NANG tumayo sina Bojo at Frencheska ay marahas na napatingin si Steven sa kanila. Binulungan nito si Cassandra at kusa nang pumanhik ang dalaga sa silid nito. Tila naman siya namatanda nang makitang palapit si Steven sa kanila. “Would you mind if I talk to him, pare? May importante lang akong sasabihin,” ani Steven na seryoso ang pagkakatingin kay Bojo. Saglit silang nagkatinginang dalawa. “Sobrang importante ba na kailangang ngayon na?” tila nagtatakang tanong ni Bojo. Isang kibit-balikat naman ang tugon ni Steven. Nagtataka man ay sumunod na lang siya nang igiya nito sa papunta sa kusina. Pagpasok sa komedor ay agad nitong isinarado ang pinto at hinablot ang palapulsuhan niya. Galit na isinandal siya ng binata sa nakapinid na pinto ng kusina. “Saan sa tingin mo kayo pupunta ng lalak

