UMAGA na at inaantok man ay hindi magawang matulog ni Cheka sa loob ng silid na iyon na tanging si Steven lang ang kasama. Paano niya ngayon iuuwi ang lalaking ito gayong daig pa nito ang mantika kung matulog? Naupo siya sa kanang bahagi ng kama at saka sinubukang itihaya si Steve. Umungol lang ito pero ni hindi natinag. Pababayaan ba niyang makatulog ang amo sa ganoong posisyon? Paano kung atakehin ito sa puso at hindi na magising? Hindi malabong mangyari iyon dahil bukod sa lasing si Steven ay hindi pa maayos ang paraan ng pagkakahiga nito. Nakonsensiya naman siya kaya muli niyang sinubukang itihaya ito. This time ay natinag na ang binata. Tumihaya ito sa pagkakahiga pero natagpuan niya ang isang kamay na nasa ilalim ng malapad na likod nito. Iniangat niya sa kama ang sarili para bawii

