Jiro's POV Mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakasakal niya sa leeg ko. Sigurado akong nahihirapan na rin ang opposite ko sa mga sandaling ito. Hindi na kami makahingang dalawa. Kailangan naming makagawa ng pag-atake upang bitawan na nila kami. Bwisit talaga siya kahit kailan. Paksh*t ka, Austin! "B-bi-bitawan... n-niyo k-kami," dinig kong sambit ng opposite ko. Nairita ako nang ngisian lang nila kami. Mga bwisit talaga sila. Hindi sila patas makipaglaban. Totoo ngang opposite ni Austin itong kaharap ko. Maduga. "Hindi kasama sa rules ang pandaraya." Isang matalim na pagtitig lang ang natanggap ko. Tumalikod silang dalawa samin at may kung ano silang kinuha sa may dulo ng silid kung saan kami nakakulong ngayon ng opposite ko. Halos mapatalon ako sa gulat nang makita kung ano ang

