Chapter 96: Yakap HABANG nakaupo sa sofa si Denzel ay napangiti siya nang makita kung gaano kasaya ang kanyang mag-ama. Sobrang sayang tingnan ng tatlo na naglalaro ng mga bagong nitong laruan. Hindi siya nakapagtiis at lumapit siya sa tatlo upang makipaglaro. “Maganda ba ang pinamili namin sainyo? Makulit itong inyong Daddy, sinabi kong marami na kayong laruan at hindi niyo na kailangan ng ganya pero ayaw magpapigil,” nakangiting wika niya. “Tingnan mo, sobrang saya nilang tingnan dahil sa binili natin at isa pa kapag hindi na nila gagamitin ay pwede naman nating ibigay sa mga bata na walang pambili,” wika ni Hezekiah. Napatitig si Denzel sa kanyang asawa. Sinong mag-aakalang mapapangasawa niya ito at magkaroon pa sila ng dalawang anak? “Ang gwapo mo,” kinikilig niyang wika. “Mabuti

