Miss Laura's POV Napahalakhak ako ng malakas nang makitang bumagsak na rin ang garapon nina Kenn at Brix na ipinatong ko sa ibabaw ng lamesa. Sinasabi ko na nga ba. Tama ang desisyon ko na palabasin ang opposite ng dalawang iyon. May hindi magandang mangyayari. "Malapit nang mag-umaga," sabi ko at sandaling tinapunan ng tingin ang orasan. Madaling araw na at mukhang panahon na para tapusin ang huling tao bago ko simulan ang laro. Ang Mr. Marcelino na iyon. Kailangan na niyang mamatay. Magiging hadlang lang siya sa mga plano ko kung mananatili pa siya kaya kailangan ko na siyang tapusin hangga't may oras pa. Pagsikat ng araw, magsisimula na ang laro. Ang inakala ng mga estudyante kong isang normal na araw ay magiging kakaiba dahil sila ang mga napili kong kalahok para sa inimbento kong

