"A-Ano bang nangyari dito? Tanong ni Makoy sabay balik sa hawak nitong pige kung saan ito nakadisplay.
"Iyan, iyang kasama mo ang tanungin mo!" Sabay turo sa akin ng babae.
Tiningnan ako ni Makoy. Hindi ako sumagot. Bumaling din naman siya agad sa babae na noo'y nagtatalak na naman at hindi alintana ang mga taong nakatingin na sa amin. Napakapalengkera talaga ng bunganga. Sarap pasakan ng laman loob ng baboy.
"Sinabihan ko lang naman 'yan e, kung bakit hindi niya natapos ang mga pinagawa ko aba'y nagalit na at pinintasan ako...!" sumbong nito. "...Nabili ko na lahat ng pinamili ko hanggang bumalik na lang ako dito aba'y hindi parin niya natapos. Ang bagal kumilos!"
"Na-busy nga ako dahil sa pagdagsa ng ibang mamimili kanina, bingi lang?" Bulyaw ko dito kaya biglang napalingon sa akin si Makoy at pinandilatan ako. Ipinapahiwatig nitong tumahimik na lang para hindi na lumaki pa ang gulo.
"Ganon ho ba? Ano pa bang pinakiusap niyong gawin?" Ang mahinanong wika ni Makoy. Nakuha pa nitong ngumiti sa bruhang babae.
"Dalawang kilo ng laman tapos, pinahiwa ko ng pang-adobo. At nagdagdag ako ng tatlong kilo pang barbecue, iyong manipis ang pagkakahiwa. Tsaka, tatlong kilo ng pork belly" salaysay naman ng babae.
"Sige ho saglit lang to. Pagpasensyahan na ninyo itong kasama ko, bago pa lang kasi siya dito e, kaya hindi pa siya ganoon kabilis at kakabisado sa mga gawain dito. Maupo na muna kayo"
Inabutan ni Makoy ng upuang plastic ang babae. Pagkaupo nito, pinukulan niya ako ng isang tingin, iyong tinging nagmamayabang. Sinimangutan ko lang siya.
"Ayusin mo yan ha! Tsaka pakibilisan, darating na kasi iyong kapatid kong babae kasama ang asawa niyang Amerikano. Dapat mailuto ko na 'yan lahat bago sila dumating"
Shit! Yabang! Kung makaasta akala monsiya na iyong asawa ng Kano!
Sa isip ko habang nagrerefill ng mga panindang karne.
Patuloy lang sa pakikipagkwentuhan si Makoy sa babae para siguro hindi ito mainip dahil baka magtatalak na naman. Medyo natawa pa ako dahil ang iba doon obvious namang pambobola na. Nakinig lang ako sa takbo ng kanilang usapan.
"Nakakatanda ho ba ninyong kapatid iyon o mas nakakabata po sa inyo?" Si Makoy, tinutukoy nito ang kapatid ng babae na nakapag-asawa ng Kano.
"Bunso namin iyon. Maganda at sexy iyon kaya patay na patay sa kanya iyong Amerikano!" pagbibida nito sa kapatid.
"Halata naman, kasi maganda si ate kaya ganoon din si bunso!"
"Ui grabe ka kuya ah, hindi naman masyado" turan naman ng babae na kinikilig pa. Nakuha pa nitong dukutin sa bag ang maliit na salamin at inaaninag niya doon ang sarili. Iwinasiwas pa nito ang buhok na para bang model ng shampoo.
"Eww! Hindi kahabaan ang hair mo bruha ka kaya huwag mo masyadong i-feel!" Sigaw ng aking utak.
Ganoon ang takbo ng kanilang usapan noong umalis ako para kumain ng pananghalian sa malapit na karenderya. Hindi ko na kasi kinaya ang pagmamaganda noong babae sa walang habas na pambobola ni Makoy.
Infairness din naman kay Makoy, magaling siyang mag-handle ng kustomer. Alam na alam niya kung paano hulihin ang kiliti nito. Nagagawan niya ng paraan kung paano pahupain ang napakatensiyonadong sitwasyon gaya na lamang nung kanina.
Habang kumakain ako, hindi ko namalayan ang paglapit ni Kristine, iyong baklang tindero ring nasa tapat ng aming pwesto. Dala niya ang kanyang inorder na pagkain at naki-share ng mesa sa akin. .
"Ui pogi, bilib talaga ako sa'yo" sabi niya
"Bilib saan?" tanong ko naman.
"Sa pagpatol mo roon sa matabang babae kaninang gandang-ganda sa sarili. Alam mo suki na iyan diyan sa karnehan kaso walang may gustong mag-entertain kasi napakasungit at napakayabang. Akala mo kung sinong mayaman. Sino-sino na lang ang kanyang napagdiskitahan. At nagkataong kanina ikaw naman ay kanyang napagtripan"
"Malas lang niya dahil may makakatapat na siya. Hindi naman na kustomer siya ay siya na palagi ang tama. Isa kasi sa pinakaayaw ko iyong minamaliit ang pagkatao ko kaya wala akong balak na paaapi sa kanya"
"Ikaw na talaga pogi. At dahil diyan ako na ang magbabayad ng kinain mo" Wika ni Kristine. At siyempre para makatipid.
"Salamat ah!" ang sabi ko.
"Maliit na bagay" tugon naman niya sabay kindat.
Sinuklian ko rin siya ng nakakabighani kong ngiti kaya hayun parang idinuduyan ang lola niyo sa langit.
Matapos naming kumain ay tumungo na agad kami sa kanya-kanya naming pwesto. Inilingkis pa niya ang kanyang mga kamay sa isa kong braso. Ramdam kong tsinatsansingan niya ako pero ayos lang naman iyon basta hindi lang siya magbelow-the-belt sa akin dahil talagang tatamaan siya. Iniinggit niya ang ibang mga baklang tindero rin doon sa palengke habang nakatitig sa amin.
"Haba ng hair ni Kristanto abot hanggang Maynila!" Kuminto ng isang bakla.
"Hoy pogi huwag kang pumatol diyan, was datung iyan!" Sabi naman ng isa pa.
"Ilang kalabaw ba ang naisanla mo diyan, Kristine maangkin lang iyang boylet mo?" Dagdag naman ng isa pa na siyang ikinangisi ko.
"Tse, magsitigil nga kayo. Friend lang kami dahil hindi ko pa naman siya sinasagot. Tingin nyo sa akin, easy to get?" bulyaw naman ni Kristine. At nagtuloy-tuloy na kami.
"Ba't antagal mo?" bungad kaagad sa amin ni Makoy nang dumating kami. Hindi ko alam kung bakit biglang kumunot ang noo niya nang makitang nangunyapit si Kristine sa isa kong braso. Iyon bang parang nakita mo ang taong crush na crush mo na may kasamang iba. Ewan lang ha, pero parang nagseselos siya.
"OA mo naman, Makoy. Wala pa ngang isang oras nang umalis kami, matagal na agad? Kaloka ka ha"
Inirapan siya ni Kristine sabay bitiw sa aking braso. "Mamaya ulit Jeric ah, sabay tayo magmeryenda!" ang bilin naman nito bago tumalikod.
"Close na kayo ano?" ang tanong kaagad ni Makoy nang makaalis si Kristine.
"Anong masama roon. Nakipagkaibigan lang naman iyong tao!" Sagot ko.
"Nakikipagkaibigan lang naman ang mga iyan dahil may motibo sila sa'yo!"
"Motibo? Anong motibo?"
"Iyong katulad ngayon, kunwari ililibre ka ng pagkain tapos magyayaya na iyan ng inuman at kapag nalasing ka na, hayun, alam mo na"
Hindi ko maiwasang hindi matawa sa sinabi ni Makoy. Sa isip ko, "Aba may alam" Sa pagkakaalam ko, iyon kasi ang istilo ng ibang bakla para maisakatuparan ang motibo nila sa lalaking natipuhan.
"Paano mo nasabi iyan, may experience ka na ba sa mga bakla?" natatawa kong tanong sa kanya.
"Ako?" turo niya sa sarili niya. Namilog pa ang mga mata.
"Hindi. Iyang kutsilyong hawak mo, siyempre ikaw!"
"W-wala. Subukan lang nila, bugbog ang aabutin nila sa akin!"
At ibinida pa talaga niya ang malaking kamao sa harap ko. Kung ganoon pala, kung sakaling aatakehin ako ng libog at si Makoy ang mapagtripan ko, tiyak bugbog ang aabutin ko. Pero Sakali lang naman iyon, wala din naman akong balak gawin ang bagay na iyon sa kanya. Hindi ko siya type.
"May galit ka ba sa mga bakla?" Pagpapatuloy ko sa topic naming iyon. Siya na rin lang ang nagpasimula, e di ituloy-tuloy ko na para na rin may mapag-usapan. Iwas antok kumbaga.
"Hindi naman sa galit. Ayoko ko lang iyong makipaglapit sila sa atin dahil may iba silang motibo. Kung gusto nilang makipagkaibigan, okey maging mabuti akong kaibigan basta ba walang halo iyong pagnanasa"
"Kung ganun ayos lang pala sa iyo ang makipagkaibigan sa kanila?"
"Oo naman. Sa katunayan kaibigan ko din naman ang mga iyan dito. Pero may limitasyon. Kapag lumagpas sila doon masama din akong kaaway"
E, bakit mukhang ayaw mo yatang makipag-close ako kay Kristine? Sa tingin ko mabait naman siya" ang tanong kong saglit niyang ikinatahimik bago nakapagbigay ng tugon.
"Ah, eh!" nag-aapuhap pa ng sasabihin.
"Hindi naman sa ayaw .Ayoko lang na abusuhin ka"
"Anong klaseng abuso?" maang-maangan ko pa kahit alam ko naman ang ibig niyang sabihin. Gusto ko lang kasi siyang pagkatuwaan. Parang nakyu-kyutan lang ako sa kanya kapag ganoong nag-e-explain siya.
"Iyong, aagawan ka ng lakas" Sagot din naman niya.
"Agawan ng lakas? Ano 'yon?"
Pansamantala niyang itinigil ang paghihiwa ng laman ng baboy at tumingin sa akin. "Isusubo iyang sa'yo na parang lollypop. Kuha mo?" nainis niyang tinuran. At doon pumasok ang kapilyuhan sa aking utak.
"Paano kong masarapan ako?" sabay hagalpak ng tawa.
"Ano? Pumapatol ka sa bakla?" Bulalas niya na parang nandidiri.
"Hindi naman sa pumapatol. Pero mas mainam na rin iyon kaysa lagi tayong magsasarili. Atleast may ibang gagawa noon sa atin!" Paliwanag ko.
"Bakla ka ba?"
Nasamid naman ako sa muling tanong niya sa akin. Ewan ko ba kung saan nanggaling iyon. Alam kong ganoon ako ngunit wala akong balak na umamin sa kanya. Baka kasi iyon pa ang magiging dahilan ng pag-iwas niya sa akin. Kahit papaano kaibigan ko narin si Makoy kaya ayokong mangyari iyon kaya, "H-hindi ah!" ang isinagot ko. Tumango siya. At muling itinuon ang atensiyon sa ginagawa.
"Saan naman nanggaling ang tanong na iyan?" tanong ko.
"Ang mga lalaki kasing pumapatol sa bakla ay bakla rin. Dahil kung lalaki ka talaga, bakit ka papatol sa kauri mo. Dapat mandiri ka sa halip na masiyahan!"
"Paano naman iyong ibang mga lalaki na pumapatol sa bakla dahil sa pera, ibig sabihin bading na rin sila?"
"Hindi rin, kasi may dahilan ang pagpatol nila at dahil iyon sa pera kaya nagpapagamit sila. Pero kung ibibigay mo ang iyong sarili ng kusa dahil nasasarapan ka, iyon masasabi kong ganoon ka narin!"
Nagkibit-balikat na lang ako sa kanyang pahayag at hindi na ako nagkuminto pa. Baka kasi magiging personal na ang sumunod noon at maungkat pa ang aking pagkatao. Pwede akong mag-deny pero may guilt iyon sa akin. Kaya ayoko ng ipagpatuloy ang usaping iyon. Nagkunwari na lang akong busy sa paghihiwa ng mga laman na gagawing barbecue. At dahil sa hindi pa ako masyadong marunong, aksidenteng nahiwa ko ang isa kong daliri sa kaliwang kamay. Tumagas ang napakaraming dugo at nahalo pa sa hinihiwa kong karne.
"Aray, nasugatan ako Makoy!" Sigaw ko.
