Jake's POV Hanggang ngayon ay hindi pa rin pumapasok sa utak ko kung ano ba itong kabaliwang nangyayari samin ngayon. Gulong-gulo ako. Nahihirapan akong intindihin ang lahat. Ayoko ng ganito. Hindi ko kayang pumatay. Lalong-lalo na kung taong malalapit sakin. Naduduwag ako. "Tutunganga na lang ba tayo dito? Ayaw mo bang sumali tayo sa kanila?" Tanong sakin ng opposite ko habang matalim siyang nakatingin sa mga naglalaban. Kung siya nga ang kabaliktaran ko, nasisiguro kong wala siyang inaatrasan. Hindi siya duwag at wala siyang kinatatakutan. Kumpara sakin na walang ibang alam kungdi ang matakot at maduwag. Ibang-iba ko sa kanya. Ang hirap isipin na ganito pala ako sa ibang pagkatao. Nakakakilabot at nakakatakot. Mukhang maamong tupa kung titignan subalit isa palang mabangis na halimaw.

