ATUBILI man ay walang nagawa si Francheska nang gisingin ni Steven si Mang Caloy upang ipag-drive sila papunta sa bahay ni Nana Aning. Sa tabi ng driver’s seat siya naupo habang sa likuran naman naroon ang dalawa. Habang daan ay panay ang dasal niya nang tahimik. Natawag na yata niya halos lahat ng santong kilala niya. Kabadong-kabado siya sa consequence ng pinaggagagawa niyang kalokohan. Nang sa wakas at marating ang bahay ni Nana Aning ay halos lumundag na ang puso niya sa kaba. Tila ano mang oras ay lalabas na iyon at tatakbo palayo upang takasan ang nakaambang kahihiyan niya. Umibis silang tatlo at nagpatiuna na siya sa paglalakad. Pagtapat sa pinto ay bumulong siya ng maikling panalangin at saka kumatok. Nasa likod naman at bubulong-bulong lang si Chelo na paminsan-minsan ay sinasaw

