Hailey's POV Nagkatinginan kaming lahat. Mababakas mo sa mga mukha namin ang halong takot at kaba dahil sa sitwasyon namin ngayon. Kung tama ang pagkakaintindi ko sa sinambit ni Miss Laura kanina, maglalaban-laban kaming magkakaklase kasama ang mga opposite kuno daw namin. Itong nilalang na kamukhang-kamukha namin na nakakonekta samin gamit ang isang espesyal na posas. Hindi ko alam kung papaano ito magsisimula. Tahimik ang lahat. Nagtitinginan. Naghihintay kung sino ang unang gagawa ng pag-atake. Subalit halos lahat ay takot. Hindi ko maintindihan kung bakit. Magkakaiba. Iisang mukha na iba ang pag-uugali. Nakakalito. May ngumising isa. Ang kamukha ko. Bumilis bigla sa pagtibok ang puso ko. Mukhang may balak na ito na umatake o sugurin ang isa sa mga kaklase ko. Napahigpit ang hawak

