SERYOSO ang anyo ni Steven at bahagya lang nitong tinanguan ang pagbati ni Bojo. Nilampasan lang siya nito ng tingin nang mapadaan sa kanya at hinarap na nito ang bagong dating na si Cassandra. Nakita niya kung paanong lumiwanag ang anyo ng babae nang makita si Steven at huli na para bawiin niya ang tingin nang makitang hinagkan nito sa pisngi ang lalaki. Umikot naman ang isang kamay ng huli at humantong iyon sa maliit na beywang ni Cassandra. Hindi kagandahan ang tagpong iyon kaya minabuti niyang balikan na lang ng tingin si Bojo. Mas nanaisin pa niyang pagtiyagaan na kausapin ito kaysa naman masaktan lang sa paglalambingan nina Steven at Cassandra. Ang akala niya ay tutuloy na sa hardin ang dalawa gaya ng dating ginagawa ng mga ito kaya nagtaka siya nang igiya ni Steven ang kasama sa so

