"Katigbak. Ano nanaman ba ang ginagawa natin dito?" Reklamo ni Lira.
"Hindi ka pa ba nagsasawa? Anim na taon na natin 'tong ginagawa, anim taon Mira! " Sarkastikong sabi naman ni Nira.
Napaingos ako sa sinabi nila, bakit di rin ba kayo nagsasawa anim na taon na rin kayong nagrereklamo naririndi na din kaya ako akala naman nila ikakaganda nila ang pagrereklamo ng paulit-ulit. Duh ini-stress lang nila eardrums ko. Syempre sinabi ko lang yun sa isip ko ayokong masabunutan 'no ang sakit kaya sa anit, takot ko lang 'nu baka malagasan ang buhok ko tiyak na mababawasan ang ganda ko tiyak kong iiyak ang langit.
Di ko na sila pinansin at patuloy kong ipinalibot ang mata, nang makita ko sa usual na pwesto nito sa may puno at natutulog ay napangiti ako, yung ngiting nagniningning pati eyeballs ko.
Ang gwapo niya talaga shyet! Aubrey Del Valle ang long time crush ko since Grade 7 palang kami nasa kalagitnaan na kami nun ng finals sa first semester nung nagtransfer sya, naging classmate ko pa sya nung time na yun dahil kahit matataas yung grade niya ay wala ng bakante sa ibang section kaya section 5 yung bagsak niya pero dalawang buwan lang yun dahil na transfer din siya sa FL nung sunod na semester.
Nung unang kita ko sa kanya habang nagpapakilala siya sa harap ay nagkacrush agad ako sa kanya, tingin ko ang cool niya tignan, confident din siya kahit may pagkamasungit ang dating pero parang isa yun sa nakadagdag ng appeal niya at halatang matalino siya dahil sa paraan ng pagsasalita at mga choice of words niya yung parang siguradung sigurado siya sa sarili niya pero hanggang doon lang iyon hanggang nung nakakahiyang first encounter talaga namin one week yun bago yung final exam, di ko namalayan doon na mas lumalim ang nararamdaman ko sa kanya.
Flashback
5:00 am palang nun nasa school na 'ko naniningil na kasi yung landlady sa inuupahan naming bahay eh wala pa kaming pangbayad kaya madaling araw na kami nagigising para tumakas at gabing- gabi na din kami uuwi, nagkakaproblema kasi yung factory na pinagtratrabahuan ni Tatay at tatlong buwan na siyang walang sweldo, pagkatapos naman ng shift niya at weekend ay umeextra siya kaya may pangkain at pangbaon ako sa isang linggo pinagkakasya nalang namin yun.
Habang tahimik lang akong naglalakad papunta sa bench na malapit sa gate ay nagulat ako nang may biglang kamay napumulupot sa bewang ko at itinali ang jacket nito sa akin, at ang mas lalong ikinagulat ko nung pagharap ko ay si Aubrey yung nandon nakatingin sa akin ng kalmado at walang mababakas na expression sa mukha. Napatingin ako sa jacket na sinabit niya saka pabalik sa kanya. Magtatanong sana ako ng maunahan niya akong magsalita.
"Ilang taon ka na? " Tanong nito na labis kong ikinagulat.
"Huh? Ah 12?" Tarantang sagot ko.
"Are you asking me? " Kunot-noong tanong niya saakin na agad kong inilingan. "Hmm. Is it your first time? " Tanong niya this time ako naman ang napakunot noo.
"First time? " Confused kong tanong.
"First time having your period" Casual lang na sabi nito habang ako ay halos lumabas na ang eyeballs ko sa gulat. Agad kong inalis ang jacket niya at tinignan ang skirt ko at may dugo nga iyon kaya ata kanina pa masakit ang puson ko na akala ko tiyan lang nasumasakit dahil sa gutom.
Agad na namula ang mukha ko sa hiya at napatakbo sa school gate pero sarado pa iyon malas talaga.
