CHAPTER 14 Foundation day Nagawa ko pang magtagal sa penthouse ni Gray kagabi dahil sa pagkaaliw ko kay Trick. Pagtapos lang din ng ilang oras, hinatid niya na ako sa bahay. Law even invited us to do downhill mountain biking. Bago raw sana siya bumalik sa ibang bansa, makapag-bike ulit kaming tatlo nina Trick. Sabi ko, hindi ako p’wede ngayon dahil foundation day pa naman ng Arquero University at tiyak na marami akong mabebentahan. In the end, we ended up canceling our plan with him. Kung kami naman ni Trick, walang problema basta’t hindi lang talaga ngayong linggo. Madalas na rin naman na kasi naming gawin ang mountain biking dahil mas thrilling iyon. Ngayon, pinasukan ko muna ang klase ko dahil dalawang subject lang naman ako ngayon. Talagang nagmamadali ako dahil bala

