Chapter 31

1262 Words

IKATLONG araw na niyang namamasukan kay Steven nang magdesisyon si Nana Aning na magpaalam. Uuwi na raw ito at babalik sa susunod na buwan sa eksaktong petsa ng pag-alis nito. Magkakahalong emosyon ang naramdaman ni Francheska lalo at hindi niya alam kung ano ang damdamin ni Steven sa pananatili niya roon. Lungkot dahil wala siyang kasama, liban sa driver na si Mang Caloy at Tessa, at pag-aalala naman para sa sarili laban kay Steven. Mula kasi nang dumating siya roon ay hindi naman siya pinagkakakausap nito. Hindi niya tuloy alam kung naiinis ba itong talaga sa kanya, na-iintimidate o ano. Basta ang alam niya, masaya siya na nakabalik siya roon. Masaya siyang muling nakikita si Steven at masaya siyang nakakasama ito sa araw-araw. Kung bakit ay hindi niya alam at hindi na rin niya ibig pan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD