Lantang gulay akong naglalakad sa corridor ng school paano ba naman madaling araw na ako nakatulog dahil sa sinabi ni Tatay pinagisipan kong mabuti kung ano ang gagawin ko para mapansin niya ako pero parang hindi nakikisama ang magandang brain cells ko kaya ang ending wala pa rin akong maisip hayy kainis. Tiyak kong malaki na eyebags ko huhu nabawasan tuloy ng one percent ang ganda ko.
Nakita ko si Nira at Lira sa usual spot namin sa may bench dahan dahan akong lumapit sa kanila at nung makalapit ako ay ginulat ko sila na ikinahiyaw nila, tawa ako ng tawa sa naging reaction nila ang epic eh. Sabay nila akong sinamaan ng tingin kaya tumahimik na ako at umupo sa gitna nila.
"Nga pala plano ko ng ipagtapat ang feelings ko kay Aubrey my loves ko" Nakangiting imporma ko na ikinatigil nila. Ilang minuto pa ang nakaraan bago magsalita si Nira.
"Seryoso ka? " Parang di naniniwala na tanong ni Nira sa akin. Nakangiti ko lang siyang tinguan bahala sila basta good mood ako ngayon.
"Hmm. Sige, good luck" Walang ganang sabi ni Lira at binalik ang pansin sa cellphone niya. Napanguso nalang ako dahil sa naging reaction ni Lira.
"Anong balak mong gawin? " Napangiti ulit ako dahil sa tanong ni Nira buti pa siya may pakialam kaya love na love siya.
"Hmm. Yun na nga eh di ko pa alam" Nawala na ang ngiti ko at napalitan ng pagnguso ng maalala kong wala pa pala akong maisip kung paano ako mag ko-confess. "Tulungan niyo naman ako Nira, Lira" Pacute kong sabi habang nakahawak sa braso nila. Parang nandidiring inalis ni Nira ang ulo ko na nasa balikat niya. Psh, sungit talaga nitong babaing 'to. Siya pa may ganang mandiri eh ang swerte niya at close niya ang isang kagaya ko, di niya ba alam na masyado ng endangered ang confidently beautiful with a heart sa panahon ngayon.
Nira Rosales may pagkamasungit at tahimik lang siya, yung tipong may sariling mundo lagi, may pagka pranka, sa aming tatlo siya yung pinakamatalino dahil medyo masipag siyang magaral bakit medyo? Malalaman niyo rin, may pagkawierd basta iba yung kabaliwan niya yung tipong kinain na ang sistema niya ng anime medyo, siya nga ang class President namin. Maganda siya kung pagmamasdan mo siyang mabuti kaya lang di marunong magayos, slim din siya at maputi at magaling siyang magdrawing, pangarap niyang maging isang animator, kaya siguro ang wierd niya dahil sa puro anime ang nasa isip, at sa tingin ko naman may future naman siya sa field na yun.
Si Lira Negado siya naman yung tipong laging sumasakay sa kalukohan ko, sabihin na nating may kunti siyang pagkatanga pero napakasuportive niya, makulit at may pagkaisip bata. Maganda din siya at iba naman ang pagkaweird niya at dahil iyon sa out of the world niyang fashion sense niya pero lagi niyang sinasabi na trend yun. Psh, baka trend sa Planetang Namek kung saan siya nagmula Magaling din siyang magdrawing pangarap niyang mahilig siyang gumuhit ng mga desenyo ng mga damit at ang gaganda nun magaling din siya manahe actually yung mga damit niya ay siya lang ang gumagawa. At kung minsan ako din ang ginagawa niyang manikin at modelo ng mga damit na ginagawa niya, ayaw kasi ni Nira kaya ako lagi niyang napagtitripan ako naman si tanga sige nalang.
Ako naman si Miracle Katigbak, pero mas kilala akong Mira, ako naman yung tipong trouble maker, clumsy at accident prone ika nga nila. Wala akong partikular na talento at hindi din ako magaling sa kahit ano. Pero maraming nagsasabi na maganda at may ibubuga din ang katawan ko, di naman sa pagmamalaki pero consistent Muse ako ng namin dahil kung may ipagmamalaki man ako ay yun lang yun. Wala akong talent, di din ako matalino, confidence at ganda lang ang meron ako di ko ikinakahiya iyon dahil 'nu, kaya siguro ganon kasi na isip ni bro aba unfair nga naman sa iba na sa ganda kong 'to ay magiging matalino pa ako aba masyado na akong pinagpala nun maraming iiyak ng dugo hmmp.
Naging kaibigan ko sila nung Grade 7 ako nung second sem naging magkagrupo kaming tatlo sa iisang project at doon nagsimula ang friendship namin. Kahit na ibang iba ang ugali namin at ibang-iba ang kaweirduhan at kabaliwan namin ay nagkakasundo pa rin kami. Ang dami na naming pinagdaanan at masasabi kong sobrang tibay na nang friendship namin.
"Alam ko na!" Biglang sabi ni Lira. Tinignan ko siya ng pacute na tingin. "Ganito, hilain mo siya sa isang bakanteng room o di kaya ay sa tahimik na lugar para yung kayong dalawa lang sa ganung paraan ay di siya makakatangi at makakaiwas sayo tapos saka mo sabihin yung gusto mong sabihin!" Malakas at may pagmamalaking sabi nito parang proud na proud siya sa suggestion niya ayon tuloy naka tanggap siya ng batok kay Nira naikinanguso nito at ikinahagikhik ko.
"Love letter, bigyan mo siya ng Love let---" Hindi ko na siya pinatapos ang sasabihin niya pa sana agad ko na siyang dinamba ng yakap.
"Ahhhh~ ang talino mo talaga Nira!" Tumitiling sabi ko sakanya habang nakayakap ng mahigpit.
"Aray Mira! Nasasakal ako, bitaw na! " Nahihirapang sabi nito, kaya agad ko siyang binitawan, kita kong namumula na ang mukha niya. Opps napasobra ata. Sinamaan niya ako ng tingin nakangiting nagpeace sign lang ako sa kanya.
"Nye~ nye~ maganda din naman suggestion ko ah" Bubulong bulong na sabi ni Lira na di nakaligtas sa paningin ko kita ko pa ang mas lalong paghaba ng nguso nito. Nakangiting niyakap ko sila ng sabay.
"Super, super thank you talaga sa inyo, the best talaga kayo! " Kunwari ay madramang sabi ko sa kanila. Nangingiting napapailing nalang si Nira habang si Lira ay matamis na nakangiti sa akin saka sabay na tinugon ang yakap ko.
• • •
Pagkatapos ng klase ay nagmamadaling lumabas ako sa room di ko na hinintay pa si Nira at Lira di naman nila ako masasamahan may importante daw silang lalakarin. Psh! Ano naman kaya iyon at hindi pwedeng sabihin sakin. Ah, bahala sila!
Pupunta kasi akong Mall bibili ako ng special paper para sa gagawin kong Love letter, syempre 'nu kahit maganda ako kailangan ko pa ring mag effort yung lalaki kasing gusto ko ay yung pang greek god level.
Pakanta kanta ako habang nakangiti na naglalakad sa corridor, excited na ako, ini-imagine ko kung ano ang magiging reaksyon ng mahal ko pagnakita niya ako, mapanganga kaya dahil sa ganda ko, matulala dahil sa wakas nalaman niya na ang tunay na depenasyon ng kagandahan o di kaya mapatigalgal dahil parang may anghel sa harap niya. Yieee, hahaha.
Yung matamis kong ngiti ay napalitan ng ngiwi nung marinig ko ang boses ng taong iniiwasan ko sa tuwing uwian.
"Babes! " Malakas na sigaw ni Mikkie na nasa kabilang corridor pa. Ayaw ko manglumingon ay napalingon pa rin ako wala eh ako yung tipo ng tao na maganda sa loob at labas. Si Pia Wurtzbach kasi pinauso pa yung confidently beautiful with a heart ayon na tuloy ang naging motto ng mga endangered natural beauty na kagaya ko. Hayy, hashtag maganda problems.
"Uyy, Mikkie" Nakangiting bati ko sa kanya.
"Babes uuwi ka na? Tara sabay na tayo" Matamis itong nakangiti sa akin.
Siya si Mikkie Flores (A/N: originally pronounce as 'My Key' pero 'Mickey' as in Mickey Mouse naman ang pagpronounce ni Mira) ang long time manliligaw ko 'kuno' matagal na siyang nagpapalid hangin, nasa grade 8 palang ata kami nun nalove at first daw siya sakin, sabi sa inyo maganda ako eh, pero di ko sini-seryoso yun, tanging kaibigan lang talaga ang tingin ko sakanya, loyal kaya ako sa mahal ko. Diniretso ko na siya una palang pero matigas ang ulo ng lolo niyo maghihintay daw siya, o diba pang kdrama feels ang peg. Kung sa itsura at appeal ay di papahuli si Mikkie may ibubuga naman siya, kung ako ang laging muse ng section 5, siya naman ang laging Escort at sa totoo lang eh sikat siya sa school, varsity player at trouble maker din eh, may kaya sila, parehong professional ang mga magulang nito veterinarian ang tatay at elementary teacher naman ang nanay nito, apat silang magkakapatid at ito yung bunso, lahat ng mga kapatid nito ay tapos na at nagtratrabaho na siya nalang ang nagaaral. Mabait naman si Mikkie sa tingin ko perfect boyfriend at yun din ang tingin ng mga kaibigan ko. Pero anong magagawa ko yung dyosang puso ko tumibok sa isang greek god at hindi sa perfect boyfriend.
"Uyy tinatanong kita natulala ka nanaman sa kagwapuhan ko" Yung ngiti nito ay mas lalong lumapad na kitang-kita ko dahil sa nakayuko ito at pumantay sa akin kaya di na ako mapapagod kakatingala nahiya ang five flat kong height eh. Gusto sanang maparoll eyes sa kahanginan niya, pero pinigilan ko ang sarili ko mukha siyang masaya eh. Alam niyo ba ang mahalagang responsibilidad ng isang endangered natural beauty na gaya ko? Iyon ang makapagpasaya ng kapwa kaya di ko na binasag ang trip niya at nginitian ko nalang ito.
"Ano nga ulit ang tanong mo? " Kita ko ang pagngisi nito dahil sa tanong ko.
"Ang sabi ko uuwi ka na ba? Sabay nalang tayo" Dahan dahang sabi nito na parang bata ang kausap niya.
"Hindi pa may pupuntahan pa ako"
"Saan?"
"Basta"
"Saan nga? "
"Ehh. Sa mall" Napipilitang sagot ko.
"Sakto may bibilhin din ako doon. Teka kunin ko lang bag ko" Sabi nito at tumalikod na, parang doon lang ako nakahinga ng maluwag ah, saglit lang iyon dahil nilingon niya ulit ako kaya napaayos ako ng tayo. "Sumama ka na nga lang baka iwan mo nanaman ako" Bumalik ito at hinawakan ang wrist ko saka ako hinila.
Oh dina alam niya na agad ang plano ko lagi ko kasi iyong ginagawa sa kanya, ewan ko ba kung bakit pa rin siya nagtitiis sa akin ang dami namang nagkakagusto sa kanya, paulit-ulit ko na ngang sinabi sakanya na malabo na maging kami dahil may nagugustuhan na ako pero hindi talaga nagpapaawat kaya nagsawa nalang ako.
Napatingin ako iilang tao doon na nanonod sa amin at iilan sa kanila ang kita kong tinitignan ako ng masama, kaya iniiwasan ko si Mikkie eh bukod sa takot akong malagas ang beautiful hair ko dahil sa mga babaeng fans nito ay takot din ako sa gossip baka makarating mahal ko eh huhu edi wala na akong pagasa.
• • •
Nandito na kami sa DL Malls pagmamayari ito ng pamilya nila Aubrey, di lang kasi sila yung isa sa pinakamayayamang pamilya sa San Agustin. Department stores at Hotels ang alam kong business nila.
"Saan tayo?" Tanong nito habang may nakasabit na dalawang bag sa magkabilang balikat nito. Gusto kong matawa dahil hindi bagay sa kanya ang pink na bag.
"National Book Store " Sagot ko habang inaalala kung saan ang daan papunta doon. Sa gilid ng mata ko ay kita ko ang pagngisi nito.
"Dito ang daan mahal na Prinsesa" Kita ko ang mapaglarong tingin sa mga mata nito kahit na seryoso ang mukha niya. Napanguso ako dahil alam kong nagpipigil lang ito ng mapangasar na ngiti dahil sa alam nitong mahina ako sa direction, oo isa pa iyon sa mga flaws ko, eh ano naman at least maganda pa rin ako. Psh!
