prologue
mabilis ako nagtalukbok ng kumot sa mukha ko ng marinig ko ang yapak ng paa na parating sa kwarto ko.
"ma please kung pipilitin mo nanaman ako para lang magpakasal sa taong hindi ko naman mahal,feel free to leave"seryosong saad ko.
narinig ko ang malalim na paghinga nya,pero dahil hindi ko mapigilan napaangat ako ng tingin sakanya.
"anak,alam kong nabigla ka namin ng tatay mo sa biglaan na pagdedesisyon na kailangan mong magpakasal"nakikita kong kinakabahan sya habang sinasabi nya yon.
hindi kodin naman masisisi ang sarili ko sino ba naman ang taong gustong magpakasal sa taong kahit kailan dimo pa naman nakasama o nakilala at lalong hindi mo naman mahal..
"pero anak pasensya kana ngunit talagang ito na ang final na desisyon ng tatay mo para sayo-
"ito nanaman tayo sa desisyon na yan,e diba dyan nga nagkasira-sira ang pamilya natin dahil dyaan! puro kayo desisyon e kahit kelan naman dinyo manlang hiningi yung opinyonnamin"
habang sinasabi ko yon I know that the tears I was holding back will soon drip, so I immediately closed my eyes so that they wouldn't continue to drip.
"pero anak para din naman sainyo itong ginagagawa namin ng tatay mo,inaalala lang namin ang magiging kalagayan mo"seryosong saad nya.
nakarinig ako ng panibagong yapak na paa na papunta sa kwarto ko,kaya agad kaming napalingon sa pintuan ng nakita namin si tatay na nakatayo duon at makikita mo ang galit at seryoso sa mata nya.
pumwesto siya sa mismong harap ko," kelan kapa natutong sumagot ng ganyan sa nanay mo ha! kung ano ang desisyon namin ayon ang masusunod"maotoridad nyang saad "bumaba kana at kumain kana dun at niluto ni manang ely yung paborito mong sinigang na baboy"bigla namang kumalma ang boses ng tatay ko habang sinasabi nya yon..
madalas ganon ang mga magulang ko,pagkatapos ako pagalitan at pagsabihan sa bandang huli pinapakita padin nila na mahal nila ako,kaya minsan kahit ayaw ko ng mga bagay na denidesisyon nila sakin sumasangayon nadin agad ako.
habang napapaisip ako nakita ko nalang na nagkasabay na pala sa pagpunta sa sala ang aking magulang,para magsalo-salo sa kainan.
ramdam ko ang katahimikan sa hapagkainan ng basagin ito ni manang ely"maam meron pong tumatawag sa telepono yung kanegosyante niyo po ata"agad naman akong napaisip kung sino yon.
nakita ko ang pagsulyap ng aking nanay sa pagkain at nakita kodin ang saglit na paglipat ng tingin ni tatay kay nanay at sabay balik tingin sa pagkain..
agad namang nakita ni nanay ang saglit na pagtitig sakanya ni tatay kaya agad itong tumayo at pumunta sa kanina pang telepono na walang tigil sa pagtunog..
patapos na kaming kumain at tatayo na sana ako ng bigla akong tawagin ni papa,nakapag usap na ata sila ni mama "maligo kana at magayos we will have a meeting with our business partner" agad naman akong nagtaka ngunit tumango din ng kalaunan.