GANAP nang alas-onse ng gabi pero hindi pa rin dalawin ng antok si Steven. Kanina pa siya nakahiga kung tutuusin pero hindi naman siya makatulog. Ang dahilan, paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang magandang mukha ni Francheska. He was trying to avoid her but damn! Why couldn’t he? Bukas ay eksaktong dalawang linggo na buhat ng magsimula ang usapan nila ng dalaga. Aalis na ito. Babalik na sa dati nitong buhay. Pero bakit parang sa halip na makahinga ng maluwag ay nalulungkot siya? Why did he want to keep her in his house instead of letting her go? Lumabas siya ng silid at tinungo ang swimming pool. Pinatay niya ang ilaw na nasa posteng nadaanan niya. Mainam na rin iyon upang hindi makatawag ng pansin ang pag-iisa niya. Ibig niyang mag-isip at kausapin ang sarili sa kung

