aking sinabi kaya inunahan ko na. "Opps, 'wag ka ng kumontra pa. Lahat tayo ay may kanya-kanyang batayan sa pagpili ng ating gustong makasama. Marahil masyado akong particular sa panlabas na katangian, e sa iyon ang pamantayan ko" "Hindi naman sa kumontra ako pero diba mas masaya kung ang taong maging kabiyak mo ay iyong handang dumamay sa'yo sa hirap at ginhawa? Ang pera, madaling gastusin at nauubos pero hindi ang tunay na pagmamahal. Nanatili iyan sa puso. Ang kagandahan, lumilipas. Paano kung mangulubot na kayong pareho, uugod-ugod at napanot na, mawawala narin ba ang matamis na pagtitinginan ninyo sa isa't isa? Diba dapat mahalin mo ang isang tao dahil sa kung ano siya at hindi iyong kung anong mayrooon siya. Maganda nga at mayaman ang kabiyak mo pero nakakasiguro ka bang ikaw lang ang taong nagmamay-ari sa kanya?" "Oo naman, kabiyak ko na siya diba? Hindi naman siguro siya pakakasal sa akin kung hindi niya ako mahal at hindi niya kayang magpaka-faithfull sa akin!" bulalas ko. Pero ang totoo niyan, aminado akong may punto ang mga sinabi niya. Bagama't babae ang pinag-uusapan namin pero si Chad ang nasa isip ko. Gwapo nga siya, may mataas na pinag-aralan at may sinasabi pa sa buhay. Nasa kanya na ang lahat ng katangiang pinapangarap ko sa taong gusto ko pero hindi siya naging tapat sa akin. Hindi lang pala ako ang nagmamay-ari sa kanya. Tama si Makoy. Pero paano ko kukumbinsihin ang aking sarili sa ganoong paniniwala? Katahimikan Maya-maya lang ipinagpatuloy na niya ang pagkanta at sa akin ulit siya nakakatitig na para bang nasa mukha ko nakasulat ang mga titik ng kanta. At wala akong nagawa kundi ang magkunwaring nakikinig sa kanya. Wala din naman akong ibang pagpipilian. ANO ANG GAGAWIN SA UTOS NG DAMDAMIN PARA BANG HANGIN NA KAYHIRAP PIGILIN SANAY UNAWAIN ANG PUSONG SAYO'Y BALIW NAIS KONG--------- Bigla naman siyang natigil s apagkanta nang dumating si Jayson. "Kuya Makoy, andito si Carol. Hinahanap ka niya!" "Hi Makoy. Ang ganda talaga ng boses mo. Nakaka-inlove. Nasa malayo pa ako dinig na dinig ko na ang super lamig mong boses" sabi ng babae na halos mamatay na sa sobrang kilig. May bibit itong tupperware. Hindi naman kagandahan si Carol. Pero hindi rin naman pangit. Kung ikukumpara siya sa ibang mga babaeng taga-nayon, masasabi kong nakakaangat siya dahil marunong siyang magdala sa kanyang sarili. Sabay sa uso na rin ang pananamit niya. Hindi gaya ng iba na napaka-oldfashioned. Naka-ponytail ang mahaba niyang buhok. Sleeveless ang suot niyang damit at nakashort ng napakaigsi. Bagay din naman sa kanya dahil makinis ang morena niyang balat. Pero sa tingin ko, base sa kanyang kilos at pananalita may pagkahaliparot ang babaeng ito. Mark my word. "Uy, may kasama ka pala" bulalas niya nang mapansin ako. "Si Jeric, pinsan ko" pakilala ni Makoy. Ngumiti naman ako bilang pagbati. Gumanti naman siya at baling muli kay Makoy. "Hinahanap mo daw ako, bakit ba?" Si Makoy. "Nalimutan mo na? Diba sabi mo sa akin noong nakaraang araw tuturuan mo akong maggitara ngayon. Heto oh, may dala pa nga akong