Chapter 83: Ang Bagong Pamilya HABANG tumatagal ay nakakasanayan na ring mamuhay ni Denzel sa isla. Hindi na niya naiisip minsan na kung paano babalik ang kanyang alaala. Tumutulong naman siya sa pamilya at minsan nga sumasama na siya sa pangingisda. Mahirap ngunit sobrang saya naman. Habang nagdidilig siya ng mga halaman ay mayroong grupo ng mga kalalakihang dumaan sa kanilang bakuran. Ngumiti ang mga ito at bumati sa kanya. “Magandang umaga din sainyo,” aniya at ngumiti. Mukhang maglalaro ng basketball ang mga kalalakihan na iyon dahil sa dalang bola. Tinapos niya ang pagdidilig at bumalik sa loob ng bahay. “Tapos ka na po bang magdilig Ate Denzel?” tanong ni Miya. “Oo, kakain na ba tayo?” tanong niya sa dalagita at tumango naman ito. Mayroong lagnat si Miya at umalis ang mga mag

