“WHO are you?” tanong ni Steven kay Gabrielle. Nanlalaki ang mga mata nito at hindi halos mai-process sa isip ang mga nangyayari. Tila lalo itong nalito nang ilahad ni Gab ang kanan nitong palad. “My name is Gab, Gabrielle Cortez, Francheska’s new friend and handler.” “New friend and...ikaw si Gab? B-babae ka?” Nilingon ng bisita ang sariling kabuuan. “Yes, mukha ba akong lalaki?” nakangiti nitong biro. He carefully scrutinized the way she looked. Naka-leggings ito ng itim na tinernuhan ng white rubber shoes at sa itaas ay isang loose white collared blouse na halos umabot sa gitnang hita nito. Nakasuot ito ng kulay asul na medalyon na native style. Nakalugay ang buhok nitong hanggang balikat. The woman must be in early fifty’s, if he was not mistake

