CHAPTER 15 Ace Napakalakas talagang mang-trip ni Trick. Hindi ko alam kung saan siya nakakukuha minsan ng ideya. Pambawi niya sa akin, siya na ang bumili ng natitirang tinda ko. Kung noon o sa ibang mga araw, hindi ko siya pinapayagang bilihin ang kahit ano sa tinda ko, ngayon hinayaan ko na lang din. Gutom na rin daw kasi ang tukmol. “Sorry na nga e. Bumawi ka na. Bilis,” turan niya pa at inilahad ang mukha niya. Medyo malayo pa siya sa akin, takot yata sa pagganti ko. Akala naman niya, gagantihan ko siya. Hindi ako gaganti basta lumayu-layo lang siya sa akin. Naaalibadbaran ako sa kanya. “Tapos nood na tayo ng paborito mong banda. Magpe-perform ang Ace ngayon e,” dagdag pa ni Trick. Mukhang kilalang-kilala niya talaga ako. Binanggit niya ang paborito kong ba