minatamis na saging para sa ating meryenda" Agad nitong binuksan ang bitbit na tupperware at ipinatong niya iyon sa ibabaw ng mesang nasa pagitan namin. "Ah, Oo nga, muntik ko ng makalimutan. Ano bang kanta ang gusto mong pag-aralang tipain?" Ang narinig ko namang tugon ni Makoy. "Umm, iyong mga paborito mo, Mak. Iyon ang gusto kong ituro mo sa akin!" Ang sagot naman ni Carol. "Kayo na. Hari at reyna ng kabaduyan. Pakisali narin ng "MY WAY" sa tingin ko mas bagay sa inyo iyon!" piping usal ko. Ewan ko ba kung bakit bigla na lamang akong naiinis sa Carol na iyon lalo na nang makita kong kinabig nito ang bisig ni Makoy. At lalo pang nadagdagan ang inis ko nang nagsimula nang turuan ni Makoy si Carol kung paano ang wastong pagkaskas ng gitara. Paano ba naman, halos yayakapin na siya ni Makoy habang ipinupwesto nito ang kanyang daliri sa tamang keys. Kung titingnan sila sa malayo para silang magsyotang naghaharutan. Dagdagan pa ng mga malalanding hiyaw ng babae kaya umalis ako sa aming kinaroroonan at lumipat ng ibang mauupuan doon sa kabilang puno ng manga. Sumunod din naman sa akin si Jayson. May dala itong minatamis na saging na nakalagay sa platito na pasalubong ni Carol. "Gusto mo!" yakag niya sa akin. "Hindi ako kumakain niyan!" tanggi ko. Hindi naman sa ayaw ko iyong pagkain pero dahil sa dala iyon ni Carol na kinaiisan ko ay parang hindi ko iyon malulunok. Nadamay lang iyong pagkain. "Iyan ba ang girlfriend ni Makoy?" wala sa sarili kong tanong kay Jayson habang nakatingin sa kinaroroonan nina Makoy at Carol na naggigitara. Nasa tapat lang kasi namin sila kaya kitang-kita ko ang kanilang mga galaw na parang lalanggamin na sa sobrang sweet. "Hindi, magkaibigan lang sila. Si Carol kasi ang anak ng may-ari ng pinagtatrabahuang karnehan ni Kuya si palengke!" imporma niya. "Mukha kasi silang mag-jowa kung titingnan" ang sabi ko naman. "Malambing lang talaga iyang si Carol. Mula noong maghiwalay si Kuya at ang dati niyang nobya ay hindi na ulit siya nagka-girlfriend" "Anong nangyari? Bakit sila nagkahiwalay?" bulalas ko. Nagkainteres akong bigla sa lovelife ni Makoy. Parang naging isang instant celebrity siya sa akin at ako naman iyong paparazzi niya. "Napakaambisyosa kasi ng babaeng iyon. Lahat ng gusto dapat nasusunod. Heto namang si Kuya patay na patay doon kaya pinilit niyang maibigay ang mga luho nito, ini-spoiled ba naman. Kung may hindi naibibigay si Kuya na gusto niya, inaaway niya ito. Nagtatampo. Pero sa huli iniwan din niya si Kuya dahil nakatagpo siya ng lalaking may edad na ngunit mayaman na handang ibigay ang gusto niya!" "Saklap naman" ang nasambit ko. Bigla akong nakaramdam ng awa kay Makoy. Parang nakikita ko kasi sa kanya ang aking sarili na nagmahal ng tapat ngunit binalewala at ang masaklap ipinagpalit sa iba. Hindi ko inakala na may mapait na palang karanasan sa pag-ibig si Makoy. Hanggang sa ako ay mahiga na hindi parin mawaglit ng aking isip ang mga nalaman ko tungkol sa kanya. Parang nakaramdam ako ng awa rito. Ang sakit kaya nun. Ibinuhos mo na lahat ang pagmamahal mo doon sa tao pati na mga materyal na bagay pero ipinagpalit ka parin. Naalala ko ang gabing minsan na nakita ko si Makoy nakaupo sa ilalim ng mangga hinahalik-halikan ang isang litrato at iyon marahil ang babaeng tinutukoy ni Jayson. At maaring hanggang sa panahon ngayon hindi parin tuluyang nakapagmove-on si Makoy. Kaya siguro ganoon na lamang ang pakikipaglapit niya kay Carol para kahit papaano makalimot na siya ng tuluyan. Ganoon na man talaga ang mga lalaki e, kung babae ang sanhi ng sakit na kanilang nadarama, babae rin ang siyang makakagamot rito. Pero may parte ng aking utak na nagsasabing kung si Carol na rin lang, huwag na. Mukha kasing nanamantala lang ito sa sitwasyon. Sa tingin ko hindi rin siya mapagkatiwalaan. At ewan ko ba parang hindi ko mapigilan ang aking isip sa pang-iintriga. "Bakit gising ka pa Jeric, may problema ba?" Untag sa akin ni Jayson, napansin siguro niya na pabaling-baling ako sa aking higaan. Hindi mapakali. "Wala na man Jayson. Marami lang akong iniisip!" Sagot ko. "Ganyan talaga kapag maraming bumabagabag sa'yo. Gusto mo imasahe ko ulo mo?!" Hindi paman ako naka-oo ay agad na siyang bumangon at tinungo ng kanyang mga kamay ang aking ulo at marahan iyong minasahe. Masasabi kong isa sa mga dahilan kung bakit napalapit ang loob ko kay Jayson ay ang kabaitang ipinapakita niya. Parang kapatid na rin ang turing niya sa akin. Alam niya kung ano ang nasa loob ko. Nandiyan siya palagi kapag may kailangan ako. Hindi pa man ako nakapagsabi niyan ay alam na niya kung ano ang kailangan ko. Noong aso't pusa pa kami ni Makoy, sa akin siya laging kumakampi. Minsan pa nga nagkagalit sila ni Makoy kesyu daw bakit ako ang lagi niyang kinakampihan gayung hindi pa naman daw niya ako lubos na kilala. Na sinagot naman ni Jayson ng, "Wala na man sa kilala o hindi mo iyong tao kuya e. Pinapanigan ko lang kung ano ang tama. Sa tingin ko naman, hindi na makatarungan ang kasungitan mo sa kanya kaya hindi ko iyon makukunsinte!" At ayun, nagwalk-out ang lolo nyo. Umiwas marahil dahil napahiya. Ako naman labis ang saya na nadarama na nakahanap ako ng tunay na kaibigan na handa akong ipaglaban. "Jayson, may alam ka bang trabaho na pwede kong pasukan?" ang tanong ko sa kanya habang minamsahe niya ang aking noo. Nakahiga ako sa kanyang kandungan. "Bakit? Magtatrabaho ka!" Bulalas niya. "S-sana. Para naman may maiambag ako dito sa bahay. Nahihiya na din kasi ako. Alam kong sapat lang sa inyong tatlo ang kinikita ni Makoy sa palengke at ang kita ni Nanay Bebeng mula sa mga panindang kakanin" "Hindi ka naman namin inobliga na magtrabaho ah. Saka mag-tatrabho na din ako bukas sa palengke kaya makakaluwag na tayo!" "May mga pangangailangan din kasi akong personal. Nakakahiya naman kong pati iyon iasa ko pa sa inyo!" "Wala namang problema sa amin iyan e. Diba magkapamilya na tayo?" "Yun na nga e, magkapamilya na tayo. Diba ang magkapamilya nagtutulungan? Gusto ko lang makatulong, Jayson. At malay natin, habang nasa palengke ako may taong makakakilala sa akin na maaring giya ko na makauwi sa amin!" Pagpupumilt ko pa. At iyon na nga kinabukasan habang nag-aalmusal kami agad na sinabihan ni Jayson si Nanay Bebeng at Makoy tungkol sa aking plano. Katulad sa naging reaksiyon ni Jayson, hindi sumang-ayon si Nanay Bebeng. Si Makoy naman ay medyo nagulat din pero wala naman akong narinig mula sa kanya. Nagpatuloy lang ito sa pagkain. At wala na silang nagawa kundi ang sang-ayunan ako. "Makoy, gusto raw magtrabaho nitong si Jeric baka pwedeng tulongan mo siya!" Baling ni Nanay Bebeng kay Makoy. "W-wala pong problema Nay. Tamang-tama umalis na 'yong isa naming kasamahan sa palengke at kailangan namin ng magiging kapalit niya. Si Jayson sana iyon pero nauna na siyang kuhanin ni Carol na maging tauhan sa sari-sari store nila. Pero ang inalala ko lang kung kakayanin ba ni Jeric ang trabaho" sagot naman ni Makoy. "B-bakit naman hindi. Magtitinda lang naman diba?" ang pagsingit ko. "Oo pero bukod doon kailangan mo ring tumulong sa paghakot ng mga karne na idi-deliver mula sa s*******r. Marami-rami din iyon saka mabigat. Kakayanin mo ba?" "Kakayanin ko lahat Makoy. Mula ngayon sasanayin ko na ang aking sarili sa mga ganoong gawain. Diba ikaw na rin ang nagsabi na kailangan kong makibagay sa inyo, na kailangan kong kumayod para magkapera?!" "Okey. Kain ka na. Isasama na kita ngayon sa palengke. Kayo ni Jayson" ang sabi niya lang sabay lagay ng pritong itlog sa aking pinggan. Aba naging sweet bigla. Unang beses niya iyong ginawa sa akin at ewan ko ba para akong kinilig. Parang "Wow ha". Kadalasan kasi si Jayson ang gumagawa noon sa akin na bagamat nasiyahan ako wala akong naramdamang kilig factor. Hindi gaya ng sa kanya na parang heaven sa feeling. Pagkatapos naming kumain, nagtungo na kaming tatlo sa sentro ng bayan na kung saan naroon ang palengke na aming pagtrabahuan. May limang kilometro rin ang layo nito mula sa bahay. Masasabi kong hindi pa nagawi roon ang kaunlaran sapagkat halata naman sa lubak-lubak nitong daan na kapag tag-ulan ay abot daw hanggang sa tuhod ang lalim ng putik. Mangilan-ngilan lang rin ang mga trike na pumapasada. Hindi pa rin naabot ng kuryente ang baranggay na kinaroroonan ng bahay nina Makoy kaya halos lahat ng mga bahay doon ay gasera pa rin ang gamit. Petromax naman sa mga may kaya. Nang makarating kami sa palengke ng bayan, inihatid na muna namin si Jayson sa sari-sari store na kanyang pagtatrabuan. Nasa bungad lang kasi iyon ng palengke. Pagkatapos noon ay pumasok na kami sa loob na kung saan naroon ang meat section. Medyo may kalakihan rin ang palengke. Nahahati ito sa apat na bahagi. Una ay ang mga nakahilerang mga tindahan sa tabi ng kalsada. Doon nakapwesto ang mga sari-sari store, karenderya, bigasan at may nakita din akong bakeshoppe at isang salon. Bongga ang bayan nila ha may salon na. Kaya pala napaka-straight na ng buhok ni Carol. Siguro linggo-linggo itong nagpapa-rebond doon. Pangalawa ay ang mga gulayan. At ang sumunod doon iyon na ang meat at fish section na magkatabi lang. Kabubukas pa lang ng meat section ng makarating kami ni Makoy. At nakita kong napako lahat ang paningin