MAAGANG nagising si Phillip. Naabutan niyang nagkakape sa kusina ang Lola Ancia niya kasama sina Aline at Yllen Stacy. Si Yllen Stacy muna ang kasa-kasama ni Lola Ancia sa villa dahil si Glanys ay abala sa pagsama-sama kay Adam sa mga tour at live show ng banda nito. Abala si Yllen Stacy sa pagluluto ng almusal. Hinagkan niya ang pisngi ng lola niya. “Good morning, `La, Yllen, Aline.” Umupo siya sa tabi nito at kaagad siyang binigyan ng isang tasa ng kape ni Yllen Stacy. Nagpasalamat siya rito bago humigop. “Good morning,” ganting-bati ng lola niya. “How is she?” “She’s still sleeping. Maayos naman ang tulog niya kahit na may mga pagkakataon na umuungol siya na tila natatakot.” Umalpas na naman ang galit sa dibdib niya. He could never forgive Benito for what he did to Sassa. There was

