Chapter 98: Lungkot na Nararamdaman MABUTI na lamang at pinahirapan si Denzel ng presetanbleng damit ni Anna upang kanyang susuotin. Pinahiram na rin siya ng belo ni Rose upang pangtakip sa kanyang mukhang sunog. Naunang nag-ayos ang kanyang mga kasama at nagsuot pa ng kaunting make-up raw ang mga ito. Dahil sunog naman ang kanyang mukha ay hindi na lamang siya naglagay. Hinihintay na nila si Louie na bumaba at habang naghihintay sila ay nag-iinarte ang tatlo. Dapat daw mahanap na ang mga ito ng lovelife. Natatawa lang si Denzel sa tatlo dahil ang sayang tingnan ng mga ito. “Denzel, sigurado ka ba talagang hindi ka pa nakakapasok ng mall?” tanong ni Wella sa kanya na kanina pa naglalagay ng make-up at hindi na ito matatapos-tapos pa. “Hindi ako sigurado, eh. Wala naman akong maalala sa