Napayuko nalang ako dahil sa naiiyak na ako hanggang sa nakita ko ang sapatos niya na nakatapat saakin pagangat ko ng tingin ay kaharap ko siyang nakatayo habang nakapamulsa at matamaang nakatingin sa akin.
"You can just go home and change you know" Kalmadong sabi nito. Doon na tumulo ang luha ko na pilit kong pinipigilan kaya yumuko ako dahil nahihiya akong makita niyang yun. "He-y, umi.i.iyak ka ba? Wala akong ginagawa sayo" Utal na sabi niya kaya natawa ako kahit na patuloy ang pagtulo ng masaganang luha sa mga mata ko.
"Okay lang ako maraming maraming salamat wag kang maalala ibabalik ko rin 'tong jacket mo " Sabi ko at tumalikod na saka naglakad ng nakayuko dahil sa nahihiya ako baka may makakita sa akin hindi ko din alam kung saan ako pupunta dahil pagbumalik ako sa bahay lagot ako kay Aling Rosing.
Hindi ako iyakin, hindi ko din alam kung bakit ako umiiyak ngayon, siguro lumabas na lahat, yung frustration sa buhay ko, yung awa sa sarili ko, yung inis na di ko man lang matulungan ang Tatay ko at yung galit sa sitwasyon namin.
Nang makakita ako ng malapit na tindahan ay agad kong kinapa ang bulsa ko pero wala doon ang pera ko, agad kong kinalkal ang loob ng bag ko pero wala din doon, ng maalala ko na naiwan ko iyon sa lamesa sa bahay ay inis na sinabunutan ang buhok ko at napapadyak sa galit. Gigil na gigil na ako gustong-gusto ko ng sumigaw sa galit.
Nang mapagod ay sumalampak nalang ako sa lupa at doon umiyak ng umiyak. Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakasalampak at umiiyak doon. Napa angat lang ang tingin ko nang may nagsalita.
"Hey~ Wala kang mauuwian? Do you want to come with me?" Seryoso nitong sabi habang nakalahad ang kamay niya saakin. Tinignan ko muna iyon ng matagal bago ko tanggapin iyon, tinulungan niya akong tumayo, at ninagpagan pa nito ang saya at tuhod ko na madumi na, parang may mainit na kamay na humaplos sa puso ko dahil sa ginawa niya.
Bukod kay Tatay siya palang kasi yung trumato sa akin ng ganto dahil wala naman akong kaibigan.
"Follow me" Sabi nito saka nagpatiuna sa paglalakad nang hindi pa rin binibitawan ang kamay ko.
Ilang minuto lang ang nilakad namin bago kami huminto sa tapat ng malaki at napakagandang bahay. Black at white ang tema nito napakaeleganteng tignan.
Del Valle
Basa ko sa nakasulat sa gate. Nanlaki ang mga mata ko ng marealize ko kung nasaan kami. Malaki na ito para sa akin yung bahay kasi nila yung tipong pang middle class pero napakalawak naman ng lupain nila, ang alam ko isa sila sa pinakamayaman at maimpluwensiyang pamilya sa bayan namin at kung ikukumpara sa gobernador at mayor ang bahay nila ito na ang pinakamaliit. Parang sinadya iyon, dahil sa napakalawak ng hardin at naaaninag ko parang basketball court sa kaliwang bahagi ng bahay nila.
"Shh~" Sabi lang nito kaya tumahimik na lang ako.
Pagkapasok namin ay agad kong nilibot ang mata ko sa paligid. Napapasinghap nalang ako sa ganda lalo na yung garden nila punong-puno ng iba't ibang klase ng bulaklak.
Tumigil kami sa may kanang bahagi ng bahay nila at nakita ko doon ang isang play house, nanlaki ang mga mata dahil sa parang 3x na mas malaki pa iyon sa inuupahan namin at maliit pa rin sa bahay nila. Grabe ang yaman nila.
"Bakit ngayon ka lang ba nakakita ng playhouse? " Tanong nito pero mahihimigan doon nag pangaasar.
"Hindi nagulat lang ako dahil 3x na mas malaki pa ang playhouse niyo kaysa sa bahay na tinutuluyan ko" Wala sa sariling sabi ko.
"What? Seriously? " Walang pangiinsulto o pangungutya sa tono ng pagtatanong niya.
"Oo. Wow! Grabe ang yaman niyo" Humahangang bulalas ko habang manghang nakatingin sa paligid.
"You're finally smiling. Come in" Sabi nito sa akin.
Pagpasok palang ay nakita ko doon ang iba't ibang laruan na panlalaki, marami ka ring librong makikita, nagulat din ako dahil ang lambot ng sahig akala ko talaga totoong kahoy dahil sa parang totoo talaga yung wooden print ng sahig. Pagtingin mo sa gilid ay may dalawang pinto.
"Comfortroom is on that side" Turo nito sa left side na kwarto. Nakita ko siyang umupo sa upuan saka kinuha ang libro habang ako ay nakatanga lang doon. "Ahh right, here" Sabi niya sabay abot sakit ng hawak niya nanlaki ang mga mata ko ng makita kong napkin iyong hawak niya.
Agad kong kinuha iyon sa kamay nito saka nagmamadaling pumasok sa cr pero iba ang nabuksan kong pinto kwarto narinig ko ang mahina niyang tawa. Tiyak na naamumula na sa hiya ang buong mukha ko. Agad kong binuksan ang isa pang pinto.
Halos kalahating minuto ako doon naglagi dahil sa nilabhan ko pa ang panty at saya ko at sinuot rin iyon kahit basa pa pero hindi naman ganon ka basa yung spot lang kasi na natagusan ang nilabhan ko. Paglabas ko nakita ko siyang bored na bored na nakaupo sa pwesto niya.
"Tara na?" Tanong nito na tinanguan ko.
Nasa likod lang ulit ako nakasunod sa kanya hanggang sa makarating kami sa school ay tahimik lang kami at walang nagsasalita.
"Ah. S---"
"Mr. Del Valle it's a good thing that I saw you here I have something to discuss with you, come with me in the office"
Magsasalita palang sana ako nung magsalita ang Principal na nasa likod lang namin.
"Salamat" I mouthed nung tinignan niya ako, tumango lang ito bago sumunod na sa Principal. Napabuntong hininga nalang ako nung di ko na siya matanaw.
Di ko na siya nakita buong araw gusto ko sanang magpasalamat pa ulit kaso wala eh sobrang nanghihina na rin ako dahil sobrang sakit ng puson ko.
End of Flashback
Pagkatapos din ng tagpong iyon ay buong linggo din akong hindi nakapasok dahil nung gabi nang araw na iyon ay hinintay pala talaga kami ni Aling Rosing at alam niyang pinagtataguan namin siya, galit na galit siya at pinalayas kami wala kaming mapuntahan, sa ilalim ng tulay muna kami natulog nung gabing yun, buti nalang din at yung kaibigan ni tatay ay tinulungan kami, sa kubo nila muna kami tumuloy yun lang kasi talaga kaya nilang itulong sa amin di na ako pumasok naghanap na muna ako ng trabaho at nakuha naman ako bilang tindera sa palengke ng apat na araw, napagalitan nga ako ni Tatay nung malaman niya yun. Hanggang sa buti nalang bago ang araw ng exam ay naswelduhan na rin sila Tatay pero huling sweldo na iyon isa sya sa natanggal sa trabaho naghanap agad kami ng mauupahan nakahanap kami mas maliit iyon sa dati naming tinutuluyan pero okay na iyon at least may matutuluyan kami.
Hindi ko inaasahan nung time na yun kung kaylan kailangan ko ng tulong, siya yung nandoon para sa akin. Nung una gusto ko lang siyang makita upang pasalamatan at isauli ang jacket niya pero mailap ang pagkakataon dinadaga ako pag nasa harap ko na siya hanggang sa di ko na namalayan naging ritwal at naging parte na iyon ng buhay ko at ang kaunting pagtingin ko sa kanya ay biglang lumalim para na nga akong tanga sa apat na taon ko sa high school siya na lang palagi ako inisip ko, gustung-gusto ko siyang nakikita araw-araw pero pag nagkakasalubong na kami ay nagtatago agad ako.
