“S-Sir…” mahinang-mahina ang tinig niya na hindi rin niya alam kung umabot man lamang ba sa pandinig ng kaharap. “I’m giving you three sentences to explain, Chiko.” May diin sa pagsambit nito ng pangalang iyon kaya alam niyang wala na siyang maitatago pa rito. “Sir Steve…” “Only three sentences, do you hear? Begin.” Tila nagbabaga ang mga mata nito sa galit at tila ano mang sandali ay mananakit ng tao ang anyo nito. Unti-unti ay umangat ang kaniyang isang kamay at inalis ang suot na sombrero. Natambad sa mga mata nito ang tunay niyang anyo. Naglaglagan sa gilid ng kaniyang mukha maging sa batok ang ilan niyang buhok na hindi nagawang itago ng hair pin. Napayuko siya nang marinig ang tila pagsagap nito ng hangin sa natuklasan. “Talk!” Napaatras ang isang paa niya nang sumigaw ito. D

