Third Person's POV Naglabasan na ang mga estudyante ng Section Nobility sa classroom nila nang sandaling magbukas na ito. Ramdam nilang lahat ang pag-asa at tuwa. Dahil sa wakas, ay makaaalis na rin sila ng paaran nila. Ngunit nagkakamali silang lahat. Dahil imbis na pag-asa ang kanilang matagpuan, ay mga nakamamatay na patibong ang kanilang pagdadaanan, bago makarating sa kanilang paroroonan. Ang makalabas ng kanilang mala-impyerno ngayong paaralan. "Walang tatakbo!" Sigaw ng gurong-tagapayo na si Miss Katarina sa mga estudyante niya. Alam niya kasing magtatakbuhan ang mga ito pagkalabas. Kaya naman, gumagawa na siya ng paraan upang maiwasan ito. Dahil nababatid niya na may mangyayaring masama sa mga ito, oras na kumilos ang mga ito agad-agad. Kilala niya ang nagbago nang si Miss Laura

