PATINGIN-TINGIN sa pinto ng kusina si Francheska, hinihintay kung papasok si Steven. Kanina pa kasi niya naihanda ang dinner ng binata pero halos lumamig na ang mga iyon ay wala pa rin ito. “Inaantay mo si Sir Isteb, beh?” Nalingunan niya ang nakangiting si Tessa. Galing ito sa dirty kitchen at may dalang mga malilinis na baso sa isang tray. “Alangan namang para sa’yo ‘to, hindi ba? Natural, dinner ni Sir ito, ano ba!” nakangiti niyang sagot dito. “I-microwave mo na at saka ipanhik sa silid niya. Sa tingin ko’y hindi bababa ang iyong prinsipe.” “Bakit naman?” “Masakit ang ulo noon, kaya nga maagang nauwi kanina. Hindi mo ba alam?” Bumalik sa isip niya ang ilang beses na parang pagkunot ng noo ni St

