“NANA ANING…” tanging nasabi ni Francheska bilang pakikisimpatya sa matanda. “Bata pa kami nang mamatay ang magulang namin. Bilang panganay ay maagang naatang sa balikat ko ang pagpapalaki sa aking mga kapatid. Kaya kahit ibigin ko man ay kinailangan ko na lamang na isakripisyo ang aking pansariling kasiyahan. Noon ko nakilala ang ama ni Istib na si Cipriano. Nagtitinda ako ng bigas sa bayan natin at siya naman ay laging kasama ng daddy niya sa pamimili ng mga palay. Tuwang-tuwa ako sa batang iyon dahil napakabait at palakaibigan. Ipinakiusap niya sa kanyang ina na kunin akong katiwala ng mansiyon nila at dahil nag-iisang anak ay hindi siya natanggihan ni Mrs. Sandoval. Hanggang sa mag-asawa si Cipriano ay kinuha niya akong siyang tagapag-alaga ng anak niya. Ako ang nagtaguyod kay Cecil m