Nanginginig ako sa takot sa nakita kong dugo na tumagas mula sa aking sugat. Dali-dali namang tumalima si Makoy. Hinawakan niya ang kamay kong may sugat at inilublob iyon sa tabong may tubig para siguro matigil ang pagdurugo. Ngunit patuloy pa rin ito sa pagdurugo ng kanyang iangat ang daliri ko sa tabo. Doon na ako natakot nang husto na baka maubusan ako dugo at ikamatay ko pa. Kaya naman,
"Dalhin mo ako sa ospital, Makoy please!" Ang pakiusap ko sa kanya. Napapaiyak na ako dahil nagsisimula na ang paghapdi ng aking sugat. Ramdam ko na rin ang sobrang p*******t.
"Malayo iyan sa bituka kaya hindi na kailangang dalhin ka pa sa ospital. Relaks ka lang" Sambit niya.
"Kinakailangan ba talagang malapit sa bituka ang sugat ng isang tao para dalhin siya sa ospital?" bulyaw ko naman sa kanya.
Ngunit hindi siya sumagot sa halip agad niyang isinubo ang daliri kong may sugat at sinipsip niya ang dugong umaagos rito. Hindi ako nakakilos sa pagkabigla. Hindi ko kasi inaasahan na gagawin niya iyon. Nakakadiri kaya ang sumipsip ng dugo ng iba. Pero siya wala siyang pagdadalawang isip na gawin iyon sa akin.
Ramdam ko ang init ng kanyang bibig habang nasa loob ang aking daliri. Ewan pero parang nasasarapan ako sa kanyang ginagawa. Bagamat mahapdi, nakakaramdam na din ako ng kiliti habang ginagawa niya iyon.
"Galing niyang sumubo ano?" Wika ng isang parte ng aking utak pero hindi ko iyon pinansin. Nasugatan na nga, maglalandi pa.
Iniluwa niya ang mga dugong nasipsip sa tabo. Pagkatapos nakita kong pinunit niya ang laylayan ng kanyang sando para ipantali sa daliri kong nasugatan.
"Ayan, tapos na. Ang liit lang kaya niyan, ipapaospital pa!" Sabi niya.
Hindi na ako sumagot. Tama naman ang sinasabi niya. Masyado lang akong OA sa maliit na sugat na iyon. First time ko din kasing masugatan na may lumabas na ganoon kadaming dugo kaya hindi niya din ako masisisi.
"Bakit may problema ba? Kumikirot ba ang sugat mo?" untag niya sa akin nang mapansing titig na titig ako sa kanyang mukha. Ewan pero pansin kong hindi siya makatitig sa akin ng deritso. Parang tinutupok siya sa titig kong iyon.
"W-wala. Gusto ko lang magpasalamat!" Ang sabi ko. Tumango siya at kapwa na kami nagpatuloy sa aming kanya-kanyang ginagawa pero palihim ko pa rin siyang tinititigan. Parang nagkainteres ako bigla sa kanya nang hindi ko alam. Ramdam ko pa rin ang mainit niyang bibig sa aking daliri na kanyang isinubo.
Natapos ang unang araw ko sa palengke na patang-pata ang buo kong katawan sa pagod na para bang nagbubuhat ako ng mga mabibigat na bagay. Parang ayaw ko nang ituloy ang pagtatrabaho sa palengke lalo na at nagkasugat na ako pero naisip ko rin na paano ako makakaipon ng sapat na pera kung titigil ako sa pagtatrabaho?
Balak ko kasi na kapag makaipon ako ay luluwas ako ng Maynila. Pupunta ako sa mga pahayagan, tv at radyo para humingi ng tulong na mahanap ko ang aking pamilya bagay na hindi ko pa sinasabi kina Makoy. Sinarili ko na lang ang plano kong iyon. Kaya pilit kong kinumbinse ang aking sarili na huwag sumuko. Walang ibang pwedeng tumulong sa akin kundi ako rin mismo.
Eksaktong alas- singko ng hapon nang magsara kami. Dumaan na muna kami sa sari-sari store nina Carol para i-remit iyong perang kinita namin sa karnehan at sunduin si Jayson para sabay na kaming tatlo na umuwi. Ngunit napag-alaman namin na nauna na pala itong umuwi kaya tumuloy na kami ni Makoy sa sakayan ng trisikel at tiyempo namang bumuhos ang malakas na ulan.
"Maglalakad na lang tayo pauwi, Jeric. Kapag ganitong malakas ang ulan kasi ay walang traysikel na bibyahe pauwi sa atin dahil lubog sa baha ang daanan at napakaputik pa" imporma niya habang inihanda na niya ang sarili na sumuong sa ulan.
"Nagbibiro ka ba Makoy? Ang layo kaya ng sa inyo. Mamaya niyan hating-gabi na tayo dumating. Nakakapagod kaya" Reklamo ko.
"Talagang hating-gabi na tayo darating doon kung hindi pa tayo magsimulang maglakad ngayon. Kaya tara na!" Giit naman niya.
"Eh!" ang nasabi ko na lang nang hinila na niya ako sa kamay para magsimulang lumakad. At ayun, wala na akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya.
"Grrrrrrghhhh!" ang reaksiyon ko naman nang mabasa ang buo kong katawan sa tubig-ulan.
"Mukhang nanlalamig ka yata?" Ang sambit niya sabay hubad sa kanyang jacket na may kalumaan at ibinalot niya sa akin. "Hayan!"
"S-salamat" wika ko. Alam ko namang ginawa niya lang iyon dahil sa pagpupumilit niyang suungin namin ang malakas na ulan pero hindi ko maintindihan ang aking sarili kung bakit naghatid iyon sa akin ng ibayong kasiyahan.
May itsura si Makoy dati ko pa iyong napapansin pero mas lalo siyang naging gwapo sa paningin ko habang banayad na pumapatak ang ulan sa kanyang basa ng katawan. Lalo na nang bumakat ang matipuno niyang katawan sa suot na puting sando. Napakakisig niyang tingnan. Lalaking-lalaki. Katangiang wala noon si Chad. Kunsabagay, straight si Makoy, kaya natural lang na maging ganoon ang kilos at gawi niya.
Maya-maya lang bumaha na sa aming dinadaanan na abot hanggang sa tuhod. Hirap na ngang madaanan iyon ng mga pumapasadang traysikel. Walang sinumang traysikel drayber ang mag-lalakas loob na bumiyahe sa ganoong sitwasyon dahil paniguradong titirik lang ang makina nila.
