Chapter 90: Hezekiah Blake ISANG buwan at mahigit nang nanatili si Denzel sa bahay ng pamilyang nakatagpo sa kanya at masasabi niyang kuhang-kuha na niya ang loob ng mga ito. Sobrang bait ng mga ito sa kanya at gusto man lang niyang makatulong sa mga ito. Nais niyang maghanap ng trabaho ngunit natatakot siya sa kanyang magiging plano. Baka walang kukuha sa kanya at isa pa baka hindi siya papayayagan ng pamilya. Ngunit nais talaga niyang magkaroon ng trabaho upang matulungan ang mga ito. Muli ay nasa dalampasigan na naman siya. Pakiramdam ni Denzel ay parang naghihintay siya sa wala. Wala naman sigurong naghahanap sa kanya. Baka nga siguro tama ang kanyang iniisip noong mga nakaraang araw. Baka inabanduna na siya ng kanyang pamilya dahil walang naghahanap sa kanyang pagkawala. Paano rin

