Chapter 3: The Rejection

2623 Words
Lantang gulay ulit si watashi kinabukasan paano ba naman ang hirap pala talaga gumawa ng love letter sa taong gusto mo. God knows kung ilang papel ang nasayang ko, ilang puno din ang nasakrepensyo nun huhu sorry mother earth. Agad kong hinanap si Aubrey pinuntahan lahat ng madalas niyang puntahan pabalik pabalik din ako sa room nila pero hanggang sa magbell na hudyat na simula na ang klase ay hindi ko pa rin sya nakikita. Nung lunch hindi na ako nakasabay kayla Nira at Lira dahil sa hinanap ko siya pero wala talaga, hala baka di yun pumasok. Buong araw hanggang sa malapit na ang uwian ay di ko parin siya namataan kaya buong araw ding nakasimangot ang lola niyo ni di ako makausap ng matino nila Nira at Lira. Sinubukan ko nang magtanong sa mga kaklase niya pero nyeta lang nila tinignan lang ako saka aalis aba di ba nila alam kung gaano sila kaswerte at kinakausap sila ng isang dyosang kagaya ko ngali ngali ko nang masuntok ang iilan dahil kung nakatingin pa ay para akong alien na kakaiba at out of the world mga bwisit! Ayon uwian na nga nagmamadaling umalis ang dalawa may importante daw silang gagawin, ang ending loner ang peg ng dyosang si ako. Buti nalang di ko pa nakikita si Mikkie masyadong busy sa practice eh may game sila next week. Isa pa kasi yung stressor ko dahil mabait nga ako kinakain ako ng sense of guilt ko. Tama ba yun? Ah basta yun na yun. Walang ganang naglalakad ako palabas ng gate ng bigla kong mamataan si Aubrey as usual magisa nanaman itong naglalakad. Nagulat ako sa biglang pagsulpot nito, ang lakas ng t***k ng puso ko literal na wala na akong marinig sa paligid kundi yung malakas nalang na kabog ng dibdib ko pinagpapawisan na din ako ng malamig at di ako makakilos. Kinakabahan ako pero gusto kong matapos na 'to ngayong araw para makatulog na ako, aba baka magka wrinkles na ako 'nu dalawang araw na akong walang sapat na tulog. Agad akong nagpanic nung malapit na itong makalabas ng gate. Humugot muna ako ng isang malalim na hininga saka nagsimulang humakbang ng hindi ako makuntento ay tumakbo na ako. Buti nalang ay tumigil siya sa may exit kaya binilisan ko talaga yung takbo ko. Hingal na hingal akong humarap sa kanya. Pansamantala akong natigilan sa harap niya ngayon ko lang siya ulit nakita ng malapitan ang gwapo niya pa rin at nagmature siya, lalo na sa height kung dati ay halos magkasingyangkad lang kami ngayon ay hanggang balikat niya nalang ako. Napailing iling ako hindi dapat ito ang iniisip ko ngayon. Kaya mo 'to Mira! Fighting! "H-hi ahm I'm Miracle Katigbak from Class 5" Yung matamis kong ngiti napalitan ng ngiwi at nautal din ako dahil sa sobrang kaba, ngayon lang ako kinabahan ng ganto. Gosh! Masisira yung image ko dito. Huhu gusto ko pa sanang magpaligoy ligoy pero walang lumalabas sa utak ko hmm proceed bahala na. "Para sayo" Nahihiyang nilahad ko sa kanya ang love letter na pinagpuyatan ko buong gabi. "No thanks" Deritso at stern nitong sabi saka ako nilagpasan. Huh? Ano daw? Nabingi ata ako do'n. Parang matic na nagplay ng paulit-ulit yung sinabi ni Aubrey sa utak ko. "No Thanks" "No Thanks" "No Thanks" "No Thanks" "No Thanks" "No Thanks" Pansamantala akong natigilan at hindi makakilos dahil sa sinabi nito, ramdam ko rin na nakaalis na ito ni lingunin ako ay di niya ginawa, expected ko na ito, hinanda ko na din ang sarili ko worst na mangyayari pero ang sakit pa rin pala talaga kahit na hinanda mo na ang sarili mo. Di ko alam kung paano ako nakauwi ng safe, di na ako pumunta sa Karenderya ni Tatay, wala din akong ganang kumain. Pagkarating na pagkarating ko sa bahay ay agad lang akong nagtalukbong ng kumot at doon na tuluyang tumulo ang luha ko hanggang sa makatulog ako. • • • Walang buhay at malungkot ako habang naglalakad sa malawak na corridor kita ko kung paano ako pagtinginan ng mga taong nakakakita sa akin may tinging nanunukso, naaawa, nakikisimpatya at natatawa. Rinig na rinig ko din ang iilang bulungan nila pero parang hindi nagsisink in iyon sa utak ko at lumalabas lang iyon sa kabilang tenga ko. "Siya yung babaeng nagconfess sa harap ng gate diba" "Siya si Miracle Katigbak ng Class F diba. Hayy grabe kawawa naman siya" "Wow pare ang ganda niya ibang klase talaga si Del valle" "Nakakahiya yung ginawa niya" "Grabe ang tapang niya dahil kung ako yun baka di na ako pumasok" "Nakakahiya alam mo ba, hindi man lang siya pinansin ni Aubrey" "Siya din yung babaeng kasa-kasama ni Mikkie diba?" "Akala ko ba sila ni Mikkie" "Bagay lang yan sakanya niloko niya Mikkie" "Kawawa naman si Mikkie hindi niya deserve ang babaeng tulad niya" Iilan lang yan sa bulong-bulungang naririnig ko pero masyado akong malungkot para patulan siya. Dire-deretso lang akong naglakad wala akong pake kung anong masasakit na salita ang ibato nila sa akin sino ba sila para magjudge? Hay naku kainis 'tong mga tsismosang kokak na 'to akala mo kinaganda at kinagwapo nila yan aish! "Miracle Katigbak anong katangahan nanaman ba 'to? " Galit na salubong sa akin ni Nira, habang malungkot naman akong ni yakap ni Lira hay buti pa siya sweet. Si Nira kasi siya yung tipong yung Ate mong matandang dalaga at nagger huhu mukhang mabibingi ako kakaputak niya ngayong araw ah. "Binigyan ko siya ng love letter gaya ng sabi mo" Para akong bata na nagdadahilan sa Nanay dahil sa may nagawa akong kasalanan. "Oo pero sinabi ko bang sa tapat ng gate mo ibigay kung saan maraming tao ang makakakita, di ka ba nagiisip?! " Naiinis na sabi nito huhu nakakatakot talaga siya pagalit o di kaya naiinis nanlalaki ang ilong at mata niya para akong sasakmalin minsan nga parang mas nakakatakot yung galit niya kaysa kay Tatay at sa terror naming teacher sa general math. Pasimple akong nagtago sa likod ni Lira habang nakasimangot. "Ehh nataranta ako buong araw ko siyang di nakita tapos ay bigla siyang sumulpot nung pauwi na ako di na ako makapagisip ng matino basta ang priority ko nalang kahapon maibigay ko yung love letter " Pagrarason ko pa, parang mas lalo lang ata siyang nagalit dahil kita kong nagngitngit ang ngipin niya. Huhu help. Huminga muna ito ng malalim parang kinakalma ang sarili. "Miracle, Miracle hay naku! Alam mo ba kung anong gulong pinasok mo?" Matigas nitong sabi pero medyo kalmado na iyon. "Oo kalat na yun sa buong school. Ehh wala naman akong pakialam sa mga froglet na bashers na yan eh. Masyado akong nasaktan sa rejected confession ko kaysa isipin ang mga opinion nila" Sabi ko na ikinatigil ni Nira. Nang makabawi siya ay agad niya akong dinamba ng mahigpit na yakap. "Boba" Sabi lang nito doon na ako naiyak at sinagot ang yakap niya para kaming tangang tatlo na nagiyakan doon kahit na pinagtitinginan na pero wampakels pa rin. Masyado kaming maganda para pansinin sila. "Tara cut tayo!" Masiglang suggestion ni Lira. Akala ko babatukan siya ni Nira pero literal kaming napanganga nung sumangayon ito. "Tara!" Sabi ni Nira. "Hala" Di makapaniwalang reak ni Lira. "Sigurado ka?" Paninigurado ko sa sinabi nito. "Oo, tara KTV tayo, wag kayong magalala excuse tayo, tinext ako ni Miss at maaga niya akong pinapunta sa office niya ang sabi niya wag na daw muna kaming pumasok ni Lira at damayan ka muna. Excuse tayong tatlo sa lahat ng subjects kasi nakisimpatya din ang iba nating guro. Awang-awa sila sayo" Casual na kwento lang nito habang ako ay namumula sa hiya. Ano ba 'tong gulong pinasok ko? Huhu. • • • Ang dami naming pinuntahan nag KTV kami, nagarcade naman tapos make up store nagtry lang ng bagong make up at sukat sukat naman sa gamit tapos na magpipicture ang sama na nga ng tingin ng sales lady pero wampakels pa rin ang peg namin. Iniwan talaga nilang pumunta sa DL malls masyado silang asar kay Aubrey. Pansamantala kong nakalimutan si Aubrey at laking pasalamat ko yun sa kanila alam ko naman una palang maliit na ang tsansa ko pero go pa rin at least may ginawa ako, ngayon time na sigurong mag move on? Hapon na pero di pa rin kami nakakapaglunch di namin namalayan ang oras eh. So ang ending nandito kami ngayon sa isang Mcdo o diba sosyal matagal na namin 'tong pinagipunan wag kayo, lagi kasi kaming tusuk-tusok lang kaya pagnakakapagmcdo o jollibee kami ay malaking bagay na yun. Pagkatapos naming magorder ay pumipwesto kami sa second floor sa pinakadulong bahagi at malapit sa bintana. Ilang minuto muna kaming tahimik ng bumuntong hinga ako saka nagsalita. "Siguro kailangan ko ng mag move on" Panimula ko pareho silang napatingin sa akin. Alam ko namang nung una palang end game na pero ang kulit mo lang at ginusto ko pa ring sumugal at sumubok. Oo, masakit pero naiiiyak ko naman na lahat kagabi at aminin ko man o hindi masyadong mataas si Aubrey at sabihin na nating nakuha ko nga siya alam kong hindi ako yung babaeng deserving sa kanya. Ang hiling ko nalang sana makita niya ang babaeng katulad niya at yung deserving sa kanya siguro mas mapapanatag ako sa ganon at hindi ako manghihinayang mas mapapanatag pa nga ako dahil alam kong nasa mabuti siyang mga kamay. "Kaya mo ba? " Tanong ni Nira. "Oo naman 'no ngayon nakita ko na pangit pala ng ugali niya makakapagmove on na ako. Ibang-iba na siya, baka ngayong sikat na siya lumaki na ang ulo niya. At least wala akong pagsisihan dahil gumawa ako ng paraan para sabihin ang feelings ko sa kanya at masyado akong maganda para magemote" Sabi ko napangiti naman si Lira saka parang asong inabot nito ang ulo at pinat iyon. "Very good Miracle Katigbak " Sabi nito na ikinanguso ko. "Minsan talaga nagaalala na ako sa confidence mo dyan sa ganda mo" Iiling iling at seryosong sabi ni Nira na ikinakunot ng noo ko. "Bakit totoo naman ah. Alam niyo ba kung gaano kayo kaswerte at may kaibigan kayong may rare case na kagandahan pasalamat kayo at libre niyo akong makausap at makita" Pacute at mahinhing sabi ko habang pinipilantik ko ang mga mata ko nagkatinginan naman ang dalawa saka iiling iling na ibinalik ang atensyon sa pagkain. "Ano kaya kung magartista ako paggrumaduate tayo" Sabi ko habang matamis na nakangiti sa cellphone ko at inaasyos ang buhok ko. "O di kaya mag mod-" Di ko na natuloy ang sasabihin ko ng pinalsakan ako ni Nira ng punpon na fries. Sinamaan ko siya ng tingin saka nakasimangot na nginuya iyon. "Anyways change topic na. Kailan nga ulit kayo lilipat ng bahay?" Tanong nito. "Bukas na" Nabilaukan naman sila sa sagot ko kaya napatawa ako hehe nakaganti din. "Sabado na ba bukas? " Nanlaki ang matang tanong ni Lira sabay tingin sa cellphone niya. "Yez dear friday ngayon duh, ihhhh excited na nga ako eh haha punta kayo ah" Masayang sabi ko. "Aba oo naman ihh namiss ko luto ni Tatay Bud!" Halata nga sa boses nito ang excitement close na sila kay Tatay actually tuwing linggo nga ay pumunta sila sa bahay at nakilamon oo lamon talaga dahil di lang simpleng kain ang ginagawa nila day off kasi ni Tatay sa araw na yun. Tuwing summer din kasi ay tumutulong kami sa karenderya ni Tatay. Halos six years na kaming magkakasama pero di parin sila nagsasawa sa luto ni Tatay. Si Lira lagi daw walang lasa ang ulam nila matanda na kasi mga magulang nito at di na pwede sa asin. Nagiisang anak lang din ito at masyadong sheltered dahil sa may edad na nga yung Nanay niya nung ipinagbuntis siya. Si Nira naman ay hiwalay ang mga magulang at Nanay lang niya ang kasama niya at lagi pang wala dahil busy sa trabaho kaya mas gusto niyang kumain sa bahay dahil may kasalo daw siya. Hayy si Lira lang ata ang buo ang pamilya dahil ako ay bata pa lang ako nung pumanaw si Nanay nagkasakit daw ito eh. Ayon simula nung magkaisip ako si Tatay na ang kinagisnan ko wala kaming ibang kamaganak dahil parehong ulila sina Nanay at Tatay ang totoo niyan nasa iisang ampunan lang sila. Hanggang sa magkagustuhan at nineteen palang sila nung nabuo ako at ayon napag desisyunan nilang bumukod at gumawa ng sariling pamilya, kaya naman ang bata pa ni Tatay sa edad na 36 aba lapitin pa yan ang gwapo niya naman kasi, kung minsan nga ay napagkakamalan pa kaming magkapatid lang, oh well kanino ba ako magmamana. Pero masyadong loyal si Tatay hanggang ngayon ay mahal na mahal pa rin si Nanay. Nasa kalagitnaan kami ng paguusap ng may biglang lumapit sa amin, tatlo sila at base sa uniform nila ay sa San Agustin Academy sila nagaaral, yung kilalang private school sa San Agustin at talagang may kaya lang ang nakakapasok doon. Isang napakalaking Municipality lang kasi dati ang San Agustin parte siya ng luzon at medyo malayo malayo sa Manila six hours ang biyahe di pa kasali doon yung traffic. Kamakailan lang siya naging City, mga limang taon palang kaya di ito masyadong kilala. Sa tulong ng Del Valle, Delivia at Rosales ang tatlong pinaka mayayaman at pinaka maimpluwensyang pamilya sa San Agustin dahil sa business nilang itinayo dito, unti-unting umunlad ang bayan namin. Maganda din ang kalidad ng pampublikong eskwelahan dito dahil na din sa tulong nila lalong lalo na ang mga Del Valle. Sila ang may mas malaking naiipapasok na pera sa San Agustin Elementary School, San Agustin National High School at San Agustin State University. Na nakikipagsabayan sa private school kaya ata doon nagaaral sa SANHS nagaaral si Aubrey ang laking pera nga naman ang naipapasok nila kailangan niya ring makinabang. "Hi" Bati ng nasa gitna saakin. Unang tingin palang masasabi mo nang sila yung tipo ng estudyante na bulakbol at walang ginawa kundi ang humanap ng g**o. At sa tipo ng pagbati nito ang yabang at walang modo. "Hello" Walang gana kong bati. Magsasalita pa sana ito buti nalang ay nagring ang cellphone ko ng makita ko ang registered name ay si Nira ang tumatawag. "Hello Tay. Hala bakit ano pong nangyari? Opo pupunta na po ako! " Oh diba yung arte ko pangfamas dali dali akong tumayo habang nasa tenga ko pa din ang cp ko at sumunod din ang dalawa. Nung nasa labas na kami ng Mcdo ay saka lang ako nakahinga ng maluwag at binaba na yung cp ko nagkatinginan muna kaming tatlo saka sabay sabay na tumawa. Notorious na ang San Agustin Academy sa pagiging bully at masyadong walang modo din yung mga estudyante doon iyong mga matapobre parang mayayaman lang kasi ang nakakapasok sa SAA dahil sa humigit kumulang nitong tuition fee na fifty thousand sa isang sem. Kilala sila na magaling sa larangan ng sports pero in terms of Academic aba ang SANHS ang nangunguna. Naghiwahiwalay lang kami sa sakayan ng tricycle magkakaiba kasi barangay namin. Pagkauwi ko ay ginawa ko ulit ang usual routine ko. Sumagi nanaman sa isip ko ang eksena kung saan hindi tinanggap ni Aubrey yung love letter ko kaya agad kong sinampal sampal ang sarili ko magmomove on na nga diba ang kulit mo brain ah wag mo na siyang isipin please lang. Pabagsak akong humiga sa kama ko at blangkong nakatingin lang sa kisame. New house means new life kailangan ko na talagang mag move forward at isipin nalang ang future ko. Mas mabuti yun kaysa sa lalaki. Parang tangang sinangayunan ko ang aking na isip at saka ko naramdaman na bumibigat na ang talukap ko kaya and the last thing I know everything went blank.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD