Chapter 95: Si Loiue NAHIHIYA ma’y sinusubukan pa rin ni Denzel na makipag-usap kay Louie. Hindi dahil sa gusto lang niyang itong kausapin ngunit gusto niya itong mapasaya dahil sinabi ng mga kasambahay sa bahay ay hindi ito basta-basta nagsasalita. Hindi bagay sa trabaho nitong isang doktor na hindi pasalita at minsan na rin lang din itong lumalabas ng malaking bahay kapag mayroong kailangan sa ospital. Ngayon ay sabay na naman silang kumain dalawa. Nahuli siya ng gising at talagang hinintay pa siya ng lalaki. Ang kanilang mga kasama ay nauna nang kumain dahil makapit nang maghating-gabi. “Pasensya ka na at matagal akong nagising pati ikaw ay nagutom tuloy,” aniya sa lalaki. Paulit-ulit na niya itong sinasambit rito. “Don’t mention it, okay lang at hindi naman ako nagugutom kaya wala i

