Chapter 36

1685 Words

“TESSA, nakita mo ba si Francheska?” tanong ni Steven sa kasambahay na nagdidilig ng halaman.             “Ay, maagang umalis, Sir,” anitong hindi tumitingin sa kaniya.             “Saan naman nagpunta? Nag-groceries ba? Kasama ni Mang Caloy?”             “Aba’y ‘di ko man alam, Sir. Hindi ako nagtanong.” Araw ng Linggo at alam naman niyang pahinga iyon ng mga kasambahay pero hindi si Francheska. Kahit araw ng Linggo ay hindi ito umaalis ng bahay. Palagi itong nasa paligid at nakikita niya sa buong maghapon kung nasa bahay lang din siya. Pero iba ngayong araw. Pagbaba niya ay wala ito saan mang parte ng bahay. Inakala niyang nasa garden lang ito kaya nagtaka siya ng maging doon ay wala ang dalaga. “Nakabihis ba siya?” muli niyang tanong. Isang pilyang ngiti ang ibinigay ni Tessa sa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD