Mayumi's POV Sa larong ito, hindi ako matatalo. Hindi ako mamamatay at walang sinoman ang maaaring pumatay sakin. Uunahan ko sila. Hindi nila ako madadaig. Aalisin ko muna ang takot na nararamdanan ko at hahayaang balutin ng kasamaan ang buo kong pagkatao. Ito lang ang tanging paraan upang ako ang tanghaling panalo. Ito ang magpapanalo sakin. "Sumuko ka na!" Sigaw sakin ni Hailey. Ilang dipa lang ang layo nila samin ng opposite niya at naiirita talaga ako kapag nakikita sila. Doble ang inis na nararamdaman ko. Hanggang ngayon ay hindi pa rin mawaglit sa isipan ko ang lahat ng kalandiang ginawa niya. Kung papaano niya nasulot ang boyfriend kong si Neil nang hindi ko man lang namamalayan. Pinagkatiwalaan ko siya. Kinukwento ko lahat sa kanya na hindi ko naike-kwento kina Chloe at Bianca.