"Anong bibilhin mo doon?" Tanong nito habang patingin tingin sa paligid.
"Special paper"
"Bakit may project ba tayo na di ko alam"
"Wala"
"Anong gagawin mo sa special paper kung wala pala tayong project" Kunot-noong tanong nito.
"Hmm. Secret" Nakangiting sabi ko dito at nang matanaw ko na ang National Bookstore ay agad akong tumakbo papunta doon. At dahil nakay Mikkie ang bag ko ay dire-deretso na akong pumasok, agad akong lumapit sa sales lady doon at nagtanong kung saan ko makikita ang special paper at buti nalang mabait si Ate sinamahan niya ako papunta do'n dahil baka pag sinabi niya lang ay tiyak na naligaw nanaman ako.
Ilang minuto pa akong nakatayo at at nakatingin sa mga special paper nagiisip kung ano ang pipiliin ko ng dumating si Mikkie ng nakasimangot.
"Iniwan mo 'ko" Nakasimangot na sikmat nito.
"Akala ko nakasunod ka eh" Pagdadahilan ko habang matamaan pa ring nakatingin sa mga papeles.
"Mahaba haba yung pila isa lang yung guard nila ang kupad pa kumilos" Inis na sabi nito. Napanguso ako dahil masungit mood nanaman siya buti nalang di niya ako sinusungitan nakakatakot kaya yung makakapal at parang trinim na salubong niyang kilay, salamat talaga sa charm ko at mabait siya sakin. He's been the brother I never had na a-appreciate ko kung paano niya ako ipagtanggol sa mga crazy fans niya at kung paano niya ako ipagtanggol sa mga nambubully sa akin at isang tawag ko lang pupunta agad siya hay kung minsan sinisisi ko talaga yung charm ko dahil kung hindi lang siya vocal sa nararamdaman niya saakin at tanging kaibigan lang talaga ang turingan namin baka di ko siya iniiwasan at mas naging close pa kami, ayaw ko kasi siyang umasa sa wala. Maganda lang ako pero di ako paasa.
Hay naku balik na nga sa kung anong pipiliin ko hmm nahihirapan akong mamili sa sky blue at mint green na special paper.
"Alin ba dito mas maganda? Ito o ito? " Tukoy ko sa papel.
"Aanhin mo ba yun? " Tanong ulit nito.
"Basta nga"
"Yung blue" Napipilitan nitong sagot.
"Thank you" Masayang sabi ko sakanya at kinuha na yung blue.
Pagkatapos kong magbayad ay lumabas na kami tinanong ko siya kung ano ba yung bibilhin niya nakalimutan niya na daw. Hmmp bahala siya.
Nag insist siya na ihatid ako di na ako pumayag pero nagpumilit siya na sa sakayan di na ako makatanggi pumayag nalang ako.
Nung malapit na kami sa sakayan ng tricycle ay tumigil muna ako kaya napatigil din siya. Kunot-noo niya akong tinignan.
Ilang sigundo ko muna siyang matamaang tinitigan magtatanong pa sana siya nang bigla ko siyang niyakap ramdam kong nagulat siya sa ginawa ko dahil sa kita ko na nanigas siya.
"Sorry at Thank you sa lahat, maiintindihan ko kung lalayo ka na saakin pagkatapos ng gagawin ko" Madamdaming sabi ko at palihim na pinunasan ang luha ko bago lumayo sa kanya.
Magsasalita pa sana ito pero tumakbo na ako papunta sa pila ng tricycle. Bago ako sumakay ay nilingon ko muna siya. Kita kong tulala pa rin siya habang nakatingin sa akin. "Bye! ingat ka sa paguwi! " Nakangiting sigaw ko dito bago pumasok sa tricycle.
Hinahanda ko na ang sarili ko sa magiging reaksyon niya bukas pero di ko pa rin talaga mapigilang malungkot. Importante na siya sa akin pero ayokong maging selfish. Alam kong gusto niya ako katulad ng pagkagusto ko kay Aubrey. Hindi ko man masabi kung ano ang hinaharap pero ayoko siyang umasa saakin, ayoko siyang masaktan kahit alam ko na wala akong pagaasa kay Aubrey handa akong sumugal kaya alam kong wala siyang pagasa sa akin.