Tahimik lang kami habang naglalakad. Hanggang sa,
"Alam mo, noong mga bata pa kami ng mga kabarkada ko, nagawa naming maligo rito kapag ganitong bumabaha" Basag ni Makoy sa katahimikang namagitan sa amin.
"Siya nga? E, ang rumi nito. Hindi ba kayo takot sa maaring makuha ninyong sakit mula sa tubig-baha?" Kuminto ko.Halata sa boses ko ang pandidiri.
"Hindi naman. Kita mo namang malinis ang tubig diba? Walang polusyon dito. Walang mga nagkakalat hindi gaya sa malalaking siyudad" depensa naman niya sabay saboy sa akin ng tubig-baha at tumilapon iyon deretso sa aking mukha.
"Yak! Ano sa tingin mo ang ginagawa mo, Makoy!" bulyaw ko sa kanya.
Ngumisi lang ang loko at nag-peace sign pa ha. Siyempre nainis ako, kaya gumanti rin ako ng pagsaboy sa kanya ngunit naging maagap siyang itakip ang kanyang mga kamay sa kanyang muka. Sinabuyan ko ulit siya ng sunod-sunod at gumanti rin siya. Nagsabuyan kami. Mistula kaming mga batang paslit na naglalaro sa baha sa ilalim ng malakas na ulan.
Impit ang tawa ni Makoy. Unang beses kong makita siya na ganoon kasaya. Kababawan man dahil wala namang nakakatawa sa aming ginagawa ngunit sa tingin ko hindi matatawaran ang kaligayahan niya sa sandaling iyon. Naghabulan kami, ewan ko pero parang nag-eenjoy na rin ako sa aming ginagawa. Humihingal na ako dahil hirap kayang tumakbo sa tubig na kung minsay nadadapa pa ako pero hindi ko nararamdaman ang pagod. Parang ang sarap lang sa pakikiramdam na kasama ko si Makoy. Napalis lahat ang kaartehan ko sa katawan. Hindi ko na alintana kung marumi man ang tubig o hindi basta ang mahalaga para sa akin ay makasama siya at masaya na ako doon.
Ganoon na lamang ang aking paghalakhalak nang biglang natumba si Makoy. Lubog sa tubig ang kalahati ng kanyang katawan. Kaya bago siya makatayo at makatakbong muli, kaagad ko siyang nilapitan at inuupan ang gitnang bahagi ng kanyang katawan. Pabor sa akin ang posisyong iyon, kaya walang habas ko siyang sinasabuyan ng tubig sa mukha.
"Tama na Jeric, suko na ako!" sigaw niya.
"Wala ka pala eh. Ikaw ang nagsimula nito kaya heto pa. Malamig ba ha?"
Hindi ko siya tinigilan hanggang sa naramdaman kong may matigas na bagay akong naramdaman sa aking tumbong. Saka ko lang namalayan na nakadagan pala ako sa bandang kaselanan niya. Napaigtad ako at bigla ding napatayo nang naramdaman kong nakatusok na sa hiwa ng aking pwet ang kanyang sandata. Naka-jersey short lang kasi siya kaya ramdam na ramdam ko iyon.
"Uy, tumigas si junior ah, haha. Libog mo!" Biro ko sa kanya para mawala ang awkward moment na iyon. Isiniksik ko sa aking isip na straight si Makoy kaya inalis ko ang ideyang nalilibugan siya sa ginawa kong pag-upo ko sa kanyang gitna.
"Dinaganan mo kasi kaya ayan tuloy nagalit" pabiro rin niyang tugon.
Tawanan kami. Inabot ko ang isa niyang kamay para tulungan siyang makatayo. Pagkatapos ay tumuloy na kami sa paglakad.
Tumila na ang ulan at nalagpasan narin namin ang binabahang kalsada ngunit ang maputik na daan na naman ang tumambad sa amin. Nakita kong tumigil si Makoy sa paglalakad at humarap sa akin. Siguro naisip niya na magrereklamo na naman ako kaya, "Okey lang, ako Makoy. Hindi naman ako allergy sa putik!" sabi ko.
"Sampa na sa likod ko. Alam kong pagod ka na sa mahabang nilakad natin kaya mahihiharapan kang maglakad sa putikan, hindi ka pa naman sanay sa ganyang daan" pagmamagandang loob niya sa akin.
Pakiramdam ko, biglang may fireworks display na nagaganap sa aking harapan. Hindi ko inasahang magmagandang loob siya na kargahin ako gayong pareho lang naman kaming pagod sa mahabang paglalakad. Kung susumahin, alam kong mas pagod siya kaysa sa akin dahil sa palengke pa lang halos siya na ang gumagawa sa lahat ng mga gawain. Dahil ang ginawa ko lang naman sa buong maghapon ay ang pagpapaalis sa mga langaw na dadapo sa aming mga paninda.
"H-huwag na Makoy. Kaya ko naman e. Pareho lang tayong pagod kaya maglalakad na lang ako" sabi ko.
"Sigurado ka? May kalaliman ang mga putik na iyan. Malagkit pa kaya tiyak mahihirapan kang humakbang"
"Kaya ko yan. Sanayan lang yan!"
Tumango siya. At nagpatiuna na siya sa paglakad. Sumunod ako. Tama nga ang sinabi niyang may kalaliman ang putik at napakalagkit pa. Kaya ang resulta usad-pagong ako. Ngunit parang wala lang kay Makoy, sanay kasi kaya ganoon. Sinikap ko namang bilisan ang paglalakad para hindi ako maiwan ngunit bigla akong nadulas at sumubsob sa putikan.
"Aray ko po!" sigaw ko sa sobrang sakit na aking naramdaman gawa nang aking pagbagsak. Agad ding lumapit si Makoy sa akin at agad niya akong tinulungang makatayo.
"Sabi ko naman sayo, e. Tingnan mo ang nangyari" napapailing siya habang tinatanggal ang dumikit na putik sa aking katawan. At wala na akong nagawa kundi ang sumampa sa kanyang likod. Ramdam kong habol niya ang kanyang hininga habang karga-karga ako sa kanyang likod. Pero hindi niya iyon alintana. Wala akong narinig na reklamo mula sa kanya.
"Mabigat ba ako?" Tanong ko sa kanya.
"Medyo. Pero kaya ko naman e. Sanay naman akong magbuhat ng mabibigat na bagay. Walang panama sa akin ang bigat mo kung ikukumpara sa bigat ng mga k*****y na baboy at sako-sakong bigas na binubuhat ko araw-araw. Kita mo naman siguro ang mga masel ko" At nagawa pa nitong i-flex ang isang braso para maipakita kunwari ang lakas niya.
"Obvious nga. Kaya maraming mga babae ang nagkakagusto sa'yo. Isa na doon si Carol diba?" biro ko pa sa kanya.
"Haha. Aanhin mo ang maraming nagkakagusto sa'yo kung wala ka namang nararamdaman para sa kanila?" Tugon naman niya.
"Imposible namang wala kang nagugustuhan kahit na isa man lang sa kanila. Si Carol may itsura naman siya. Huwag mong sabihin wala kang nakikitang spark sa kanya. Halata namang may gusto sa iyo ang babaeng iyon"
"Inaamin kong may itsura nga siya. Maganda ang katawan pero hindi naman na dahil doon magkakagusto na ako sa kanya. Siyempre, dapat nararamdaman iyon ng aking puso. Ke maganda pa siya o pangit. May kaya o wala. Pero kung siya talaga ang tinitibok ng puso ko, wala akong magagawa kundi sundin ito. Damdamin ko kasi ang pinaiiral ko, hindi iyong kung ano ang nakikita ng aking mga mata. At isa pa, dapat din tanggap ako ng taong iyon sa kabila ng pagiging ganito ko"
"Ano ang ibig mong sabihin?" tanong ko sa kanya. Alam ko naman ang ibig niyang sabihin dahil minsan naring naikwento sa akin ni Jayson ang pinagdaanan niya pero sa pagkakataong iyon, gusto kong marinig mula mismo sa kanya ang tungkol sa kanyang mga pinagdaanan.
"Alam mo Jeric, naranasan ko na ang magmahal nang todo. Iyong lahat ng gusto niya ay ibinibigay ko sa abot ng aking makakaya. Pagmamahal, pag-aaruga at buong atensiyon ko nasa kanya na. Inakala kong sapat na iyon para manatili siya sa piling ko pero may kulang pa pala. Dumating ang punto na hindi na siya kuntento sa mga binibigay ko. Masyadong napakataas ng pangarap niya sa buhay, ang maiahon siya at ang pamilya niya sa kahirapan na hindi ko kayang maibigay kahit na gugulin ko pa ang buong oras ko sa trabaho.
Doon ako nanliit sa aking sarili. Anong laban ko sa isang Kano na ipinalit niya sa akin na bagamat mas bata ako doon at mas may itsura pero hindi ko naman kayang tapatan ang yaman niya. Anong laban ng isang langgam sa elepante? Iyon na yata ang isa sa pinakamasakit na yugto sa aking buhay na hanggang ngayon nanatiling nakain-in sa aking puso. Dahil doon nawala ang kumpiyansa ko sa sarili. Kung kaya lang sigurong tapatan ng itsura kong ito ang kapangyarihan ng pera. Pero hindi e. Kaya itinuon ko na lang ang buong atensiyon at pagpapahalaga ko sa aking pamilya na siyang nagmamahal sa akin ng tunay at tapat"
Hindi ko man nakikita ang itsura ni Makoy sa sandaling iyon pero nakikinita ko ang pagluha niya. Nag-cracked kasi ang boses niya habang nagkukwento sa akin. Maski ako man din ay hindi naiwasang maluha sa kanyang mapait na karanasan sa pag-ibig. Nakakahabag lang kasing isipin na sa kabila ng pagmamahal niya sa babae ay luha lamang ang napala niya. Hindi man lang na-appreciate ng babaeng iyon ang mga pagsasakripisyo niya.
"Tama 'yan Makoy. Hindi naman na iniwan ka niya ay katapusan na ng lahat. Andiyan pa naman ang pamilya mo na nagmamahal sa'yo ng buong-buo. Pero naniniwala parin ako na may tamang tao na nakalaan sa'yo. Marahil hindi lang talaga kayo ang para sa isa't isa ng babaeng iyon kaya kayo nagkahiwalay" ang sabi ko sa kanya. Tanging ang pagbuntong-hininga lamang ang narinig ko mula sa kanya. Marahil nasasaktan pa rin siya sa una niyang karanasan sa pag-ibig kaya...
"Sorry. Naungkat ko pa tuloy ang madilim na parte ng iyong buhay!"
"Ayos lang. Naka-move-on na ako!" simpleng tugon niya.
"Ibig sabihin ba niyan nakahanap ka na ulit ng panibagong inspirasyon." biro ko sa kanya.Tumango siya.
"Si Carol ba?"
"H-hindi ah. Kaibigan lang ang turing ko sa kanya. Maykaya sila at trabahador lang nila ako kaya paniguradong hindi ako magugustuhan ng pamilya niya kung magkaganun man. At malay ko ba kung katawan ko lang ang habol ng babaeng iyon"
"Hindi karin mayabang ano?"
"Malay ko ba!"
Ganoon ang takbo ng aming usapan hanggang sa makarating kami ng bahay na medyo madilim na. Ibinaba na niya ako at dumeretso agad ako sa paliguan para makapagbanlaw. Hinubad ko ang lahat ng saplot ko sa katawan maliban sa brief at nagsimula na akong maligo. Habang nasa kasagsagan ako ng pagsasabon sa hubad kong katawan nang biglang pumasok si Makoy.
"Sabay na tayo, Jeric. Masyado na kasi akong nanlalamig kaya hindi na ako makapaghintay na matapos ka!" wika niya sabay hubad ng kanyang mga saplot na tulad ko, tanging brief lang din ang naiwang saplot sa katawan.
Bagama't may kadiliman na, aninag ko pa rin ang ganda ng kanyang pangangatawan. Ang malapad at maumbok niyang dibdid. Ang flat at ma-abs niyang tiyan pati narin ang malaman niyang biceps. Jock type ang pangangatawan niya. Nasa tamang hulma ang bawat masel niya na talaga namang nakakabighani. Isa siyang adonis sa paningin ko. At nang dumako ang tingin ko sa gitnang bahagi ng kanyang katawan, doon na ako pinagpawisan na may kasamang panginginig hindi dahil sa lamig ng tubig kundi sa libog na nagsisimulang gumapang sa bawat himaymay ng aking katawan. Medyo may kaluwagan ang kanyang brief dahil sa luma na ito kaya halos nakadungaw na ang kanyang alaga na bagama't nahihimbing pa pero may kalakihan na.
"Tarugo pala itong si Makoy!" piping usal ko.
Dahil sa gumapang na libog ko, hindi ko naiwasang tigasan. Ikaw ba naman makakita ng grasya na abot-kamay mo na.
"O bakit lumaki 'yan?"
Hindi ko napansing napadako din pala ang tingin niya sa lumubo kong sandata.
"Huwag mong sabihing nalilibogan ka sa akin?" dagdag pa niya.
"Ha? hindi ah, kinukuskos ko kasi iyan nang pumasok ka kaya m-medyo g-galit!"
Nauutal kong palusot sabay talikod sa kanya baka mapansin niya ang pamumula ng aking pisngi. At kunwaring ipinagpatuloy ko ang pagkukuskos sa aking alaga para mapanindigan ang aking idinahilan.
"Maligo ka na nga lang diyan. Huwag ako ang pansinin mo" ungot ko.
At iyon nga ang ginawa niya. Kapwa kami nagsasabon sa aming mga katawan habang nakatalikod sa isa't isa.
"Jeric, pwede bang pakisabon ng likod ko, hindi ko kasi abot e!" basag niya sa aming katahimikan na siyang ikinagulat ko nang husto.
"Ha?" ang tanging naisagot ko.
Hindi pa nga tuluyang napalis ang libog ko dahil sa nakaumbok niyang iyon heto na naman may panibagong tukso.
"S-sige!"
Inabot ko ang hawak niyang sabon at sinimulan ko ng sabunin ang kanyang likod. Ramdam ko sa aking palad ang init ng kanyang katawan. Hindi rin nakaligtas sa aking paningin ang maubok niyang pwetan na para bang kaysarap nitong salat-salatin at brotsahin. Kung may sukatan lang ang libog ng isang tao, iyong parang thermometer na panukat ng lagnat na iniipit sa kili-kili siguro nasa 100 degree na ang libog ko. Aminado akong isa akong alanganin na marupok pagdating sa mga lalaki. Lalo na ngayong nasa harapan ko lang, nakahubad at ang macho pa. Sa dami ng nalunok kong laway, parang nanuyot na ang aking lalamunan. Darang na darang na ako sa init habang sinasabon ko ang kanyang likod.
"O hayan" sabi ko sa kanya nang matapos ko na siyang sabunin. Ngunit nagulat naman ako ng biglang, "Tumalikod ka!"
"A-ano? P-pero ba-bakit?"
Ayan nauutal na naman ako. Alam ko kasi ang sagot sa tanong kong iyon. At iisipin ko pa lang parang magpe-precum na ako.
"Sasabunin ko rin iyang likod mo para patas na tayo. Baka kasi naisip mong inaalila na na kita"
At tama nga ang nasa isip ko. Gusto ko sanang sabihin sa kanyang, "Hayaan mo na maliit na bagay lang naman iyan. Kahit na sabunin ko iyang buong katawan mo kapag maliligo ka ay ayos lang sa akin hindi ko iisipin na inaalila mo ako" Pero hindi ko na naisatinig pa iyon dahil bigla na lamang niya akong pinatalikod at walang pagdadalawang isip na sabunin ako.
Nang lumapat ang palad niya sa aking balat ay hindi ko maisalarawan ang aking naramdaman. Para akong naiihi na hindi naman. Ramdam ko ang libo-libong boltahe na nanunulay sa aking mga ugat. Nanginginig ako na parang nawawalan na ng lakas.
"A-ayos ka lang? Parang nanginginig ka na yata?" tanong niya habang patuloy sa pagsasabon sa akin.
Parang wala lang sa kanya ang lahat. Samantalang ako ay mistula ng kandilang unti-unting nalulusaw at parang platong hinuhugasan. Kunsabagay lalaki si Makoy. At sa tingin niya lalaki din ako kaya patay malisya siya sa kanyang ginagawa.
"Siyempre ilang oras din kaya tayong sumuong sa ulan" sagot ko habang palihim kong iniipit ang aking gitna para hindi niya mapansin ang pagkabuhay nito. Nakakahiya kaya.
Habang nasa ganoon naman kaming ayos ay dumating si Jayson. May dala siyang dalawang tuwalya at isinampay niya iyon sa sampayan malapit sa paliguan. Agad ko ding inilayo ang aking katawan kay Makoy at sinimulang magbanlaw. Para na kasi akong sinisilaban sa sobrang init na dulot ng pagsasabon niya sa akin.
"Tuwalya nyo!" ang sabi lang niya saka umalis, ni hindi nito nagawang lumingon sa akin at bumati na siyang lagi nitong ginagawa.
"Anyare doon?" tanong ko kay Makoy. Naninibaguhan kasi ako sa ikinikilos ni Jayson.
"Ewan, pagod lang siguro sa unang araw niya sa trabaho kaya hayun parang pasan ang buong sari-sari store" pabirong tugon ni Makoy.
Hindi naman ako nagkuminto pa. Naisip kong napagod lang talaga siguro si Jayson dahil hindi rin naman biro ang pakikipagbuno niya sa sako-sakong bigas na dumating kanina sa tindahan na pinagtrabahuan niya. Ngunit ganoon parin ang pananahimik niya hanggang sa kumain na kami ng hapunan. Parang wala siya sa kanyang sarili habang sinusubo iyong pagkain niya. Isang simpleng "Ayos lang po" ang tanging naririnig ko mula sa kanya nang tinanong siya ni Nanay Bebeng patungkol sa kanyang trabaho. Kilala ko si Jayson, hindi iyan aasta ng ganoon na walang dahilan. Alam kong may bumabagabag sa kanya at iyon ang gusto kong malaman.
"May problema ba, Jayson?"
Hindi ko napigilan ang aking sarili na tanungin siya nang nasa higaan na kami. Nakatagilid siya paharap sa dingding at nakatalikod sa akin. Naninibago ako. Kadalasan kasi kapag ganoong nasa higaan na kami, nakahiga iyan paharap sa akin at hinahayaan ko siyang idantay ang isa niyang paa sa aking mga hita. Minsan pa nga nakayakap iyan sa akin at hinahayaan ko lang din dahil para lang kaming magkapatid niyan.
Isang buntong-hininga ang naging tugon niya sa tanong ko.
"Mukhang malalim ah, ano ba 'yan baka may maitulong ako" wika ko.
"W-wala!" malabnaw niyang tugon.
Batid kong wala siyang ganang makipag-usap pero sinikap ko pa ring alamin kung ano ang bumabagabag sa kanya.
"Hindi pa man tayo ganoon katagal na magkaibigan pero kilala na kita Jayson. Alam kong may bumabagabag sa'yo. Hindi mo iyon maililihim sa akin. Kaya kung maaari sabihin mo na baka sakaling may maitulong ako" pakiusap ko.
"Sasabihin ko rin naman kapag handa na ako. Sa ngayon, hayaan mo na muna akong mag-isa"
Sa kanyang tinuran ay halatang may dinadala nga siyang problema. Kung anoman iyon, hindi ko na lang muna aalamin. Hindi ko siya maaring pilitin na i-share sa akin dahil karapatan din naman niya iyon sa kanyang sarili. Kaya noong tumayo siya mula sa aming higaan at nagtungo sa labas ng bahay ay hindi ko na lang siya sinundan. Hinayaan ko na lamang muna siyang mag-isa para makapag-isip.
Nang maiwan akong mag-isa sa aming higaan ay hindi ako makatulog. Ewan ko ba na sa tuwing ipinipikit ko ang aking mga mata ang mukha ni Makoy ang lumilitaw sa aking balintataw. Hindi ko maiintindihan ang aking sarili. Parang kailan lang nang kami ay nagkagalit at ngayo'y naging magkaibigan. Pero ang posibilidad na maaring nagkakagusto na ako sa kanya ang siyang mariing tinututulan ng aking utak.
Hindi siya ang taong pwede kong mahalin. Una, straight si Makoy. Kailanman ang lalaking straight ay hindi pumapatol sa kagaya kong isang alanganin. Mayroon mang iba na kunwari iibigin ka at aalagaan. Ipagkakaloob nila sa'yo ang hilig ng iyong katawan pero dahil iyon lahat sa pera na inaabono mo sa kanila.
Sa bandang huli iiwan ka rin dahil wala sa iyo ang tunay na kaligayahan na hinahanap nila. Sa babae parin ang kababagsakan nila na siyang makapagbibigay sa kanila ng anak na bubuo sa kanilang pinapangarap na pamilya. Pangalawa, ipagpalagay kong isang tagong alanganin din si Makoy. Gwapo at may mala-adonis na katawan. Lalaking-lalaki sa kilos at pananalita. Pantasya ng sangkabaklaan. Pero hindi pa rin siya pasok sa standards ko.
Mabait si Makoy. Ang mapait niyang karanasan sa pag-ibig ang sa tingin ko ang mas lalong nagpatibay sa kanyang pagpapahalaga sa taong kanyang minamahal. Kahit na hinamak ang kanyang pagkatao at naranasan na rin kung paano maliitin pero sa tingin ko naman, wala siyang balak na gumanti at baguhin ang paniniwala niya sa tunay na pagmamahal.
Hindi sa minamaliit ko ang kanyang pagkatao at kakayahan. Pero ang lalaking gusto kong makasama ay iyong may pinag-aralan at siyempre nakakaangat sa buhay. Kamuhian man ako ng ibang kagaya ko, pero iyon talaga ang aking pamantayan sa pag-ibig.
Hindi ko rin hinuhusgahan ang pagkatao ni Makoy, pero sa tingin ko iba parin talaga kapag iyong magiging partner ko ay kagaya ko rin na bagamat hindi ko pa naalala ang aking pagkakakilanlan alam kong nanggaling ako sa marangyang pamilya. Nang saganun hindi kami maghihirap kung sakali mang itakwil kami ng aming pamilya dahil sa aming ipinagbabawal na relasyon.
Iyon ang takbo ng aking utak habang pinipilit kong gapiin ng antok pero tila magnet naman itong si Makoy na patuloy na nagpapamulat sa aking ulirat. Kaya ang ginawa ko'y bumangon ako para sundan si Jayson para kahit papaano'y may makakausap ako. Nakita ko siyang nakaupo sa ilalim ng punong manga. Hawak niya ang gitara ni Makoy at dahil sa nakita kong maliit na galon ng lambanog sa ibabaw ng maliit na mesa, tiyak kong may kabigatan nga ang dinadala niya.
Katutungga lang niya sa basong may lamang alak ng, "Pwede bang dumito rin ako. Hirap din kasi akong makatulog e" sabi ko.
Nakita ko ang pagtango niya. Nilagyan niya ng alak ang baso saka iniabot niya iyon sa akin. Kahit wala sa plano ko ang uminom, tinanggap ko parin saka tinungga. Napangiwi ako dahil sa hindi ko ma-describe na lasa ng lambanog. Para na iyong suka sa asim. Pakiwari ko ay nagrambolan ang mga laman-loob ko dahil sa init na hatid ng alak.
Wala kaming imikan habang nag-iinom kami. Nakatatlong tagay na si Jayson sa akin nang sinabing ayoko na dahil nagsisimula ng umikot ang aking paningin. Pakiramdam ko namumula na rin ang aking mukha at bigla na lamang akong naging madaldal. Lasing na nga yata ako.
"Siguro ang bigat-bigat ng dinadala mo dahil nakuha mong uminom...?" buo ko pa ring nabigkas ang mga katagang iyon sa kanya. "...Baka naman pwede mo na iyang sabihin sa akin"
"Ang hirap pa lang umibig 'no lalo pa't sa taong hindi mo naman tiyak kung ikaw ba ay magugustuhan rin niya"
Sa wakas nagsalita rin siya. Kaya lang hindi ko inasahang tungkol sa lovelife ang kanyang sasabihin.
"Huwag mong sabihing inlove ka ngayon, Jayson?" natatawa kong sabi.
Parang napakabata pa kasi niya para problemahin ang ganoong mga bagay. Bumuntong-hininga ulit siya at patuloy na umiinom nang mag-isa. Nag-pass na kasi ako dahil hindi ko na kayang uminom.
"E di, sabihin mo sa kanya. Ligawan mo siya para doon mo malalaman kung ikaw ba ay gusto niya rin o hindi"
"S-sana ganoon lang kadaling gawin Jeric. H-hindi mo kasi alam ang tunay na sitwasyon"
"Marahil wala nga akong alam sa kung anoman iyan. Pero ito lang ang masasabi ko, Jayson, walang mangyayari kong patuloy mong ililihim ang pag-ibig mo sa kung sino man iyan. Hindi na mahalaga kung ano ang magiging kahihinatnan matapos mong magpahayag ng nararamdaman, kung ikaw ba ay bibigyan niya ng pag-asa o hindi basta nasabi mo na sa kanya ang damdamin mo. Mas mahihirapan ka kung patuloy mo iyang ililihim" pahayag ko.
Nakita kong sumeryoso ang kanyang mukha habang nakatitig sa akin. Hindi ko mawari ang titig niyang iyon sa akin na para bang may ibig ipahihiwatig. Nakipagtitigan rin ako sa kanya. Hinihintay ang maari niyang sasabihin.
"Panhik na tayo sa taas" ang sabi lang niya saka nagpatiuna na sa paglakad.
Sumunod naman akong medyo pasuraysuray na sa paglalakad. Dumiretso na siya sa aming kwarto samantalang uminom na muna ako ng tubig sa kusina.
Nahagip naman ng aking paningin ang natutulog ng si Makoy na naka-boxer lang at walang damit pang-itaas. Naalala ko na naman ang mga eksena namin kanina. Ang paglalaro namin sa ulan. Ang pagkarga niya sa akin nang nasa putikin kaming daan. At higit sa lahat ang pagsabon ko sa kanyang likod na siyang naghatid sa akin sa kakaibang ligaya lalo na nang siya naman iyong nagsabon sa akin na mistula ko ng ikinalusaw na para bang ice candy na dinidilaan.
Tanging ang liwanag na nagmumula sa buwan na lumusot sa nakaawang na binatana ang siyang naging ilaw sa mga sandaling iyon sa paligid pero sapat na iyon para masilayan kong muli ang nakakabighani niyang katawan.
Nakatihaya siya habang ang isa niyang kamay ay nakadantay sa kanyang noo at ang isa nama'y nakasuksok sa ilalim ng kanyang boxer. Hindi ako gumagalaw sa aking kinatatayuan, binubusog ko ang aking mga mata sa isang napakagandang tanawing iyon. Pero dumating sa punto na para bang hindi na ako kuntentong nakatitig lang sa kanya. Parang may parte ng aking utak na nang-uudyok na hawakan ko ang umbok na iyon. Ngunit ang isang parte naman ay nagsasabing hindi ko dapat gagawin iyon at baka ito pa ang magiging mitsa ng pagkasira ng aming pagkakaibaigan at pagkakabuking sa tunay kung pagkasino.
Tumalikod na ako para magtungo na sa aking higaan ngunit tila hindi sumasang-ayon ang aking mga paa. Nilingon ko muli si Makoy na himbing na himbing na natutulog. Naramdaman kong muling sinakop ang katawan ko ng libog lalo na nang maalala ko noong naupuan ko ang kanyang sandata nang kami ay naglalaro sa tubig-baha. Para akong sinilaban sa init na aking nararamdaman. Unti-unting lumalakas ang kabog ng aking dibdib nang lumapit ako sa kanya at naupo sa gilid niya. Dala marahil sa ininum kong alak kani-kanilang, nawala na ang takot at hiya ko na gawin ang kamunduhang dinidikta ng aking utak.
Bagama't nanginginig, lakas loob kong ipinatong ang isa kong kamay sa umbok ng kanyang p*********i. Ilang segundong hindi ko iyon ginalaw. Pinakiramdaman ko muna siya baka magising pero tanging paghilik lang ang naririnig ko sa kanya.
Mukhang napagod nang husto si Makoy sa mga gawain sa palengke buong maghapon kaya sinunggaban ko na ang pagkakataon. Dahan-dahan kong hinila ang kanyang boxer pababa. Napa-oh-lala ako sa aking nakita. Tama nga ang sapantaha kong tarugo ang dinadala niya. Hindi pa man iyon tuluyang gising pero ang laki na nito.
Hinwakan ko ang puno ng kanyang sandata at sinimulang laruin. At hayun nagsisimula na itong magkabuhay. Takam na takam ako nang umabot ito sa sukdulang laki na halos umabot na sa pusod at ang taba pa. Wala na akong sinayang na sandali, agad kong isinubo ang kanyang sandata. Nabilaukan pa ako sa sobrang laki nito. Binilasan ko ang pagsuso sa kanya na para bang batang uhaw at nasasabik sa dede ng isang ina.
Maririnig na ang pagsaltik ng aking laway habang nagtaas-baba ako sa kanya. Nagdideliryo na ako sa sobrang sarap na nadarama. Parang nalimutan ko kung nasaan ako at walang pakialam kung may makakita man sa ginagawa kong pananamantala sa kanya. Subalit, ganoon na lamang ang aking pagkabigla na para bang humiwalay ang kaluluwa ko sa aking katawan ng,
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo? Bakla ka Jeric?" sigaw ni Makoy.
Agad niya akong itinulak nang malakas palayo sa kanya. Nanlilisik ang nga mata niyang nakatutok sa akin. Hindi kaagad ako nakagalaw. Hindi ko kasi alam kung paano mag-react sa sobrang bilis ng pangyayari. Kung kanina ay para akong sinisilaban sa sobrang init, ngayon nama'y pakiramdam ko ay para akong binuhusan ng nagyeyelong tubig.
Nakita kong lumapit sa akin si Makoy. Nanlilisik parin ang kanyang mga mata. At sa isang iglap hinawakan niya ang aking damit at hinatak ako paitaas. Gustuhin ko mang magsisi kung bakit nagpadala ako sa tawag ng laman ngunit huli na, nagawa ko na. Natagpuan ko na lamang ang aking sarili na sinasakal ni Makoy. At sa sobrang higpit ng pagkakasakal niya, pakiramdam ko mauubusan na ng hangin ang aking baga.
"P-patawarin mo ako Makoy. Nalasing lang ako kaya nagawa ko ang bagay na iyon sa'yo!" Sabi ko sa kanya ngunit tila naging bingi na siya sa aking paliwanag. Patuloy parin siya sa kanyang pananakal sa akin.
"M-Makoyyyyyy!!!!" sigaw ko nang maramdaman kong umakyat na ang dugo ko sa aking ulo.
Hirap na hirap na ako sa paghinga. Hawak na ni Makoy ang aking buhay. Ngunit sa maling nagawa ko sa kanya, parang wala siyang planong bigyan ako ng pagkakataon para mabuhay at itama ang pagkakamaling nagawa ko sa kanya.