“WOW! You cooked this?” nakangiting tanong ni Steven kay Cassandra. Nabigla siya nang sa pagbaba para sa pananghalian ay naroon ito sa kusina at nag-aayos ng pagkain gayong wala naman silang usapan nito. Agad itong lumapit sa kanya at saka sinabing naroon ito para sorpresahin siya. He was indeed surprised! Seeing her in the kitchen this early was not really expected. Ang totoo ay pinag-iisipan niya kung anong hakbang ang gagawin upang muling makita ito. After a day of good conversation, he had realized that Cassandra was the perfect woman for him. Lahat ng hinahanap niya para sa isang babae ay naririto. Tiyak na makakatuwang din niya ito sa pagnenegosyo kaya walang dahilan para hindi niya i-consider ang dalaga sa buhay niya. And looking at her like this, he was damn sure she wouldn’t give

