Chapter 32

1318 Words

LAMOG na ang karne pero hindi pa rin tinigilan ni Francheska ang pagtadtad doon. Bakit naiinis niya? Bakit asar na asar siya sa isiping maghapong magkasama sa labas sina Chelo at Steven? Ano naman ang kiber niya kung magkasama man ang dalawa? Una sa lahat ay alam naman niyang ito lang ang tanging babaeng minahal at pinahalagahan ni Steven. Kung nagtampo man ang lalaki noong mga panahong umalis si Chelo ay natural lang iyon. At dahil mahal nito ang huli, natural lang din na mapatawad nito agad ang dalaga. Kaya pala walang relasyong tumatagal dito. Mapa-Debbie man, Honey o Cassandra, hindi umubra ang mga ito sa lalaki. Kaya pala--dahil may ibang laman ang puso nito. Sa isang banda ay nakakahanga ang pagkatao nito. Saan ka pa ba makakakita ng lalaking gaya nito? Na sa loob ng ilang taon ay n

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD