35

1343 Words

NANG magising si Sassa ay mukha ni Phillip ang unang nasilayan niya. Napangiti ito nang makitang gising na siya. “Hey,” masuyong bati nito. “How are you feeling?” Nginitian din niya ito. Nananakit pa rin ang katawan niya ngunit hindi na niya iyon gaanong alintana. Maganda ang gising niya dahil ito ang kanyang unang nakita. Tila walang puwang ang pangamba sa puso at pagkatao niya dahil doon. “I feel fine,” tugon niya sa mahinang tinig. Pakiramdam niya ay napakatagal niyang nakatulog. Nakabawi nang husto ang katawan niya. Komportableng-komportable ang hinihigaan niya. Higit sa lahat, hindi niya namulatan ang mukha ni Benito. Hinaplos nito patalikod ang buhok niya na bahagyang tumatabing sa mukha niya. “Gutom ka na siguro. Pitong oras ka ring nakatulog. Sandali at magpapadala ako ng pagk

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD