Chapter 99: Ang Pag-krus ng Dalawang Landas NANG makalayo sila sa mga tao ay saka pa lamang huminto si Louie sa paglalakad at tumahan na sa pag-iyak si Denzel. Hindi niya alam kung bakit siya naluha ng ganoon basta’t ang alam niya ay natakot at nasaktan siya sa reaskyon ng mga tao kanina. Humarap sa kanya si Louie at dumukot ito ng panyo at pinunas ito sa natitira niyang mga luha sa mata. “Hindi na sana kita dinala pa rito at hindi na ako pumayag na sumama rito. Ito tuloy ang napala mo at kasalanan ko iyon,” seryosong wika ng lalaki. “Patawarin mo ko Louie. Inisip ko kasi na magiging maganda ang trato ng mga tao sa akin kagaya ng pagtrato ninyo sa akin sa malaking bahay. Kasalanan ko ang lahat dahil hindi ako naging maingat. Ngunit huwag ka sanang magsisi na nandito tayo dahil lang sa