ng mga taong nandoon sa akin na para bang nakakita ng artista. First time ba nilang makakita ng katulad kong may makinis at maputing balat? Gwapo na at hayop sa tindig at porma? Hindi pa ako niyan nagdamit ng maayos pero parang luluwa na ang kanilang mga mata sa katitig sa akin. "Sir, ilang kilo ho ang sa inyo. Bibigyan ko ho kayo ng discount pampabuena-mano?" Pagpapansin kaagad ng isang baklang tindero rin ng karne na nasa tapat lang ng pwesto namin. "Hindi siya bibili. Pinsan ko siya at siya ang bagong kapalit ni Isko!" Ang pagsingit din naman ni Makoy habang iniisa-isang inilatag ang mga nahiwang karne. "P-pinsan mo siya Makoy?" bulalas ng bakla. Naglikha iyon ng mga bulong-bulungan ng mga iilang nandoong mga babae at bakla. Namilog pa ang mga mata nitong titig na titig pa rin sa akin. "Napakagwapo naman niyan para maging tindero. Tiyak biggest threat iyan dahil natitiyak kong malakas ang hatak niyan sa mga kustomer. Pero ayos lang atleast may magandang tanawin akong makikita sa araw-araw. I think I'm inspired!" Dagdag pa ng bakla na nagbi-beautiful eyes pa. "Bumalik ka nga doon sa pwesto mo. Mamaya tinangay na ng aso ang mga paninda mo!" sawata naman ni Makoy. "Eto naman oh. Naungusan lang ang kapogian e kumulo na agad ang dugo!" Sagot naman ng bakla. "Ano bang pangalan mo pogi?" baling nito sa akin. "Jeric!" tipid kong sagot.  "Ako nga pala si Kristine ang reyna dito sa palengke!" "Sige na bumalik ka na doon sa pwesto mo. May Kristine-Kristine ka pang nalalaman diyan, Krisanto!" pagtataboy ni Makoy kay Kristine. "Lakas lang makabuking mo, Papa Makoy ha. Hmmmppp! Makabalik na nga lang!" At nagdadabog na itong tumalikod. "Jeric sabay tayo mamaya mag-meryenda ha. Libre kita!" ang sabi nito nang makarating sa kanyang pwesto. Napangisi na lang ako kay Kristine. Paano kaya kapag nalaman niya na ako na hinahangaan niya ay katulad rin niya ng dugo, na sa lalaki rin nagkakagusto. Ewan. Nagsimula ng mag-orient sa akin si Makoy sa aking mga gagawin. Tinuruan rin niya ako sa tamang paghiwa ng karne. Minsan daw kaw kasi may mga kustomer na nagpapahiwa ng kanilang nabili. Kagaya ng pansigang, adobo, porkchop at ang pinakamahirap ay ang pangbarbecue. Dapat kasi manipis ang pagkakahiwa nito at kailangang maging maingat dahil napakatalas ng kutsilyong gagamitin. Pinakabisado rin niya sa akin ang kilo ng bawat karne ng baboy. Bawat bahagi kasi ay magkaiba ang presyo. Iba rin ang sa laman loob na ginagawang bopis at dinuguan. Nasaulo ko din naman lahat. Hindi rin ako nahirapan sa timbangan dahil digital na ang kanilang ginagamit. Doon lang ako nangangapa sa paghiwa. Medyo takot kasi ako sa itak na ginagamit na bukod sa may kabigatan napakatalas pa. Pero sabi naman ni Makoy huwag lang daw akong mag-aalala dahil siya na ang bahalang maghiwa sa mga hindi ko pa kaya lalo na sa parteng may buto. Ang pagtuunan ko lang daw muna ng pansin ay ang pag-aasikaso sa mga kustomer. At pagmomonitor ng mga display. Maya-maya lang may paisa-isa ng kustomer na dumadagsa. Siyempre todo asikaso naman ako sa kanilang gustong