“I ASKED for apology for the part that I said that your boyfriend was not a good kiss teacher, okay? I shouldn’t have said that. Pero hindi ko binabawi ang huling sinabi ko sa’yo.” Kunwa ay napaisip siya pero tandang-tanda naman niya ang huling sinabi nito. ‘I can teach you anytime, Fran. I can teach you anytime, Fran. I can teach you anytime, Fran.’ Tila paulit-ulit lang iyon sa pandinig niya. At sa tuwing sumasagi iyon sa isip, nasasaktan man ay hindi niya maiwasan ang kiligin. “That I can teach you anytime. Kailan mo gustong magsimula ng tutorial?” Hindi niya pinigilan ang sarili at hinampas ito nang mahina sa dibdib. Nakangiti naman siya kaya natawa na rin ito. She heard him laughed and it was good to see him laughing like that. “Bakit ka natatawa? Did I say anythi

