Chapter 87: Pagsagawa ng Misyon DAHIL sa kondisyon ni Boyet ay tumulong na muna si Hezekiah sa ilang mga gawaing bahay tulad ng pagluluto dahil kailangang agapayan ni Joemar si Boyet dahil hirap na hirap pa ito at hindi pa maigalaw ang balikat. Dalawang araw na ang lumipas ngunit wala pa rin silang balita kung saan nga ba nagtatago si Crim Carl habang nandidito ito sa bayan na kanilang tinutuluyan ngayon. Kailangan nila ng agarang impormasyon upang kanya nang masimulan ang pag-iimbistiga. Ayaw na sanang bigyan pansin ni Hezekiah si Crim Carl sa ngayon dahil mas matimbang ang misyon niya kay Denzel ngunit tinik ang lalaki sa kanyang paghahanap dahil possible itong naghahanap din at eksaktong dito rin sila lumipat. Habang nakatingin sa mga puno ay hirap siyang mag-isip kung ano ang gagawin

