Chapter 86: Inkwentro TAMA nga ang sinabi ni Boyet. Sobrang daming seafoods ang available sa merkado ng bayan na ito. Bukod sa mamalaki ay sariwa pa ang mga ito at mukhang ang sarap kainin ng mga iyon. Inuna nilang binili ay ang mga seafoods na pwede nilang ilagay sa ref ng mas matagal. Kumuha na rin sila ng mga seashells upang kanilang uulamin mamaya pag-uwi. Habang abala sila sa pagpili ng mas sariwa na na mga oysters ay may napansing pamilyar na pigura si Hezekiah. Kumunot ang kanyang noo at nagulat nang makitang si Crim Carl ang lalaking kanyang tinitingnan ngayon. May kasama itong tatlong lalaki at sa tingin niya ay may dala itong mga baril. Anong ginagawa ni Crim Carl dito? Dito rin kaya naghahanap ang mga piste sa bayan na ito? Mabilis na tinapik ni Hezekiah si Boyet upang kumpirm

