Brix's POV Hindi ako mapakali. Hindi ako mapalagay. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Kakaiba. Tila ba, nasa panganib ako. Pumikit ako at sandaling nanalangin. Pagdilat ko'y lumapit ako sa bintana at pinagmasdan ang kabilugan ng buwan. "Sana walang mangyaring masama." Napalingon ako bigla sa pintuan ng kwarto ko nang makarinig ako ng kalabog. Napaisip ako. Sino ang lumilikha nun? Samantalang, ako lang naman ang bukod tanging tao na nandiriro sa bahay namin. Kinikilabutan ako. Hindi kaya, multo ito at tinatakot ako? Mas lalo pa akong kinabahan nang makarinig naman ako na tila ba may nagtatakbuhan sa loob ng bahay. Hindi na ito tama. May iba pang tao sa bahay namin. Ngunit, sino? Hindi ko na napigilan pa ang curiosity ko at lumabas na nga ako ng kwarto. Isang kalabog