"Mira! Mira! Miraaaaa!" Malakas na bulong ni Lira sa tenga ko. Tinignan ko siya ng masama. Kung di lang talaga ako mabait baka kanina ko pa siya nasapak.
"Nag di-daydream ka nanaman" Sabi naman ni Nira sabay sabunot sa akin.
"Aray ah~ ang brutal niyo talaga kainis kayo, tara na, tara na! " Inis akong tumayo at nagmartsa pabalik sa room namin. Insecure talaga sila buhok ko kaya yun lagi ang puntirya nila, pasalamat talaga sila dahil mabait at maganda ako. Anong connect? Connect mo sa bluetooth, letse. Tinignan ko muna ng huling sulyap ang mahal ko at tulog pa rin ito. Hindi ko alam sa magaanim na taon kong pagsunod at pagmamasid sa kanya lagi lang siyang tahimik at nagiisa, saka lang siya magsasalita pagkinakausap, sobrang talino pa lagi siyang perfect sa quizzes at exam, tapos lagi pa siyang Top 1 di lang sa class room nila pati sa over all ranking pa, ang cool diba? Ang galing kong pumili eh, hehe. Isa pa marami ang nagtangkang kaibiganin siya pero siya itong lumalayo, napapansin ko din na ayaw na ayaw niyang hinahawakan siya, pag may nagtatangka ay agad niyang iniiwasan saka aalis kahit sino pa yung kaharap niya. Hayy ang weirdo din ng mahal ko pero di bali bawing bawi naman dahil ang gwapo niya hahaha.
Hayy. Ako ang nalulungkot para sa kanya ang saya kaya ng may kaibigan kahit na minsan nakakainis pero hindi mo maitatanggi na sila ang matatakbuhan mo pag may kailan ka, napagsasabihan ng mga hinaing mo at kasama mo sa kalukohan. Kahit na isa sila sa stressor ko wala akong pagpipilian naaawa naman ako sa kanila kung lalayuan ko sila mawawalan sila ng magandang kaibigan.
"Hayy tara na nga" Mabigat ang loob kong sabi saka nagpatiuna nang maglakad habang nakasunod lang ang dalawa sa likod ko. Hahaha. Mga alepores ko, maganda ako eh.
• • •
Ganon pa rin ang araw ko, pagkatapos ng klase ay pupunta sa Karenderya ni Tatay at tutulong doon tapos ay uuwi ako ng alas otso dahil sa may pasok pa ako bukas, alas dyes kasi nagsasara si Tatay, iyon yung karenderya na yun ang isa naipundar niya sa huling sweldong nakuha niya sa pinagtratrabahuan niyang factory.
Nung una ay ibinabalot niya iyon saka nilalako at sa awa ng diyos bumenta at nagkaroon siya ng sapat na pera para makaupa at ayon na nga nagtuloy-tuloy na hangang sa nabili na niya ang lupa at naging amin na iyon magaapat na taon na din ang karenderya niya at proud ako dahil napalaki niya ito, hindi nalang ito naging simpleng karenderya maihahanay na ito sa mga restaurant, yun nga ay binabalak na niya itong gawing second floor at kumuha ulit ng ibang trabahante bukod Kuya Rico, Kuya Carlo at Ate Yanna na naging katuwang na niya simula nung lumaki ang karenderya.
Dahil din sa karenderya ay nakabili kami ng bahay at lupa yung amin talaga nagbabalak na kaming lumipat doon ngayong sabado.
Nasa usual spot ko pa rin ako sa tuwing natatapos akong maghalf bath at di makatulog ay pumipwesto ako sa bintana habang nakatitig sa buwan at mga bituin. Wala lang feeling ko kasi nakakarelate yung mga mata ko sa kanila, maganda, payapa at nagniningning, hihi.
Ilang minuto akong nakatanga, napabuntong hininga nalang ako ng sumagi nanaman sa utak ko si Aubrey. Hayy mahal kailan mo kaya ako mapapansin?
