Chapter 35

2091 Words

“PAKITAWAG nga ang amo mo, Inday. Tell him I’m home. Lipat kamo siya sa kabila mamayang hapunan.” Iyon lang ang narinig ni Francheska at muli nang tumalikod si Chelo. Umakyat ang dugo niya sa ulo at agad na nainis. Kung maaari lang ay hablutin niya ang mahabang buhok nito para matuto ito sa mga sinasabi ay gagawin niya. Pero natural ay hindi naman niya gagawin iyon. Hindi niya gugustuhing magalit si Steven sa kanya. Laking pasalamat nga niya na isang linggong hindi lumipat sa kanila ang babaeng ito. Naisip niya, marahil ay pinagsabihan ni Steve kaya naman lalong tumingkad ang pagtingin niya sa lalaki. Pero ngayon ay tapos na yata ang maliligayang araw niya dahil muli na namang nagpakita ang intrimitida ng taon. Ano ang sadya ni Chelo roon? Bakit nito gugustuhing makita si Steven? Bak

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD