Chapter 26

1424 Words

“MANONG huwag ka nang mag-inarte, Cheka. Dadalhin mo lang ito sa itaas. Huwag mo na akong asahan at talagang umaandar ang rayuma ko ngayon.” Napangiwi si Francheska sa sinabi ni Nana Aning. Paano niya susundin ang iniuutos ng matanda gayong ilang araw na niyang iniiwasan si Steven?             “Manang, iutos niyo na kahit ano. Dumihan niyo ang mga mabibigat na kurtinang nilabhan ko kahapon at lalaban ko na lang ulit. Ayos lang mapagod, ‘wag niyo lang akong papanhikin ngayon doon,” pakiusap niya rito.             Pag-uwi kasi ni Steven buhat sa opisina kanina ay nakita niya kung gaano kapangit ang mood nito. Madilim ang mukha nito at animo susugod sa giyera sa laki ng mga hakbang. Agad nitong tinungo ang silid at ibinagsak pasara ang pinto. Ngayon, paano niya susundin ang iniuutos ng ma

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD