Chapter 89: Ang Mahirap na Desisyon HABANG binabasa ni Hezekiah ang mga papel ay medyo na-curious siya dahil ilan doon ay papel iyon dahil sa isang gamot. In-inject ito para kumalma ang isang isipan ng tao. At hindi ito ibibenta sa parmasya dahil sa sobrang tapang ng epekto nito sa katawan ng tao. Napaisip si Hezekiah kung ano ang sakit ng lalaki at bakit kailagan pa nito ng ganoon damit? “Baka sira na ang ulo no’n?” mahinang tanong niya. “Bahala na ‘yon. It doesn’t change the fact na kalaban ko na ang lalaking iyon at magbabayad ito sa mga kasalanang ginawa.” Inilgpit niya ang mga papel at inilagay iyon sa drawer. Pero nakapagtataka lang na mayroong ganoong gamot ang lalaki. Ang nangyayari kay Crim Carl? Nasa malalim siyang pag-iisip nang tumunog ang kanyang cellphone. Mabilis iyong ti