bilhin. At tulad ng inaasahan, may humiling na hiwain 'yong kanyang nabiling laman na pang-abodo. Si Makoy muna ang gumawa para raw makita kung paano ang tamang paghiwa. Matapos noon, may dumating na delivery kaya iniwan ako ni Makoy sa pwesto upang hakutin ang mga buo-buo pang karne na nasa crits. Nang makabalik siya pasan na niya ang halos isang buo pang baboy na kakatay lang. Medyo may dugo pa nga ito na dumikit sa kanyang damit. Sa tantiya ko nasa 50 kilos din ang kabuuang timbang noon pero parang easy lang kay Makoy na kargahin iyon. Kaya siguro naging ganoon kaganda ang hubog ng kanyang katawan dahil sa pagbubuhat ng mabibigat na mga karne idini-deliver. Matapos niya iyong hatiin sa iba't ibang parte ay dumating si Carol. Pinakiusapan nito si Makoy na tumulong sa pagdiskarga ng mga mga kararating lang na mga sako-sakong bigas sa kanilang sari-sari store. Tumalima din naman agad si Makoy at sabay na silang nagtungo roon ni Carol at ang bruha may nalalaman pang pakapit-kapit sa isang braso ni Makoy na para bang ipinangalandakan na boyfriend niya iyong tao. Ewan ko ba bigla na lamang kumulo ang dugo ko habang nakatingin sa kanila. Kaysarap lang kulutin ang napakastraight nitong buhok na may split ends sa dulo. Nang ako na lang ang naiwan sa pwesto, doon nagsimula ang aking kalbaryo. Paano kasi pinalibutan na ako ng maraming kustomer na akala ko pa naman bibili silang lahat iyon pala gusto lang akong masilayan. Kulang na lang may iaabot sa aking ballpen at papel para magpa-authograph. Nakaalis na ang mga mamimili pero hindi pa rin ako makarelaks. Aayusin ko na naman kasi ang mga paninda na animoy nadaanan ng bagyo. Habang ginagawa ko naman iyon ay may dumating na isang kustomer na saksakan ng kaartehan. "Kuya, pabili nga nitong pork belly tatlong kilo at pakitanggal narin iyong mga natirang balahibo" nakapameyang nitong sabi sa akin. "E miss, wala namang balahibo e!" Sagot ko "Meron 'yan. Tingnan mong mabuti. Anong silbi ng mga mata mo!" Bulyaw nito. Kung iyang mga pilik-mata ko kaya ang tatanggalin ko! Siyempre sa isip ko lang iyon. Sobrang inis na kasi ako sa kanya. Kung makautos parang sinong mayaman, e mas mayaman pa ako sa kanya. "Ah, dagdagan mo pala ng dalawang kilo iyan. Tsaka, paki-slice na rin, iyong pang-adobo ha, dapat pantay ang pagkakahiwa. Saka tatlong kilo niyang laman. Pakihiwa narin ng manipis, pang barbecue kasi iyan. O siya, alis na muna ako, may bibilhin lang ako. Babalik ako ng 30 minutes, at dapat tapos na 'yan lahat" "Ano? 30 minutes?" Nagulantang ako sa sinabi niya. Anong akala niya sa akin robot? At sa isang iglap magagawa lahat ng iniutos niya? Sa paghiwa pa lang ng pang-adobo e aabutin na ako ng tatlumpong minuto. "Bakit may reklamo ka? Sabihin mo lang kung hindi mo kaya dahil sa iba na lang ako bibili" mataray nitong sabi. At dahil gusto ko ring makabenta kaya, "Wala na man, sige balikan n'yo na lang mamaya" ang pagtitimpi ko. Kung nagkataong hindi iyon kustomer baka nilaslas ko narin ang bilbil nito sa tiyan at isama doon sa karneng pinahiwa niya sa aking pang-adobo. Hindi