"Ang lalim naman nun" Napalingon ako nang may biglang nagsalita sa likod ko. Si Tatay pala kakarating lang niya dahil nakasukbit pa rin ang bag niya sakanya. Lumapit siya sakin at ginulo nanaman ang buhok ko na ikinanguso ko. Inayos ko muna ang buhok ko saka bumuntong hininga ulit at tumingin sa mga bituin. "Hulaan ko ang dahilan niyan. Yung crush mo nanaman, nagseselos na ako ah lagi nalang siya ang iniisip mo" Kunwaring nagtatapong sabi nito. Lagi ko kasing ikwenikwento kay Tatay ang crush pero hindi niya alam ang pangalan. Parang batang niyakap ko si Tatay saka sinandal ang ulo ko sa dibdib niya. Wala lang alam kong kahinaan ni Tatay ang yakap ko hihi.
"Wala naman kayong dapat ikaselos ni di niya nga ako kilala at di niya alam ang existence ko. Kaya wag kang magalala Tay" Mabigat ang loob na sumbong ko dito. Kaya minsan naaawa ako sa mahal ko dahil di pa siya nakakakita ng tunay na kagandahan, di niya pa ako nakikita eh. Rinig ko ang mahinang pagtawa ni Tatay.
"Hay naku! Ang anak ko dalaga na talaga. Eh kung ganon ang sitwasyon bakit hindi ikaw ang gumawa ng unang hakbang para mapansin ka niya. Alam mo hindi sa kinukunsinti kita, ang ayoko lang ang may pagsisihan ka sa huli. Ang ganda-ganda kaya ng anak ko aba ang swerte nung lalaking yun at isa pa Katigbak ka at ang Katigbak---" Pinutol ko ang sasabihin niya at pinagpatuloy ko iyon.
"Ay walang inuurungang hamon at di papatibag!" Masigla kong sabi na sabay naming ikinatawa ni Tatay. Kaya mahal na mahal ko si Tatay siya lagi ang nagaangat ng confidence ko "Salamat 'Tay huh. The best ka talaga" Nakangiti kong sabi saka niyakap ulit siya ng mahigpit. "Shooting Star, wish tayo! " Masayang sabi ko saka mabilis na kumalas sa yakap at ipinaglapat ang mga kamay ko saka pumikit.
"Sana, sana mapansin na talaga ako ni Aubrey"
Ito ang lagi kong hinihiling sa tuwing desyembre na kinukompleto ko yung simbang gabi, kasi ang sabi pag makompleto mo yun pwede kang humiling at lahat ng hiling mo matutupad lagi yun ang hinihiling ko pati sa mga bulalakaw at wishing well mapansin niya lang ako.
Ayokong may pagsisihan sa huli kahit alam kong napakaimposible dahil napakalayo ng agwat namin, hindi lang din naman ako tanging babae na humahanga at nagkakagusto sa kanya alam ko maraming katulad ko na naghahangad din na mapansin niya pero mas naniniwala ako sa katiting na pagasa na hanggang malapit lang siya at natatanaw ko pa siya hindi pa rin ako susuko.
Akala nila simpleng crush lang, simpleng puppy love lang, simpleng paghanga lang ang nararamdaman ko sa kanya.
Maaaring ganon nga hindi ko alam kung pagibig na ang nararamdaman ko sa kanya o one great love ko na siya gaya ng laging sinasabi ni Tatay kay nanay.
Ayokong magsalita ng tapos dahil masyado pa akong bata at sa edad ko alam kong normal lang 'tong nararamdaman ko sabi nga nila masyado pa kaming mapusok.
Ang alam ko lang at sigurado ako lahat gagawin ko para sa kanya, kahit magpakagaga pa ako at magmukhang tanga ayos lang.
Kahit alam kong imposeble at malabo ang gusto kong mangyari wala akong paki ayokong may pagsisihan ako sa huli.
Alam kong worth it naman siya masyado lang talaga siyang matayog at napakahirap abutin, para siyang bituin sa kalangitan na napakaganda at napakakinang pero napaimposibleng maabot.