Chapter 88: Ang Buhay sa Nakaraan HABANG pinagmamasdan ni Denzel ang alon ng karagatan ay bigla na lamang siyang naluha sa kadahilanang hanggang ngayon ay wala pa rin siyang naaalala tungkol sa kanyang buhay. Gustuhin man niyang mayroong pumasok na memorya sa kanyag buhay ay hindi niya magawa. Kung noon ay sumasakit ang kanyang ulo ngayon ay wala nang nangyayari. Hindi niya alam kung bakit ngunit habang tumatagal ay nawawalan na rin siya ng pag-asang maibalik kung ano nga ba talaga ang kanyang alaala bago paman siya dumating sa islang ito. Gustong-gusto niyang mamuhay sa islang ito dahil sa pamilyang kanyang tinitirhan. Mababait ang mga ito at itinuturing na niyang pamilya ngunit iba pa rin kung alam niya ang kanyang nakaraan dahil iyon naman talaga ang naging buhay niya. Napabuntong hi