ko na alam kong ano ang aking uunahin dahil nagsimula ng dumagsa ang mga mamimili at heto tinatapos ko pa iyong pinagawa sa akin ng babaeng dambuhala. Siyempre kailangan ko munang ihinto ang aking ginagawa para asikasuhin ang ibang kustomer. Salubong na ang aking mga kilay habang inaabot ang pinamaili nila. Naisip ko kasi naa bakit hindi na lang sila sa iba bumili dahil nakita naman nilang abalang-abala ako sa aking ginagawa. Nakakabuwesit na. Maya-maya lang dumating na 'yong babae. "Saan na, tapos na ba? Magkano lahat?" tanong nito. "H-hindi pa ho tapos e!" sagot ko naman habang pinagpatuloy ang paghihiwa ng pang-adobo. "Anong hindi pa tapos? Jusme, kanina pa 'yan ah. At ano yan, sa pang-adobo ka pa lang? Magkaka-highblood ako sa'yo!" pagtatalak nito. "B-bilisan mo, napakabagal mo eh!" Biglang nagpanting ang tainga ko sa sinabi niya. Nagsimulang umakyat ang dugo ko sa ulo. Kung makapang-utos para bang siya iyong nagpapakain sa akin. "Marami kasing namili, e at tulad mo kustomer rin sila na kailangan kong asikasuhin" Hindi na ako nakapagpigil at nasigawan ko na siya sa sobrang inis ko. "Kahit na. Ako ang nauna kaya ako ang dapat mong asikasuhin. Magbabayad naman ako. Ano gusto mo ihambalos ko itong pera sa mukha mo. Sayang ka e, ang gwapo mo pero ang kupad mong kumilos daig mo pa ang isang babae!" pagtatalak ulit niya. At doon na tuluyang nawala ang pagtitimpi ko sa kanya. Wala na akong pakialam kung kustomer siya. Nasa palengke kami at wala sa mall o fine dining restaurant kaya hindi uso dito ang 'Customer is always right'. Higit sa lahat ayokong ikinukumpara sa isang babae. Nakakinsulto sa akin iyon. Kaya itinaga ko nang napakalakas ang hawak kong malaking kutsilyo sa tapalan na gawa sa kahoy. Naglikha iyon ng ingay kaya biglang napalingon sa aking pwesto ang mga taong nandoon. Pati na ang ibang tindero at mga tindera. "Pakialam ko sa pera mo, tabachoy ka! Hindi ka ba nakakaintinding nabusy ako kaya hindi ko kaagad natapos ang pinagawa mo? Kita mo bang nag-iisa lang ako dito. E, kung ikaw kaya ang maghiwa ng mga 'yan in 30 minutes kaya mo?" Sigaw ko. Naglikha naman iyon ng mga bulong-bulungan sa paligid. "B-bastos ka. Hindi ka na nahiya. Kustomer mo ako. Wala kang utang na loob na kung hindi dahil sa akin wala kayong kakainin!" "Excuse me!" Itinaas ko pa ang isa kong kilay. "..hindi ka kawalan. Kahit hindi mo pa bayaran ang mga iyan ayos lang. Hindi lang naman ikaw ang kustomer dito, marami pa kaya huwag na huwag mong sabihing na kung hindi dahil sa'yo wala akong kakainin!" Palaban kong tinuran at doon na pumutok sa sobrang galit ang babae. Bigla nitong dinampot ang pige ng baboy na nakadisplay sa aming harapan at inihambalos niya iyon sa akin. Masyadong napakabilis ng pangyayari kaya napapikit na lang ako at inasahan na ang pagdapo ng pige sa aking mukha. Ngunit laking gulat kong hindi iyon tumama sa akin. Nang nagmulat ako, nakita kong sinangga iyon ni Makoy at hawak na nito ang piraso ng pige na ipanghahambalos sana sa akin ng babae.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD